Chapter 43

3.9K 78 1
                                    

Nagising ako at ang nag-aalalang Sean ang nabungaran ko. "Thank God!  You're awake. Kamusta na ang pakiramdam mo?  Wala bang masakit sayo?  Nahihilo ka ba?  Nagugutom,  nauuhaw? '' sunod-sunod na tanong nito. "I'm fine.  What happened? " balik tanong ko. "Nahimatay ka lang naman matapos mong marinig at makita ang angyari kagabi.  Pambihira ka Anchel,  pinag-alala mo ako lalo na ang kuya Arch mo. "Mahinahong saad nito at nag-aalalang tumitig sa 'kin. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang pag-aalala ni Sean si kuya Arch agad ang hinanap ko.

"Si kuya Arch na saan?  Ok lang ba sya? "Nag-aalalang tanong ko kay Sean. Bumuntong hininga ito. "Umalis sya pagkatapos ka niyang maibalik dito. May aasikasuhin lang daw muna sya. "Saad nito. Napabuntong hininga sya. Nag-aalala talaga sya sa kuya matapos nyang marinig ang sinabi ng doctor kanina tungkol sa bata. Alam niyang sobrang nasaktan ang kuya niya dahil kung ngayon pa nga lang nalaman na may anak sya tapos hindi man lang nya nakasama kahit saglit nawala na agad.

Napatingin sya sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang kuya niyang si Arch. Kuya... Tanging nasambit nya ng makita ang kuya Arch niya. Bahagyang kumirot ang puso nya ng makita ang itsura nito. Wala na sa ayos ang pagkakabotones ng suit nito at nagkaroon narin ng itim ang ibaba ng mga mata nito at kita na rin sa mukha at mga mata nito ang pagod. Bahagya itong ngumiti sa kanya ng magtama ang kanilang mga mata pagkapasok nito.

''Kamusta na ang pakiramdam mo baby girl? Hindi ba masakit ang dibdib mo? "Agad na tanong nito sa mababang boses ng makalapit ito sa kanya. "I'm fine kuya. How about you? Are you ok?  You look so exhausted and look,  you already have a dark circle under your eyes. Hindi ka ba natutulog kuya? "Sunodsunod at nag-aalalang tanong nya rito. Ngumiti lamang ito sa kaya at bumaling ng tingin kay Sean. "Ah Sean. Pwede ka ng umuwi ako ng bahala sa kay Mace para makapagpahinga ka narin at baka hinahanap ka na rin sa inyo. Salamat sa pagdala sa kapatid ko dito at sa pagbabantay sa kanya. "Nakangiting saad nito sa binata.

Ngumiti naman ang huli. "You're always welcome kuya Arch. Masaya at panatag po ang loob ko na natulungan ko si Anchel. Gusto ko pa po sanang manatili para masigurong maayos na talaga si Anchel, pero dahil kayo na po ang nagsabi nirerespeto ko po ang desisyon nyo. "Magalang na saad niyo. "Salamat. "Nakangiting saad naman ng kuya niya.

Bumaling sa kanya si Sean para magpaalam. "Mauna na ako Anchel don't be a stubborn again. All you have to do is to rest understand? "Seryosong bilin nito. Ngumiti sya at tumango. "Good. Kuya Arch,  Anchel mauna na ko. " Saad nito at nagpaalam ng lumabas.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na yumakap sa kanya si Arch na bahagya pang ikinagulat ni Anchel dahil hindi nya inasahan ang giniwang pagyakap sa kanya ng kanyang kuya. "Kuya... " tanging nasambit niya dala ng gulat. Hindi ito umimik at ilang minuto lang ay naramdaman niya ang yugyog ng balikat niya at bahagyang pagkabasa ng kanyang damit. He's crying... Saad niya sa kanyang sarili. Dahil doon ay yumakap sya dito pabalik at sa pagyakap niyang 'yon, humigpit din ang pagyakap sa kanya ng kanyang kuya. Until-unti nya na ring naririnig ang hikbi nito hanggang sa maging hagulhol.

"It's ok kuya. Iiyak mo lang lahat yan nandito lang ako. You can cry on my shoulder as long as you need and as long as you want. I'm always here kuya... I'm just here. "Saad niya at masuyong hinahagod ang likod nito.

"Bakit ganoon baby girl. Why I'm always late when it comes to the people I love. I feel so useless. "Namamaos na saad ng kanya kuya. At dahil sa narinig, bahagyang kumirot ang kanyang puso. He always hurt emotionally, first to our father for leaving us, second to our mother when she passed away and now, to his son. To his own blood and flesh and I know ito ang pinakamasakit na naranasan nya. Kung may magagawa lang sana ako para kahit papaano mabawasan ang sakit na narardaman ng kuya ko. Palihim na bumuntong hininga si Anchel para kahit papaano ang mabawasan ang bigat na nararamdaman nya.

