Chapter 10

6.7K 113 2
                                    

Thirdperson's pov.

Maggagabi na noon at abala si Ice kanyang ginagawa ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya muna ito at ng makitang ang nakatatandang kapatid ang tymawag ay agad na niya itong sinagot." Oh kuya bakit napatawag ka?" Bungad niya rito ng masagot ang tawag." Tumawag ako dahil gusto kong sabihing hindi ako makakauwi dyan ngayong gabi at baka bukas pa ako ng gabi makakauwi." Sabi nito sa kabilang linya." Bakit naman?" Tanong niya dito.

" Galing kasi ang bigg boss namin dito kanina,at naghanap ng magagaling na tagaluto para isama niya sa Batangas. May gaganapin yatang okasyon doon sa mansyon nila kaya nangangailangan sila ng marami-raming tagaluto. Nasama ako sa mga tagaluto na pinili niya at ngayong gabi na ang alis namin para maaga daw kaming makapagsimula bukas. Wala na akong magagawa kundi ang sumang-ayon nalang bibili nalang ako ng pamalit ko mamaya at pangbukas."mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Ganon ba? Sige bro mag-iingat ka." Maikling sabi niya dito. Natahimik naman ang nasa kabilang linya ng ilang sandali at akmang papatayin na niya sana ang tawag ng magsalita ito." Nagbalik na siya." Sabi nito sa malalim na boses. Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito." Ako ko. Nanggaling siya dito kanina." Malalim din ang boses niyang sabi." Ano?! Anong sabi niya?! Nagkita ba sila ni Mace?!" Histerekal na tanong nito.

"Ang totoo si Mace ang nagbukas ng pinto ng kumatok siya kanina. Pasensiya na kuya nasigawan ko rin kanina si Mace."hinging paumanhin niya dito. "Ano! Nababaliw kana ba?! Paano kung natakot siya sayo?! Paano kung atakihin siya ng sakit niya?! Ice naman alam mo naman ang kondisyon ni Mace diba?!" Tila galit na sabi nito sa kanya." Ayos nanaman siya kuya. At isa pa wala na akong ibang paraan para mailayo si Mace sa kanya. 'Wag kang mag-alala pupuntahan ko na siya mamaya pagkatapos na pagkatapos nito." Mahinahon niyang saad. Napabuntong hininga naman ang huli.

" Oh siya sige. Ikaw nang bahala dyan at sa kapatid natin.Ibaba ko na itong tawag maghahanda narin ako para sa pag-alis namin mamaya."pag-papaalam nito at binilinan pa bago tuluyang ibinaba ang tawag.Matapos maibaba nito ang tawag ay bumuntong hininga siya at niligpit at inayos muna ang mga gamit bago lumabas ng kanyang kwarto upang magtungo sa may kusina para makapagluto na ng kanilang agahan ng kanyang nakababatang kapatid.


Anchel's pov.

Nagising ako sa katok sa pinto ng aking kwarto. Nakatulog na pala ako kanina dahil sa pag-iyak. Papungas pungas akong bumangon sa aking at nagtungo sa may pinto upang pagbuksan ang taong naroon. At bahagya pa akong nagulat ng makita si kuya Ice ang naroon." Kakain na tayo baby girl."masuyong  sabi nito sa'kin." S-sige kuya susunod nalang ako." Sabi ko rito at nag-iwas ng tingin. Hindi ko parin makalimutan ang pangyayari kanina at ang galit nitong mga titig at ang pagsigaw nito sa'kin. Hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng takot. Bumuntong hininga naman ito at saka tumalikod na.Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod na dito.

Nang makarating ako sa hapag ay nakaupo na si kuya,nagtaka naman ako ng hindi ko makita si kuya Arch." Hindi makakauwi si kuya Arch ngayong gabi at baka bukas pa ng gabi ang uwi niya. Nasama kasi siya sa mga tagalutong kinuha ng big boss nila patungong Batangas sa mansyon nila doon." Paliwanag nito at naglagay na ng pagkain sa plato nito. Nakita siguro nito ang pagtataka sa mukha niya kaya nagsalita na ito bago pa siya magtanon." Ah, ganoon po pala." Maikling sabi ko at naglagay narin ako ng pagkain sa aking plato.

Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang aking pinggan at nagtungo kay kuya na patapos narin sa pagkain upang makapagpaalam." Maaari bang mauna na ako sayo. Masama po kasi ang pakiramdam ko." Sabi ko rito na totoo naman. Medyo masama talaga ang pakiramdam ko. Napatigil naman ito sa pagliligpit ng pinagkainan at tumingin sa'kin ng nag-aalala." N-naninikip ba ang dibdib mo?! May masakit ba sayo?! Sabihin mo kay kuya!" Nag-aalalang sabi nito at bahagyang lumapit sa'kin. Agad naman akong napaatras ng pahagya kaya napatigil ito sa paglapit sa'kin at bumuntong hininga.

"A-ayos lang ako kuya. Gusto ko lang pong magpahinga na." Malumanay kong saad." Sige. Basta kapag may naramdaman ka tawagin mo lang ako ok?!" Paalala nito sa'kin. Tumango na lamang ako at nagpaalam na. Nang makarating ako sa'king kwarto ay agad na akong naglinis ng aming katawan at nagtoothbrush narin. Pagkatapos noon ay nahiga na ako sa aking kama at pumikit na at maya maya pa ay nakatulog na ako.

Thirdperson's pov.

Matapos mahugasan ni Ice ang mga pinagkainan nila ay nagtungo na muna siya sa kanyang kwarto upang makapaglinis ng kanyang katawan. Nang matapos siyang malinis ng katawan ay lumabas muna siya ng kanyang kwarto upang magtungo sa kwarto ng kanyang nakababatang kapatid. Pagkarating niya sa kwarto nito ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang makapasok na siya ay dahan-dahan siyang ng tungo sa kama nito at maingat na umupo sa kaliwang bahagi ng kama nito kung saan nakikita niya ang mukha nito.

"Sorry baby girl ha?! Sorry kung natakot ka ni kuya! Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka kanina. Hindi na kasi ako makapag-isip ng tama kanina dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Sana mapatawad mo si kuya!" Malumanay sa sabi niya dito at masuyong hinaplos ang mukha nito." Sorry talaga baby girl. Mabuti naman at hindi ka sinumpong ng sakit mo kanina. Dahil kong nagyari yun at napasama ka ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sana hindi lumayo ang loob mo sa'kin,sa'min ni kuya Arch kung ilalayo ka namin sa kanya. Sana maintindihan mo kami, ayaw lang namin na maranasan mo ang sakit na naranasan namin noon. Ayaw namin masaktan ka, dahil baka ikasama mo iyun. Ayaw naming mapamak ka, ayaw naming mawala ka sa'min. Dahil ikaw nalang ang natitirang alaala namin kay mama. At hindi namin gustong mawala ang kaisa-isang prinsesa namin. Kaya san amaunawaan mo kami. At sana hindi kana magalit sa'kin, hindi ko kasi kayang ilang at umiiwas ka sa'kin. Mas gusto ko yung inaasar at kinukulit mo ako,atleast sa bagay na yun ay natutuwa at natatanggal ang pagod dahil sa kacutan mo. At lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ni kuya Arch at handa ka naming protektahan sa lahat ng bagay o taong mananakit sayo. Mahal na mahal kita lil sis, kaya sana bati na tayo. Love you! Goodnight and sweet dreams lil sis!"mahabang sabi nito sabay halik sa noo nito at lumabas na ng kwarto ng kapatid. Ang hindi niya alam ay narinig nito ang sinabi niya maliban nalang sa mga naunang linyang binigkas niya.

"Mahal din kita kuya,kayo ni kuya Arch mahal na mahal."bulong ni Mace sa kanyang sarili at natulog muli.




______________________________

Copyright 2018 ©ompodR

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon