Chapte 07

8K 126 0
                                    


Anchel's pov.

Nagtapos ang klase namin ng hapon ay hindi na pumasok ang mga boys.Nagpasiya na kaming tatlong girls na umuwi ng matapos ang klase namin ng hapong iyon. Ang sabi ni Mikee ay baka nasa bahay na nila ang kuya niya at baka naglalasing na naman kaya kailangan niya naring umuwi.

Si Ella naman ay gusto na daw magpahinga nakakahagard daw ang araw na ito para sa kanya kaya kailangan niya nang umuwi. Ako naman ay umuwi narin matapos naming magpaalam sa isa't isa.

Nang makauwi ako sa bahay ay wala pa si kuya Ice maging si kuya Arch. Nahiga muna ako sa sofa dahil kahit ako ay napagod din ngayong araw mamaya na ako magluto ng haponan namin pagod na talaga ako eh..

Hindi ko namalayang napasarap pala ang tulog ko,nagising nalang ako ng tinig at pagtapik sa akin ni kuya Arch. "Baby girl gising kana. Kakain na tayo."gising sa'kin ni kuya Arch. Agad naman akong naupo at kinusot-kusot ang mga mata.

"Naku! Sorry kuya ha? Napasarap ang tulog di tuloy ako nakapagluto ng hapunan natin."hinging paumanhin ko kay kuya. Ginulo lamang nito ang aking buhok at ngumiti." Ayos lang yun babay girl. At saka isa pa maaga naman akong nakauwi kaya ako nalang ang nagluto ng hapunan natin. Hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo at ayokong istobuhin ka."mahabang sabi ni kuya.

"Medyo pagod lang kasi ako kanina kuya kaya hindi ko na napigilang makatulog." Nakapuot na sabi nito. "Ganon ba? Pero paalala ko lang sayo wag masyadong magpagod ok. Alam mo namang bawal na bawal kang masyadong napapagod." Paalala nito." Wag ka pong mag-alala hindi ko po nakakalimutan ang kalagayan ko." Nakangiting sabi ko.

" Oh siya sige magbihis kana ng makakain na tayo tiyak gutom kana."sabi nito." Teka lang kuya.. Si kuya Ice po dumating na ba?" Tanong ng makatayo na ako at binitbit na ang mga gamit ko."  Ah, Oo kanina pa halos magkasabay lang kaming umuwi. Tinulungan nga niya akong magluto eh. Iwan ko ba dyan sa kuya mo may nakain yata kaya naging masipag." Naiiling at natatawang sabi nito.

Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na upang magtungo sa'king kwarto ng makapagbihis na. Nang makapagbihis na ako ay agad na akong lumabas ng kwarto at nagtungo agad sa may kusina. Nadatnan ko sina kuta Ice at kuya Arch na naghahain at himala at sinipag itong isang to.

"Himala kuya Ice sinisipag ka yata ngayon?" Taas kilay kong tanong dito at naupo na." Tss.. Wag ka ng maraming tanong at kumain ka nalang dyan. Buti nga at tumulong ako." Masungit na sabi nito at umismid pa sa'kin" Oh ,tama na yan wag na kayong magbangayan dyang dalawa. Para kayong mga aso't pusa." Iling iling na sabi ni kuya Arch at umupo na rin.

Hhhmp! Ang sungit talaga ng gurilyang yan. Bagay na bagay nga sa kanya ang pangalan niyang Ice. Nagsimula na kaming kumain na puno ng asaran at tawanan. At gaya ng dati asar talo parin si kuya Ice ayun nag walk out tawa tuloy kami ng tawa ni kuya Arch. Pero kahit ganon yung isang yun mahal na mahal ako nun kami ni kuya at ganon din kami ni kuya sa kanya .

I'm His TutorWhere stories live. Discover now