Chapter 51

3.5K 76 20
                                    


Anchel's pov.

Napabuntong hininga ako saka napapikit.

Buong maghapon na akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Ayoko muna kasing lumabas, kahit sobrang nagugutom na ako.

Kanina Pa kasi ako walang kain hindi pa kasi ako handang harapin sila kuya.

Hindi ko alam kung papaano sila kakausapin, aminado naman akong mali ako. Haist! Hindi ko na alam mababaliw na yata ako sa kakaisip.

Itutulog ko nalang sana ang inis ko ng may kumatok sa pinto. Pero imbis na tumayo at pagbuksan ang kung sino man ang kumatok, isinubsob ko nalang ang aking mukha sa unan.

"Baby girl, si kuya Arch mo ito pwede ba tayong mag-usap? "Agad akong napabangon ng marinig ang boses ni kuya Arch.

At dali-daling lumakad papunta sa pinto para pagbugsan si kuya Arch. Nang mabuksan ko ang pinto agad akong tumakbo pabalik ng kama saka tumalikod.

Hindi ko kasi talaga kayang harapin si kuya. Sobrang na-g-guilty kasi ako.

Maya-maya Pa ay narinig ko na ang yabag nito papalapit sa making kama at tumigil ito sa likuran ko.

"May pagkain akong dala, kumain ka muna habang mainit pa ito at saka tayo mag-usap. "Sabi nito at kasabay nito ang pagbaba niya ng isang tray sa study table ko.

Hindi ako kumibo o kumilos, nanatili akong nakatalikod. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito .

"Kumain kana, kanina ka pa walang kain at hindi iyon maganda. Alalahanin mo umiinom ka ng gamot. Kaya sige na kumain kana, sa labas lang ako. "Sabi nito saka naglakad na papalabas ng making kwarto.

Ako naman ay bahagyang napaluha. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa tono ng boses ni kuya Arch.

Mas gusto kong marinig ang malambing niyang boses habang tinatawag niya akong baby girl.

Sabagay kasalanan ko naman, pero masakit pa rin. Bumuntong hininga muna ako saka nagpasiyang humarap kung na saan ang study table ko.

Mangiyak-ngiyak ako ng makita ang pagkain at ang nakalagay dito.

Isang plato na may lamang sinangag na kanin at sa tabi nito may tuyo at itlog. Sa isang patito naman ay mayroong nakasulat gamit ang ketchup.

"Eat well baby girl niluto ko iyan para sa iyo. Pakabusog ka ha, I love you😊"

Kahit masama ang loob sa akin ni kuya, ginagawa niya pa rin ang lahat para mapasaya ako.

Kaya agad ako nagtungo sa pinto para puntahan si kuya, at ng makita ko ito sa labas ng kwarto ko agad ko siyang niyakap umiyak ng umiyak.

"Kuya sorry! Sorry po talaga... Hindi ko po gustong galitin kayo. Sorry kung napasama ko ang loob niyo. Sorry kuya! Sorry... "Umiiyak na sabi ko .

Hinagod naman nito ang likod ko.

"Ssshhh.. Tahan na, hindi ko gustong umiyak ang baby girl ko.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now