Chapter 48

3.5K 63 0
                                    

Anchel's pov.

"Hi Miss tutor! Na-miss mo ba ako? "Nakangising tanong ni Vougn at tinaas baba pa ang kilay. Magkasabay kaming maglakad ngayon papunta sa room, ewan ko ba pero mas ok kung si Sean ang kasabay ko keysa sa damukol na sinto-sintu na ito. "Hoy!  Impakto ka, pwede 'wag mong sirain ang umaga ko. And why would I miss you? Mas matutuwa pa ako kapag hindi ka pumasok, total mga babae mo naman ang kinukulit mo at hindi ako. "Asar na sabi ko at binilisan ang paglalakad para makalayo sa  kanya. Kaya lang sa bilis niyang maglakad naabutan Nita ako,  sa haba ba naman ng mga biyas niya hindi na malabo iyon.

"Ayiee. Nagseselos siya. Huwag kana magselos,ikaw naman ang tutor ko eh––saka mas gusto kita kasama kesa sa kanila. And FYI lang,hindi na ako nakikipag-flirt good boy na kaya ako mula ng naging tutor kita––kaya dapat proud ka kapag kasama ako."Sabi pa nito sabay akbay sa akin. Malakas kong tinabig ang braso niya sa balikat ko at matalim na tumingin sa kaniya. "Pwede ba Demon, tigil-tigilan mo ako? Iba nalang ang buwisitin mo 'wag nalang ako, doon ka nalang sa mga babae mo mangulit. Isa pa, uupakan na talaga kita––at kapag ako na-late, mukha mo lang ang walang latay. "Galit na sabi ko at aba ang damukol tinawanan lang ako. "Alam mo miss tutor, alam ko namang kinikilig ka tinatago mo lang,'wag kang mag-alala nakahanda naman akong pakiligin ka pa. "Nakangising sabi pa nito na mas lalong kinainis ko. Panira talaga ng araw ang Demon na ito." Bahala ka diyan sa buhay mo,kausapin mo ang sarili mo total sintu-sinto ka namang impaktong damukal ka! "Buwisit na sabi ko at nagmadaling naglakad para malayo sa kaniya.

"Oh, anyare sayo best friend? Umagang-umaga at martes palang pero muka ng beyernes-santo iyang mukha mo. "Bungad sa akin ni Sean ng makapasok ako sa room. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Ok, ok. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong. "Saad nito at nakatas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Inirapan ko lang ito at nagtungo na sa akong upuan at padabog na naupo. "Ayos ka lang ba Chela? "Pagtatanong ni Ella. "May nambully ba sayo? Sabihin mo lang at uupakan natin. "Saad ni Mikee at umakto pang sinuntok-suntok ang kaliwang kamao nito sa kanang palad. Bumuntong hininga ako at handa ng magsalita ng marinig ko ang nakakainis na boses ng impaktong sintu-sinto. "Good morning guys! Did you miss me! "Malakas na boses na sabi nito ng makapasok ito sa room. Napairap nalang ako. At ang mga malalade naming kaklase, ayon nagsigawan at pumalakpak pa.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now