Chapter 9

6.9K 109 0
                                    

Anchel's pov.

Nang matapos ng mag-ayos si kuya ay lumabas na kami ng bahay at magtatawag na sana siya ng traysikel ng pigilan ko siya" Hep hep. Hindi tato sasakay kuya." Pigil ko rito.
"Ano?! Gusto mong maglakad tayo mula dito hanggang mall?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Hindi na tayo pupunta ng mall kuya maggogrocery nalang tayo. Saka ko nalang bibilhin yung gusto kong bilhin sa mall unahin na muna natin ang pagogrocery."paliwanag ko dito." Aish! Ikaw talagang bata ka. Sige na nga tayo na." Sabi nito at na una nang maglakad. Ngiti ngiti naman akong sumunod dito sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa grocery store ay agad ko ng binili ang mga dapat bilhin na nasa inilista ko. Matapos naming mamili ni kuya Ice ay umuwi na rin kami agad inaantok pa daw siya. Yun lalaking yun talaga. Kung sabagay nakakapagod din kasi talaga ang course na kinuha niya a Computer Engineer who can make apps. Ganyan katalino ang kuya ko masungit nga lang. Si kuya Arch naman noon ay Culinar  at ngayon ay isa sa mga kusinero ng De Silva's Hotel. Ako kapag nakapagtapos ako ang kukunin kong course ay Fashion designer. Mahilig talaga akong magdesign lalo sa mga gown.

Hindi kasi ako ganoon kagaling sa pagluluto kaya wala akong future maging chef si kuya Arch baka meron pa. Hindi rin ako ganoon katalino gaya ni kuya Ice pero sa pagiging designer ay baka my future pa ako. Ng makarating kami sa bahay ay agad ng nagtungo si kuya Ice kanyang kwarto matapos mailagay mesa sa may kusina namin ang ibang plastic bags na pinamili namin. Tingnan mo yung lalaking yun di man lang ako tinulungang mag-ayos ng mga 'to.

Matapos kong maiayos ang mga pinamili namin ay nagluto na ako ng pangtanghailan namin ni kuya Ice. Ng matapos na ako ay kumain na rin ako bahala na ang gurilyang 'yon kakain naman yun kapag nagutom hindi ko na bubulabugin baka mabugahan na ako ng apoy. Matapos kong kumain ay pinakain at pinaliguan ko si Icy para lagi siyang malinis.

" Hay! Amboring naman. Ano kayang magandang gawin ngayon?"nababagot na sabi ko. "Aish! Matutulog na nga lang ako." Sabi ko at nahiga na sa sofa namin at pipikit na sana ng may kumatok sa pinto." Sino kaya 'yon? Ah baka bisita ni kuya Ice."bulong ko sa aking sarili at dali daling tumayo upang magtungo may pinto.

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa'kin ang isang matangkad,makalaki ang katawan at hindi pa katandaang lalaki na siguro ay nasa 60's or 70's na."Ahm. Magandang tanghali po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"magalng na tanong niyang tanong dito." I-ikaw ba si Mace?" Tanong nito na may kislap sa mga mata." Ahm. Ako nga po. May kailan-" hindi na niya natpos ang nais niya sanang sasabihin ng bigla siyang yakapin nito.

"Ikaw nga! Ikaw nga si Mace! Ikaw nga ang anak ko!" Humuhikbing sabi nito na nagpagulo ng kanyang isip." M-mister hindi na po ako makahinga. Mangyari po bang bitawan niyo ako." Malumanay na sabi niya rito kaya dahan dahan siya nitong binitawan. At nagulat pa siya ng makitang may luha ang mga mata nito at  may kislap sa mga matang nakatitig sa kanya.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon