Chapter 56

3.2K 100 61
                                    

Welcome back my beloved readers! Here's my new update sorry for long update🙏

"Chela? "Mikee.

"Ay kabayo! "Gulat na sambit ko. Hindi ko kasi napansin ang pag-upo Mikee at pagtawag nito sa akin.

Kaasar paano lutang parin ako dahil sa naganap kahapon tapos hindi Pa pumasok ang impakto.

"Ano ka ba Chela kahapon ka pa ganyan nag-aalala na tuloy ako sa iyo.

Sigurado ka bang wala kang problema? "Nag-aalala ng tanong sa akin ni Mikee.

"Pasensiya na Mikee kung napag-aalala kita. Pero promise wala talaga akong problema sadyang may ibang bagay lang akong iniisip.

At wala kang dapat ipag-alala doon, kayang-kaya ko iyon. "Saad ko. Napabuntong hininga naman ito.

"Hay naku ewan ko talaga sayong babae ka. Oh siya sige basta kapag hindi mo na kaya magsabi ka lang andito lang kami nila Ella at Mikee para sayo ano pa at magkakaibigan tayo. "Saad nito.

"Naiintindihan ko salamat. "Nakangiting saad ko. Tumango na lamang ito saka nagsabing magrereview muna para sa quiz mamaya at ganoon din ang ginawa ko.

Ilang saglit pa ay dumating na sila Ella at Trina ganoon din Si Sean at iba pang boys.

"Mikee alam mo ba kung bakit hindi pumasok si Vougn? "Pagtatanong ni Drake kay Mikee kaya napatingin ako sa kanila.

"Pwede ba Drake tigil-tigilan mo ako at nagrereview ko. At isa pa hindi ako hanapan ng mga taong hindi pumapasok.

Malay ko ba sa kumag na kabute na iyon at hindi rin kami close kaya 'wag ka magtanong sa akin.

Kaya kung maaari lang ay lumayo kana sa akin bago ko pa makalimutang tao ka at hindi sugpo. "Saad ni Mikee kaya itong si Drake ayon umusok na naman ang ilong sa inis kay Mikee.

"Hoy! Impaktang higad! Tinatanong ko lang kung alam mo ba kung bakit hindi nakapasok si Vougn ngayon.

Oo o hindi lang ang sagot ang dami mo pang sinabi at nanglait ka Pa talaga.

Bakit? Ganoon ka na ba nagagandahan sa sarili mo?! Talagang pinupuno mo akong babae eh. "Galit na sabi ni Drake at tila kakainin na ng buhay si Mikee dahil sa kaniyang titig dito.

Hay naku ang dalawang ito talaga hindi na nagkasundo.

"Pwede ba tigilan niyo na nga yang dalawa, mamaya maabutan Pa kayo ni Sir na nagbaba-ngayan ma-detention pa kayo. "Saway sa kanilang dalawa ni Lucas.

"Nakakainis na kasi itong kapatid mo Lucas eh. Nagtatanong lang naman dami pang sinasabi hindi pa nakuntento nanglalait pa.

Pag ako talaga na puno dyan sa kapatid mo ewan ko nalang. "Asar na asar Pa ring sabi ni Drake bago padabog na bumalik sa kaniyang upuan.

"Hayaan mo na, ikaw naman kasi alam mo ng mainit ang dugo sayo ng kapatid ko siya pa ang naisip mong pagtanungan. "Saad muli ni Lucas.

At ng akmang sasagot pa si Mikee ay pinang-dilataan na ito ng mata ni Lucas na nagsasabing tama na at tumahimik na siya.

Kaya walang nagawa si Mikee kundi ang itikom ang kaniyang bibig.

"Bakit ganoon, lahat tayo ay nandito na bakit hindi ko pa nakikita iyong bago nating kaklase, malapit na pa namang magsimula ang susunod nating klase. "Saad ni Ella habang palinga-linga sa labas ng room namin.

"Hayaan mo na iyon Ella, mas maganda na ngang wala siya, bumibigat kasi ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita siya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may masamang dala ang babaeng iyon.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now