"Don't say that you're useless kuya because your not. Marami ka ng naisakripisyo at naranasang hirap para maprotektahan at maalagaan ang mga mahal mo kuya lalo na sa 'min ni kuya Ice.
      You're the most responsible and hard working person I ever know. At hindi mo kasalanan kung hindi ka man umabot sa tamang oras, ang mahalaga sinubukan mong gawin ang lahat at buong makakaya mo.
       At sabi nga nila, lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao, ay maaaring dahil sa mga desisyon at kagustuhan nila o kaya naman ay talagang nakatakda ng mangyari.
     Pero kuya, hindi mo naman desisyon at kagustuhan ang mga nangyari. Maybe, ito talaga ang nakatakdang mangyari. Kaya 'wag na 'wag mong sasabihin o iisipin na kasalanan mo at wala kang silbi o ano pa man. Dahil alam mo sa sarili mo, na ginawa mo ang lahat ng kaya at magagawa mo.
    At lagi mong tatandaan, nandito lang ako kami nila kuya Ice at papa para sayo. Hindi ka nag-iisang lumalaban sa buhay kuya, kasama mo kami kasama mo ako."Mahabang litanya nya upang pagaanin ang loob ng kuya na dahil ito lang ang kaya nyang gawin para dito at lahat iyon ay nagmula sa kanyang puso. At patuloy na masuyong hinahagod ang likod ng kanyang kuya.

Ilang sandali pang ganoon ang posisyon nila hanggang sa kumalas mula sa pagkakayakap ang kuya niya sa kanya. Agad nitong pinunasan ang mga mata at pisngi na nabasa ng luha dahil sa pag-iyak nito at tumitig sa kanya. At hindi katulad kanina na muka itong pagod na pagod,  ngayon ay relax na ito na ikinahinga ng maluwag ni Anchel.

Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang kamay bago nagsalita. "Thank you sa pagpapagaan ng loob ko baby girl ha? Pasensya na kung nagulat kita kanina hindi ko na kasi talaga kinaya eh. "Nahihiyang saad nito. "It's ok kuya. Masaya akong kahit papaano ay napagaan ko ang loob mo. "Nakangiting saad niya. "You always  make me calm and relax baby girl. Specially with you cheesy words. "Natawa ito sa huli nitong sinabi na kinasimangot niya.

"Nagmula sa puso ko lahat ng iyon kuya,  tapos sasabihin cheesy 'yon? Hindi mo ba alam na ako lang nagsasabi sa ng lahat ng 'yon. Kahit nga si kuya Ice hindi kayang sabihin 'yon kahit siguro sa magiging girlfriend o asawa nya. Kasaing lamig niya ang pangalam niya eh. "Naaasar na saad niya pero ang totoo ay hindi naman talaga sya naiinis. Natawa naman ang kuya niya at ginulo ang buhok niya. "Yeah you're right, may be mama and papa know na magiging ganoon ang ugali nya kaya Ice ang napili nilang pangalan na bumagay naman talaga sa kanya. "Natatawang saad ng kuya niya kaya natawa na rin sya.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang magkapatid bago nagpasyang magsalita si Anchel. "So what's your plan now kuya? "Tanong niya kanyang kuya.Bumuntong hininga ito. "To tell you the truth baby girl, I don't know anymore. I don't know what to do and what to feel. But one thing I know, I'm mad.. And also hurt. "Saad nito nahihimigan sa boses nito ang kalungkutan at pagkalito.

Si Anchel naman ngayon ang humawak sa mga kamay ng kuya niya. "Hindi ko man ganoong naiintindihan ang nararamdaman at nararanasan mo ngayon kuya. At hindi ko rin kayang tanggalin lahat ng sakit at hirap na nararamdaman mo ngayon kuya kahit sandali man lang. Ang masasabi at magagawa ko lang 'yon ay tulungan kang makabangon at malagpasan ang lahat ng problema at pagsubok na kinakaharap mo ngayon kuya.
   Andito lang ako lagi sa abi mo kuya, nandito lang kami lagi para sayo. "Buong pagmamahal na saad ni Anchel kaya hindi mapigilang bahagyang mapaluha ni Arch.

"Nasabi ko na bang swerte ako dahil ikaw ang naging kapatid ko at ako ang naging kuya mo? Dahil kung hindi ko pa nasasabi, ngayon sasabihin ko na. Ako ang pinakamasaya at pinakamaswerteng kuya sa buong mundo dahil ako ang naging kuya ng isang nakababata kong kapatid na si Anchel Mace Montefalco ang pinakamabait, malambing at mapagmahal na kapatid.
    At handa akong gawin ang lahat maprotektahan sya at maalagaan. At hindi ko hahayaang may manakit at magpaiyak sa kanya lalo na ang mga lalake. Gagawin ko rin lahat at susubukang hindi masaktan ang kapatid kong 'to. Dahil, mahal na mahal ko sya. Mahal pa sa buhay ko. "Mahabang litanya nito na ikinatawa niya ang huli nitong sinabi.

"Ngayon ko lang nalaman na mas cheesy ka pa pala sa 'kin kuya. "Natatawang sabi niya. "Ayos lang,  guwapo pa rin naman ako. "Nakangising saad nito at itinaas baba pa ang mga kilay nito kaya napairap nalang sya. "Tsk. Hindi ka rin pala cheesy kuya mahangin ka rin. Tsk. Tsk. "Iling-iling na saad niya. Natawa nalang ang kuya niya at akmang magsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi niya inaasahang pupunta. "Kristine? Anong ginagawa mo rito? "Nagtatakang tanong ng kuya niya dito.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now