Chapter 36

4.1K 82 0
                                    

Anchel's pov.

"Oh,  Anchel saan ka ba galingKanina ka pa namin hinahanap. " bungad na tanong sa kin ni Mikee ng magkasalubong kami. Bumusangot lang ako at naglakad pabalik sa classroom. Sumunod nman  sila."
Oh bakit  ganyan ang muka mo? Para kang nakainom ng suka. May nangyari ba?  May ng bully ba sayoAno sabihin mo lang at uupakan ko. " Sabi ni Ella. "Wala. " Tipid na sabi ko.  Hays... Paano ko kaya sasabihin kina kuya 'to at sa kanila. Saka bakit ba kasi ako pa ang napiling magtutor na monggoloid na 'yon."Wala?  Eh bakit ganyan ang mukha moPara kang pinagsakluban ng langit at lupa. " Saad ni Mikee. "Bastahindi lang maganda ang araw ko ngayonMabuti pa bilisan na natin ang paglalakad ng makabalik na tayo sa room.  Ilang minuto nalang magsisimula na ang next class natin. " sabi ko nalang at nauna ng maglakad.

Nakafocus ako sa pakikinig sa dinidicuss ni Mr. Sebastian ang teacher namin sa Filipino ng may bumato sa 'kin ng papel. Lumingon ko sa pinanggalingan nun at doon ko nakita ang nakangising si Vougn.  Asar,  mukang ako ang trip nito ngayon ah. Naku,  malilintikan talaga sa 'kin ang monggoloid na 'to,  ganitong inis pa ko at focus sa discussion. Matalim ko itong tiningnan at muling ibinaling sa harap ang tinginpara muling makinig kay Mr.  Sebastian.

Pero mukang hindi talaga titigil ang walang hiya.  Hindi ko nalng pinansin, mapapagod din yan,  kailangan kong magfocus sa pag-t-take note.

Bato.. Deadma... Bato... Bahala ka dyan.. Bato.. Mapapagod ka rin.... Bato... Nanadya na talaga 'tong isang to eh pero deadma lang tayo. Bato...  Ok nakakarami na sya.  Bato.... Aish,  matapos lang talagang magdiacuss si Mr.  Sebastian tatamaan talaga 'to sa 'kin. Bato.... Isa pa.... Bato...  Bato...  Bato.. Kunting tiis pa Anchel. Matatapos na si Mr. Senastian. Bato... Tiis lang Anchel. Bato.. Bato.. Bato... Bato... Augh!  I can't take it anymore. Buti nalang at saktong tapos na rin magdiscuss si Mr. Sebastian.

Tumayo ako mula sa upuan ko at nagtungo sa pwesto ni Vougn. Masama ko itong tiningnan, at ang walang hiya. Nakangisi lang. "Hoy ikawAno bang problema mo sa 'kin?! " galit na tanong ko dito. Ngumisi lang ito at umaktong parang wala syang ginawa. "Hu?  What are to talking about?  I didn't do anything. " Nakngising sabi nito. Kaya mas lalo akong nainis."Anong wala?!  Kanina mo pa ako binabato ng binilog mong papel" Inis na sabi ko dito. Tumayo ito  at dahil matangkad ito sa 'kin yumuko sya ng bahagya para magkapantay ang mukha namin, kaya medyo napaatras ako.

"You know what? Maganda ka pala sa malapitan. Kaya lang kahit maganda ka, hindi kita type. Masyado kang manang at hindi ka nababagay sa gwapong  tulad ko. So kung mararapatin mo, tumabi ka sa daraanan ko at ako'y marami pang gagawin." Nakangising sabi nito at naglakad na palabas ng room. " Hoy Vougn! Bumalik ka dito!" Sigaw ko dito. Ngunit kumaripas lang ito ng takbo,bago ito makalayo ay may sinabi pa ito." See you when I see you manang!" Nakangising sabi nito at kumaway pa sabay karipas na ng takbo. Napapadyak nalng ako sa inis.

