Chapter 54

1.7K 65 3
                                    


Hello everyone! Sorry po Sa mabagal na update! Here's the new chapter hope you like it😊.

"Hey Anchel!  Nakikinig ka ba? "Napabalik ako sa diwa ko ng hawakan ni Mikee ang balikat ko.

"H-ha? Ano nga ulit ang sinabi mo? "Wala sa sariling tanong ko kay Mikee.

"Tsk!  So all this time hindi ka pala nakikinig sa mga sinasabi ko.

Ano ba kasi ang iniisip mo at nagkaka-ganiyan ka? May nangyari ba? May problema ka ba? "Pagtatanong nito.

"A-ah wala ... medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko ngayon. "Pagsisinungaling ko.

Dahil ang totoo pino-problema ko si Vougn. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nagugustuhan ang pagiging tahimik niya.

Dapat nga matuwa ako kasi hindi na siya pasaway at maingay 'di katulad ni Sean na maingay pa sa babae.

Pero hindi  eh,  hindi ako natutuwa sa pagiging tahimik niya. Hindi ko alam pero naiinis ako na nasasaktan.

It's been five days na siyang tahimik,  at sa tuwing may session kami ng lunch or break time tahimik at seryoso lang siyang nakikinig.

Hindi na siya nagbibiro kahit bweysitin ako gaya ng dati ay hindi na niya ginagawa.

Tapos pagkatapos ng sesion namin magpapaalam na siya agad na para bang hindi kami magkakilala.

Hindi ko alam kung tama ako pero, pakiramdam ko iniiwasan niya ko. Hindi ko alam kung bakit, pero iyon talaga ang pakiramdam ko.

Kahit kapag nag-p-practice kami sa poem namin tahimik lang siya at seryosong nagpapa- participate.

Pagtapos ng practice nagpapaalam siya agad na mauna ng umuwi. At sa tuwing susubukan ko siyang kausapin mabilis niya akong iniwasan. 

At sa tuwing ginagawa niya iyon, nasasaktan ako. Hindi ko na alam gagawin ko.

"Ganoon ba? Magpahinga ka nalang muna kaya sa clinic ako ng bahala sa excuse letter mo.

Sa next class ka nalang pumasok kapag bumuti na ang pakiramdam mo. "Saad ni Mikee na may pag-aalala. 

"Oo nga Chel,  baka mapaani ka Pa. " Nag-aalala ding sabi Trina. Umiling ako.

"Hindi na ok lang ako, mawawala din 'to mamaya. "Pagpapagaan ko sa loob nito.

"Sige ikaw ang bahala, basta kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang para masamahan kita papunta sa clinic. "Saad nito na nag-aalala pa rin.

"Oo salamat. "Nakangiting sabi ko. Tumango nalang ito saka ibinaling na ang tingin sa harapan at ganoon din kami ni Trina. Dumating na kasi si Mrs. Bautista.

Wala si Ella at Cris ngayon, may importanting aasikasuhin daw ang magkapatid.



Habang nag-d-discuss si Mrs. Bautista, hindi ko mapigilang mapalingon sa kinauupuan ni Vougn.

At nagbaba-kasakaling mapatingin din siya sa gawi ko. Napapabuntong hininga ako sa tuwing bigo ako.

"Anchel sigurado ka ba talagang OK ka lang? Buntong hininga ka ng buntong hininga eh. I'm worried. "Bulong ni Mikee na puno ng pag-aalala.

Nginitian ko ito. "I'm fine Mikee,  you don't have to worry. "Bulong ko din dito. Bumuntong hininga nalang ito saka muling ibinalik ang tingin sa harapaan at ganoon din ako.

Nakakainis! Bakit ba ako naaapektuhan ng ganito.

Ano naman ngayon kung tahimik siya? Hindi ba dapat matuwa ako kasi wala ng bweysit sa buhay ko pero bakit?...

I'm His TutorWhere stories live. Discover now