Chapter 47

4.8K 88 1
                                    

Anchel's pov.

"Good morning best friend! Ano ready ka na ba sa exam? "Tanong sa 'kin ni Sean ng magkasalubong kami sa hall way papunta sa room at sumabay na sa aking maglakad. "Ako pa ba? Eh ikaw ba handa ka na? Nakapagreview ka ba? Oh baka naman babae na naman ang iniintindi mo? Naku Sean masasapak na talaga kita. "Mataray na saad ko dito. "Ito naman, mabait na ako no. Saka nagreview ako kagabi no, makikita mo mamaya. "Paghahamon pa nito inirapat ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Good morning Anchel! " Mikee" Good morning chela! "Ella. Masayang bati sa akin nila Mikee, Ella at ganoon na rin ang boys pagkarating ko sa room except kay Ace na hindi namin kaklase at kay Vougn? Nasaan kaya ang damukol na iyon. Gusto ko sanang magtanong sa kanila kung nasaan si Vougn pero mas pinili ko nalang ang tumahimik baka kung ano pang sabihin nila.

"Morning din. Ano nakapagreview ba kayo? "Pagtatanong ko sa kanila ng makaupo ako. "Kami ni Ella oo, sabay kami nagreview kagabi eh. Ewan ko lang diyan sa mga damukal na mga lakeng iyan, baka hang out at babae ang inatupag kagabi lalo na ang sugpong iyon. "Saad ni Mikee at umirap pa. "Hoy! Ikaw na mazonang pusit ka! Nanahimik ako dito, 'wag mo akong inuumpisahan at hindi ako sugpo!" Galit na sabi Drake. Sinamaan naman ng tingin ni Mikee si Drake at dinuro. Here they are again.

"Hoy ! Ikaw na sugpong patay gutom ka! Huwag na 'wag mo akong matawag-tawag na pusit dahil fyi, mas maganda pa ako sa mga babaeng kaflirt mo. At kung hindi ka sugpo, bakit nagrereact ka kapag tinatawag kitang sugpo? So meaning, inamin mo na ring sugpo ka? Hindi lang sugpong patay gutom, sugpong haliparot pa! "Gigil na gigil na na sabi ni Mikee. Napailing nalang ako. Kelang kaya magkakaayos ang dalawang ito. "Aba---"hindi na nakagante si Drake ng pumasok na ang First Teacher namin na si Mrs. Bautista.

"Ok, good morning class." Bati sa amin ni Mrs. Bautista. "Goodmorning Mrs. Bautista!" Bati namin pabalik. "Ok,please return to your seats and let start your exam. "Saad ni Mrs. Bautista habang inaayos ang mga papers na dala niya marahil ay iyon na ang test paper namin. "Get one, and pass. "Saad ni Mrs. Bautista harapan.

"Mikee, nakita niyo ba si Vougn? "Tanong ko kay Mikee ng iabot niya sa 'kin ang test paper para sa 'kin. Hindi ko na kasi talaga mapigilan. "Ahm. Ang alam ko nagbigay siya ng excuse letter, hindi yata siya makakapasok ngayon. "Paliwanag ni Mikee. Bakit kaya? "Bakit daw? Saka, paano itong exam? "Tanong ko. "First, hindi ko alam kung bakit siya absent. Second, may special exam naman kaya ok lang kahit hindi siya makarating ngayon. Kaya 'wag mo ng alalahanin ang umag na 'yon, pagtuunan mo nalang ng pansin ang test paper mo. Sige na magsasagot na ako. "Saad nito at tumalikod na sa akin.

Kung sabagay tama naman si Mikee, my special exam naman kaya bakit pa ako nag-aalala?
Wait? Did I just say I'm worried? Oh God! Hindi ako nag-aalala ok? Hindi! Napapaisip lang ako... Kung bakit absent siya ngayon at take note nagbigay siya ng excuse letter so meaning importante talaga. Haist! Bakit ko ba iniisip ang sintu-sintong iyon. Makapagsagot na mga lang.

Third person's pov.

Kasalukuyang nasa salas sa apartment nila Kristine sila Arch at si Vien at naglalaro ng chess.
"Daddy? "Tawag ni Vien sa ama. Nakangiting binalingan ni Arch ang anak. "Ano iyon anak? "Tanong niya dito. "Mahal niyo po ba ang mommy ko? "Tanong nito ng nagpatigil kay Arch at tila hindi makasagot sa anak.. "Bakit hindi kayo makasagot? Hindi niyo po ba mahal si mommy ko? Ang tita mommy ko po ba ang mahal niyo at hindi ang mommy ko? "Sunod-sunod na tanong ng anak. Napatitig siya dito.

Kung alam mo lang anak kung gaano ko kamahal ang mommy mo. Napabuntong hininga si Arch saka lumipat ng upo sa anak at inaupo ito sa hita niya. "Alam mo anak, mahal ko ang mommy mo--mahal na mahal. Sabi ko nga noon sa sarili ko, siya na ang babae para sa akin--ang babaeng mamahalin ko, ang papakasalan ko, ang magiging ina ng magiging mga anak ko, at ang gusto kong makasama habang buhay. "Saad niya sa anak na may kislap sa mga mata lalo na ng maalala ang mga pangarap niya, nilang dalawa ni Kristine noong magkasama pa sila at hindi pa siya nito iniwan.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now