Chapter 58

95 4 3
                                    


Anchel's Pov.

"Nga pala Sean, mahilig ka pala sa mga bata ano." Saad ko habang naglalakad kami.

Tumawa ito ng bahagya, at kahit na ganoon hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot sa kaniya mga mata.

"Hindi naman... masaya lang talaga ako kapag may napapasaya akong mga bata.

Syempre naging bata rin ako dati, kaya alam ko ang pakiramdam na may nag aalaga at nag papasaya sayo lalo na kung mga magulang at pamilya mo." Madamdaming saad nito.

"Tama ka namn, saan nga pala ang punta natin?" Pag-iiba ko ko ng usapan.

Bumaling namn ito kay Beth.

"So little Bethy, where do you want to go?" Pagtatanong nito sa bata.

"Sa paborito ko pong lugar kuya Lu-Lu pwede po ba?" Saad nito na may pag lalambing ang boses.

Masuyong ngumiti si Sean rito. "Yes why not? isa pa it's your day kaya kahit saan mo gusto pupuntahan natin at kung anong gusto mong kaiinin bibilhin natin basta magsabi kalang ok?" Saad nito.

Masayang tumango-tango si Beth at masayang kumakanta na sinabayan naman ni Sean.

Nasa likod lamang nila ako naksunod habang pinagmamaadan si Beth at Sean habang tininutulak ni Sean ang wheelchair ni Beth habang sabay na kumakanta.

Maya-maya pa ay tumigil ang dalawa kaya napatigil narin ako sa paghakbang at tiningnan ang isang bahay natinigilan ng dalawa.

"Kuya Lu-Lu... sa tingin niyo po ba magagalit na naman siya kapag nakita na naman niya akong nag punta rito?" Mahinang tanong ni Beth kay Sean na noon ay wala na ang kaninang masigla at nakangiting mukha ni Beth.

" I am not sure little Bethy.." Pahinahon na saad ni Sean ngunit seryoso ang mukha.

Hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari. Dahilan ng pagkalito at curiosity ko ay magtatanong na sana ako ng biglang bumukas ang gate.

Ang may isang babae ang lumabas dito. At base sa itsura nito hindi ito nalalayo sa edad namin. Nagulat ito ng makita sila Sean ngunit hindi nagtagal ay nakabawi rin ito.

"Anong ginawaga niyo rito? Ikaw Bethany hindi ba't sinabi ko na sayo na 'wag na 'wag ka nang babalik dito?" Saad nito ng hindi mapakali at palinga-linga sa paligid kaya napakunot-noo ako.

Hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala.

" Mama, gusto ko lang po kasi kayong makita kahit ngayon lang... nakilimutan niyo na po ba, birthday ko po ngayon." Saad ni Beth sa mahinang boses.

Natigilan ang babae at masuyong tinitigan si Beth. Lumuhod ito upang magkapantay ang kanilang mukha.

"Pwede ba namang makalimutan ko iyon? Ang totoo papunta na sana ako doon kaso naunahan mo ako." Masuyong saad nito. Kalaunan ay napabuntong hininga ito at tumayo at binalingan ng tingin si Sean.

"Hindi mo na dapat siya dinala rito. Ang mabuti pa umalis na tayo rito at baka makita niya pa tayo." Saad nito kay Sean habang seryoso ang mukha. Tumango naman si Sean at ibinigay nito sa babae ang sawakan ng wheelchair ni Beth.

Mag sasalita pa sana ako ng unahan ako nito.

"Mamaya ka na magtanong, umalis na muna tayo rito."Seryosong saad nito sabay hawak sa kamay ko at inakay ako paalis.

Ilang sandali pa ay narating namin ang isang plaza kalahating minuto yata o higit pa ang layo sa bahay ng babae kanina.

Ng tumigil kami sa paglalakad bumaling si Sean kay Beth.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His TutorWhere stories live. Discover now