Chapter 05

9K 118 1
                                    

Anchel's pov.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng makilala ko sina Ella, Mikee at ang mga boys. At sa isang linggo nagdaan ay masasabi kong mas naging malapit pa kami sa isa't isa maliban nalang kay Poker face.Iwan ko ba dyan sa lalaking yan forever na yatang masungit parang si kuya Ice lang.

NANdito kami ngayon sa Canteen para kumain wala kasi kaming teacher this morning at kung alam ko lang di sana hindi nalang ako pumasok."Nga pala sabi ni dad mamaya na daw ang dating ni Ace."biglang sabi ni Carl."Mabuti naman at naisipan na niyang umuwi dito akala ko doon na siya habang buhay eh."seryosong sabi ni Lucas."Ano sasama ba kayo sa'kin mamaya para sunduin siya?"Kayo nalang hindi pa ako handang makita siya."seryoso pa ring sabi ni Lucas."Galit ka pa rin ba kay Ace Lucas? Alam mo na mang nadala lang siya ng matinding galit at selos kaya niya nagawa iyon hindi ba?"seryoso na ring sabi ni Ruzzel.

"Hindi niyo ako masisi kung hanggang ngayon ay galit parin ako sa kanya. Hindi biro ang sakit na naramdaman ko ng dahil sa galit at selos niya, at kung sa inyo nangyari ang naranasan ko maiintindihan niyo rin ako."makahulugang sabi ni Lucas at tumayo na para umalis at bago pa siya tuluyang makalayo ay nagsalita na si Viel." Its really hard for you to forgive him?"malumanay na tanong nito.Bumuntong hininga si Lucas at saka nagsalita." Maybe,maybe I can forgive him. But now, I can't. Because until now, the wound and pain in my heart is still fresh."seryosong sabi ni Lucas at umalis na.

Napabuntong hininga nalang si Viel at pinagpatuloy na ang pagkain na naudlot kanina." Pagpasensiyahan niyo na si kuya ha? Masyado lang siguro siyang nasaktan sa nangyari kaya ganun. Hayaan niyo lilipas din ang galit nun at nasisiguro kong mapapatawad niya rin si Ace."pagpapaliwanag ni Mikee sa amin. Tumango na lamang ang mga ito at ako naman ay tahimik lang wala kasi akong alam sa nangyayari eh.Siguro magtatanong nalang ako kina  Mikee mamaya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasya kami nina Ella at Mikee na magtungo sa library para doon hintayin ang tanghalian.Habang ang boys naman ayun may pupuntahan daw at si kuya Cris naman ay hahanapin daw si Lucas baka nagbigti na raw.Natawa nalang ako dahil doon.

Pagkarating namin sa library ay nagtungo kami Chimistry section may quiz kasi kami mamaya tungkol roon.Ito na siguro ang tamang panahon para magtanon.

"Nga pala Mikee at Ella pwede bang magtanong?"tanong ko sa dalawa." Oo naman. Ano ba tun?"balik tanong sa'kin ni Ella."Ahm.... Tungkol sana kay Lucas.Maaari ba?"alanganing tanong ko na ikinatingin ng dalawa sa isa't isa na parang nagtatanong kung sino ang magkukwento.
Unang nagbawi ng tingin si Mikee at nagbuntong hininga bago seryosong tumingin sa'kin.

              "Flashback"

Masayang nagiinuman ang labing lalaki kasama ang isang  babae na kasintahan ng isa sa barkada .Aneversary kasi nila Ace at ng kasintahan nitong si Trina na pinsan naman ni Sean isa sa mga barkada.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now