Prologue

30.6K 276 0
                                    

Busy noon ang dalagang si Anchel ngay isang babae ang lumapit sa kanya." Ahm,ikaw ba si Anchel Mace Montefalco?"tanong ng babae.Nag-angat siya ng tingin dito."Ako nga.May kailangan ka ba?"balik tanong niya rito."Pinapatawag ka ni Mrs. De Silva at the Principal's Office."saad nito"Sige susunod na lang ako ililigpit ko lang muna ang mga gamit ko."sagot ni Anchel sa babae.Tumango na lamang ito sa kanya at umalis na."Bakit kaya ako pinapatawag ni Mrs. De Silva?"tanong ni Anchel sa sarili at dalidaling inayos na ang kanyang gamit at nagtungo na sa Principal's office.

      At the Princil's Office..

"Tok,tok,tok" katok ni Anchel sa pinto."Come on in!"sagot ng nasa loob.Pumasok na si Anchel at ng makapasok siya,doon niya nakita si Mrs. De Silva na nakaupo sa visitor's seat.
"Goodmorning po Mrs.
Principal,goodmorning din
po Mrs. De Silva." Magalang nitong bati sa dalawa."Goodmorning din sayo hija,halika maupo ka muna." Nakangiting saad ni Mrs. De Silva sa kanya,kaya agad na siyang umupo sa kaharap nitong upuan.Binalingan naman ni Mrs. De Silva ang Punong Guro."Mrs. Greece maaari mo ba kaming iwan sandali?"saad nito sa Gng."Sige po madam,maiwan ko na po kayo."sagot nito at umalis na.Hinarap naman siya ni Mrs. De Silva."Hija maaari ba akong humingi sayo ng pabor?"tanong nito."Oo naman po basta kaya ko pong ibigay."sagot niya." Nalaman ko kasing mabuti,matalino at masipag kang bata. Kaya naisipan kong kunin kang tutor ng aking anak na si Vougn." Sabi nito na ikinagulat ni Anchel."Ako? Magiging tutor ng walang hiyang Vougn na yun?"tanong ni Anchel sa sarili."Pero po kasi Mrs. De Sil---"hindi na naituloy ni Anchel ang balak niyang pagprotesta sa Gng. ng hawakan nitoang mga kamay niya at nagmamakaawang tumingin sa kanya."Please hija! Ikaw lang kasi ang alam kong maaaaring makatulong sa aking anak. Kaya please! Hija pumayag kana suswelduhan naman kita eh. At isa pa maaari ka namang tumigil kung wala paring improvement ang anak ko.Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa anak kong iyon at tsaka, nag-iisa ko lang siyang anak kaya gusto kong magkaroon siya ng magandang buhay at kinabukasan.At ikaw lang ang maaaring makatulong sa kanya kaya pumayag kana hija!"mahaba at madamdamin nitong saad."tsss.Napaka walang hiya talaga ng lalaking yun.Habang nagpapakasaya siya sa pangbubully at pagiging playboy iniisip naman ng kangyang ina ang kinabukasaan niya.Naku!kung ako lang ang ina niya baka napektusan ko na yun."sabi ni Anchel sa sarili.Nagpakawala muna siya ng tatlong mararahas na buntong hininga bago tumingin sa Gng. at nagsalita."wala naman po sigurong mawawala kung susubukan natin.Kaya pumapayag na po ako."nakangiting sabi ni Anchel sa Gng. na siyang ikinatuwa nito dahilan para mapayakap ito sa kanya."Oh my god hija! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil pumayag kana at sinisiguro ko sayong hinding-hindi ka magsisi na pumayag kang maging tutor ng aking anak." Tuwang-tuwa nitong saad sa kanya."Well god luck nalang sa akin."sabi ni Anchel sa sarili.

______________________________

Copyrights 2018 © ompodR

I'm His TutorWhere stories live. Discover now