"Oh bestfriend, 'wag mo masyadong stressin ang sarili mo. Sige ka lalo kang magiging manang." Pangangasar pa ni Sean sa 'kin. Sinamaan ko namn ito ng tingin" Hoy ikaw na unggoy ka, 'wag mo akong simulan paka maupakan na kita." Inis na sabi ko at bumalik sa room para kunin ang gamit ko." Oh Anchel saan ka pupunta?" Saad ni Mikee ng palabas na muli akong ng room. "Sa lugar kung saan walang antipatikong monggoloid at baliw unggoy na mambabadtrip sa 'kin." Sabi ko." Wait hindi ka ba sasabay sa 'min mag lunch?" Tanong ni Ella.

"Pasensya na, pero mukang hindi muna ako makakasama sa inyo. Kailangan kong magbawas ng stress.Dahil kung hindi baka pati ako ay mabaliw na rin." Sabi ko nalng hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umalis na.

Ella's pov.

"Saan tayo kakain girls?" Tanong ko kay Trina at Mikee. Kami nalng kasi ang natirang magkasama, ang mga boys kasi may mga sarili ng mundo. Si Anchel namn ayon, hindi muna sasabay sa 'min at magbabawas daw ng stress. Mukang pinadtrip na namn nina Sean at Vougn. Ewan ko ba dun sa dalawang 'yon at trip laging asarin si Anchel. Buti nga at hindi namin kasama si Drake, kung andito 'yon naku tyak nagbabangayan na namn silang dalawa ni Mikee.

"Sa cafeteria nalng tayo. Mainit sa labas at sa ganun mabilis lang tayong makakapabalik sa room." Sabi namn ni Trina na sinang-ayunan namn ni Mike kaya sumang-ayon na rin ako.

Pinatawaad na namin si Trina lalo na ako.Wala namn kasing mangyayari at mababago kung papairalin pa namin ang galit. Saka isa pa, magpinsan kami kaya hindi dapat kami nag-aaway at nagtatanim ng galit sa isat isa. Masaya rin ako dahil nagkaayos at nagkapatawaran na sila Lucas at Ace. Sa wakas at wala na ang mabigat na awra sa pagitan nilang dalawa. Masaya ako dahil nagbalik na ang dati nilang pagsasama bilang magkaibigan.

Ako? Hinayaan ko nalng siya, bahala na sya sa kung anong gusto nya. Itong nararamdaman ko para sa kanya, siguro dapat ko ng kalimutan. Hindi namn matatapos ang buhay ko kung hindi sya ang makatuluyan ko. Ayoko na ring maghabol sa taong hindi kayang sukliaan ang pag-ibig ko at sa taong manhid na kagaya nya. Maybe.. Maybe may lalaki pang maa worth it pa sa  pagmamahal ko at mas karapat dapat sa 'kin.

"Hai babe! Saan kayo kakain? Sasabay na 'ko"  biglang singit ni Kyle sa 'ming paglalakad. "Tumigil-tigil ka nga sa pagtawag sa kin ng babe Kyle. Kinikilabutan ako." Nakangiwing sabi ni Mikee kay Kyle." Kunwari ka pa babe, alam ko namng gusto eh." Nakangiaing saad ni Kyle na ikinangiwi namn ni Mikee.

"Pwede ba Kyle, tigil-tigilan mo ako sa mga kabaliwan at kahanginan mo. Kung sa ibang babaeng finiflirt mo ay bentang-benta yang pambobola at kahanginan mo, pwes ibahin mo 'ko? Dahil never akong mahuhulog at mabubulag sa mga pambobola mo. Tabi nga dyan, nagugutom na 'ko. Panira talaga ng araw tsk!" Huling sabi ni Mikee at nauna ng maglakad. Sinundan naman ito ni Kyle.

"Wait lang babe! Wait ayaw mo ba ng babe?! How about honey? Sweetheart? Baby? Babes ? Bebs? Love? My love? Loves? My loves? Lalab? Lalabs? O kaya naman pangga o kung alangga nalng?" pang-aasar ni Kyle. Nakangiting napailing nalng ako.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now