Chapter 46

3.8K 65 0
                                    

Anchel's pov.

"Ok our next topic is one-to-one fun-–ano ba Vougn nakikinig kaba? "Asar na tanong ko dito ng makitang nakatitig lang ito sa 'kin. "You know what, maganda ka pala sa malapitan. "Saad nito. OK medyo natigilan ako doon pero hindi ito ang tamang oras para magpaaekto. Kailangan kong matapos ang session ko sa kanya ng maaga ngayon. Maagang uuwi sila kuya ngayon at uuwi rin sa bahay si papa dahil nag-set ng family dinner si papa kasama si ate Kristine at Vien kaya kailangan mauna akong makauwi sa kanila. Kung bakit ba kasi hindi nalang bukas total sabado naman eh.

"Hoy!  Ikaw na lalake ka, tigil-tigilan mo ako sa kaabnormalan mo. Nandito ako para mag-tutor sayo at hindi para makipag-gaguhan sayo. Ngayon kung hindi ka makikinig aalis na ako at may importante pa akong pupuntahan. "Sermon ko dito at masamang tinitigan. "Ok, OK. Makikinig na, napakasungit naman nito. Sige na saan na ba tayo. "Pagsuko nito saka kinuha ang notebook niya at ball pen. Inirapan ko lang ito at nagsimula ng magpaliwanag.

"Make sure na nakinig ka dahil iyan ang exam natin next week. Bukas ang pag-aaralan naman natin ay ang inverse function. Sinasabi ko sayo kapag hindi kapa nagtino ewan ko nalang. "Saad ko habang nililigpit ang mga gamut ko. Siya naman at sinimulan ng ibalik ang mga librong ginamit namin. "Aalis kana agad? "Tanong nito. "Oo.May importante kasi akong gagawin ngayon, ginawan ko lang talaga ng paraan para magampanan ko ang obligasyon ko sayo ngayon. "Saad ko.

"Dapat na ba akong ma-touch? "Nakataas ang kilay na tanong nito. Inirapan ko lang sya at sinukbit na ang shoulder bag ko sa balikat" It's up to you. "Masungit na sabi ko saka lumabas na ng library. Sumunod  naman ito. "Hey. Ihatid na kaya kita?  Gabi na rin eh. "Pag-o-offer nito. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Thanks but no thanks. May sundo ako at andyan na sya sa labas kaya wala ka ng dapat ipag-alala. Ang dapat mong gawin ay ang magreview ng makakuha ka naman ng maayos na marka sa exam. And please... tigil-tigilan mo na ang pagiging gago mo. "Mataray na sabi ko at tinalikuran sya. Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero di ko nalang pinansin.

Paglabas ko ng gate nakita ko agad ang kotse ni Sean sa may gilid ilang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Ng siguro ay nakita na niya akong lumabas binuhay niya agad ang kotse at pinausad papunta sa direksyon ko. "Kamusta, hindi ka ba na-i-stress? "Tanong ni Sean ng makasakay ako sa passenger seat. "Hindi naman, himala nga at makikinig na sya sa akin ngayon. "Sabi habang kinakabit ang seat belt. "Mabuti naman kung ganoon. "Sabi nito at nagsimula ng paandarin ang kotse ng makita niyang nakabit ko na ang seat belt ko.

"Kanina ka pa ba naghihintay? "Pagtatanong ko. Umiling ito. "No. Siguro mga 10 minutes palang akong nandoon. "Sabi niya. "Ah. Akala ko kanina ka pa naghihintau eh. "Sabi ko.

"Nga pala saan kayo mag-d-dinner ngayon? sa bahay niyo lang ba? "Pagtatanong ni Sean. "Hindi ko alam eh, wala namang nasabi sila kuya. Basta ang sabi nila sa bahay daw magkikita-kita. "Sabi ko sabay hikab. "Hhmm. Napagod ka yata... Marami ba kayong pinag-aralan? "Pagtatanong nito.

"Hhmm.. Hindi naman mga tatlong topic lang. Kailangan ko kasing maunang makauwi ng bahay––hindi pwedeng hindi nila ako maabutan sa  bahay dahil magtataka ang mga iyon at baka mahuli pa ako."Sabi ko at sumandal sa upuan saka ipinikit ang mata.

"Hey, are you Ok? May nararamdaman ka ba?  Hindi ba sumasakit ang dibdib mo? "Nag-aalalang tanong nito. Iminulat ko ang mga mata at tumingin sa kanya. "Ok lang ako Sean. Wala kang dapat ipag-alala, isa pa lagi kong dala ang gamot ko. "Sabi ko. Bumuntong hininga ito. "Hindi mo ako mapipigilang mag-alala sayo Anchel. Kaya gusto kong makasigurong maayos ka. "Seryosong saad nito. Tinaasan ko ito ng kilay.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now