Chapter 19

5.7K 101 0
                                    

Anchel's pov.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Nang makarating ako sa room ay si Sean at Trina pa lamang Ang  natadnan kong naroon" Ahm..Kayo palang pala,hindi niyo ba kasama sila Ella? Tanong ko kay Sean ng makaupo ako." Nope. Malayo kasi ang bahay nila Ella sa conodong tinitirhan namin ni Trina kaya hindi namin sila kasabay punta dito at pauwi." Sabi nito sabay tingin Kay Trina" Siya nga pala siya si Trina pinsan ko,namin ni Ella." Pakilal nito kay Trina na noon ay nagbabasa. Tumigil naman ito sa pagbabasa at bumaling sa akin." Hai. I'm Trina Candy Smith nice to meet you" nakangiting pakilala nito sabay ngiti. At masasabi kong hindi iyon isang huwad na ngiti." Hai. I'm Anchel, Anchel Mace Montefalco and nice to meet you too." Nakangiting pakilala ko rin dito. Ngumiti naman ito pabalik saka muling nagpatuloy sa pagbabasa.

Kamusta tulog mo kagabi? Hindi kaba nagwetdreams kagabi ha Kuting?" Nakangising tanong ni Sean sa akin." Pwede ba Sean tigiltigilan mo ako. At saka bakit naman ako magwewetdreams aber?" Taas kilay na sabi ko rito." Natanong  ko lang. At saka bakit parang ang bilis mo naman yatang makalimot, nakalimutan mo na ba 'yong sinabi mong  nakita mo kahapon sa CR? Kung ako ang nakakita o nakakapanood ng ganon  minsan napapanaginipan ko at madalas ako ang lalaki sa panaginip ko." Nakasinging Sabi nito. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon mula sa CR, sa pagtangkang paghalik sa'min ni Vougn kung 'yong nga ba ang gagawin niya at ang pagsipa ko sa ano niya. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa naalala. Malakas ko itong hinampas sa braso at pinandilatan ko ito ng mata. "Hoy! Ikaw na unggoy ka tigiltigilan mo ako sa kamanyakan mo baka makatay kita ng wala sa oras." Galit na bulyaw ko rito na ikinahalakhak lang nito." Hahaha. Alam mo ang cute mo kapag nagagalit ka kaya ang sarap mong asarin e. And for your information I'm not a Monkey. I'm the gorgeous,hot and handsome man you'll ever meet." Nakangising sabi nito habang itinaas baba pa ang mga kilay." Hindi ka lang pala manyak mahangin ka pa.Tsk.Handsome my ass." Inis na sabi ko rito at inirapan ito na ikinatawa lang nito.

Maya-maya pa ay dumating narin sila Mikee,Ella, mga boys at ang masaklap pa ay kasama pa nila ang taong ayaw kong makita. Nang mapatingin si Vougn sa gawi ko ay agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nakabusangot namang nagtungo si Mikee sa harapan ko. "Nakakainis ka Anchel alam mo ba 'yon! Kagabi pa ako nagtetext sayo ni isa hindi mo man lang nireplyan. Nakakapangtampo ka alam mo ba you? Purke may Sean the kapre kana kinakalimutan mo na kami ni Ella. I hate you Anchel! I hate you!" Nagmamaktol na sabi nito." Ahm.. Sorry na Mikee, nakasilent kasi ang phone ko kagabi kaya hindi ko alam na nagtext ka pala. Tapos kanina nalowbat pa 'yong phone ko. Sorry na Mikee, at saka hindi ko naman kayo kinakalimutan ni Ella no. Kayo kaya ang mga best friend ko." Mahabang paliwanag ko dito.

"Hmp.. Pasalamat ka't best friend kita kung hindi naku!" Kunwaring galit na sabi nito at naupo na sa kanyang upuan. Napatingin naman ako kay Ella na tahimik lang at parang malalim ang iniisip."Ella ayos ka lang ba? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko dito." Ah. W-wala naman. Okay lang ako 'wag niyo nalang akong pansinin." Sabi nito at napaiwas ng tingin. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin kay Mikee. Umiling naman ito na sinasabing wala siyang alam. Napabuntong hininga na lamang ako at muling napatingin kay Ella. Nag-aalalang talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko may problema talaga siya at alam kong mabigat iyon. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang iba pa naming mga kaklase at hindi rin nagtagal ay  dumating narin ang aming guro kaya itinuon ko na ang atensyon ko sa pakikinig dito.

Natapos ang break time at ngayon ay lunch break na nga namin. Ganoon pa man ay nag-aalala na talaga ako kay Ella. E kasi naman kanina pa siya tahimik at parang ang lalim ng iniisip. Kaming apat lang nina Mikee, Ella at Sean ang sabay na kakain ngayon. May lakad daw ang mga boys kaya hindi muna sila makakasabay saming kumain ngayon na ipinagpasalamat ni Mikee dahil hindi niya makikita kahit ilang oras ang pagmumukha ni Drake. Kaya 'yon nagbangayan pa ang dalawa bago sila magkalayo. Si Trina naman masama daw pakiramdam kaya uuwi na lang muna siya. Ito naman  Sean ayaw sumama sa mga boys. Napatingin ako kay Ella na ngayon ay nasa likoran namin nakasunod at nakayuko ito. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na ito. "Ella, ayos ka lang ba talaga? Kung may problema ka pwed--"" Sinabi na ngang ayos lang ako e! Natigilan ako at gulat na napatitig dito. Lumamlam ang mukha nito."E-Ella" tanging nasambit ko nalang dala ng gulat." S-sorry. Hindi ko sinasadya ang sigawan ka. S-sige C-comport R-room lang ako." Sabi nito at nagmadali ng tumalikod sa amin.

"Ella sandali!" Tawag pa ni Mikee dito ngunit hindi na ito lumingon pa. Bumaling naman ako kay Mikee na may pag-aalala sa mukha." Mikee sigurado ka ba talagang hindi mo alam kung bakit ganon ang ikinikilos ni Ella ngayon." Nag-aalalang tanong ko dito." Wala talaga akong kaalam-alam Anchel. Kahit ako ng aalala na rin sa kanya. Noong sabay kasi kaming nagtungo sa room natin tahimik na siya. Hindi ko nalang pinansin kasi baka masama lang ang gising niya." Mahabang paliwanag ni Mikee. "E ikaw Sean? Wala kabang alam na maaaring problema niya?" Baling ko kay Sean." Wala rin eh. At saka hindi kami masyadong close.sabi ni Sean. Napabuntong hininga na lamang ako."Hay! Sana maging ok lang siya." Malungkot na sabi ko." Pwede mamaya na natin problemahin 'yan? Gutom na talaga ako eh." Reklamo ni Sean. Natawa naman kami ni Mikee at naglakad na patungong Canteen. Doon na laman namin hihintayin si Ella.

______________________________

Copyright 2018 © ompodR

I'm His TutorWhere stories live. Discover now