Chapter 18

5.9K 92 0
                                    

Anchel's pov.

Nanatili pa ang yakap na 'yon ng ilang sandali bago humiwalay si papa at nagpaalam na. Ako naman ay magaan ang pakiramdam at may ngiti sa labing pumasok sa bahay. Nang makapasok ako sa loob ay nagtungo na agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kung magbihis ay nagtungo naman ako sa kusina upang makapagluto na ng hapunan para kapag nakauwi na ang dalawa kong kuya ay kakain nalang. Buti pala at hindi pa nakauwi sila kuya ng narito si papa kung hindi baka nagkagulo na naman. Hay! Nakakalungkot isipin na magkagalit sila kuya at pa. Hayy naku Anchel 'wag mo na nga muna ng isipin 'yon dapat goodbives ka ngayon. Bulong ko sa isip ko at nagpatuloy na sa pagluluto.
Tama namang tapos na ako sa pagluluto at makapaghain ng dumating sila kuya Ice at Kuya Arch." Hai kuya Arch! Hai kuya Ice!" Masiglang bati ko sa mga ito." Hello baby girl! Mukha ang saya natin ngayon ah." Nakangiting sabi ni kuya Arch. Sabay upo na. Ganoon din si kuya Ice hindi man lang ako binati hhmmp ang sungit." Wala lang kuya masaya lang ako." Nakangiting sabi ko nalang at naupo na rin." Ikaw talaga. Nga pala kamusta ang school?"tanong ni kuya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

Nawala tuloy ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ang kaganapan kanina. Mula sa nakita ko sa CR hanggang sa pagtangkang paghalik sa'kin ng manyak na Vougn na yon. 'Yong lalaki na yon kulang pa nga ang pagsipa ko sa ano niya,dapat sinampal ko pa napakumuyom ang mga kamao ko sa galit." Oh bakit sumama ang timpla ng mukha mo baby​ girl. May nangyari bang hindi maganda?"takang tanong ni kuya Arch." Ah wala naman po kuya. " Sabi ko nalang at naglagay na ng pagkain sa plato ko. Napatango lang si kuya at nagpatuloy na sa pagkain.
Matapos naming kumain ay nagpresinta na ako na ako nalang ang magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Nang matapos na ako ay nagtungo na ako sa aking kwarto upang makapagpahinga. Hay! Bagong araw naman bukas. Sana maging maayos lang ang maging araw ko bukas. Bulong at unti unting ipinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.

Ella's pov.

Nagbabasa ako ng gabing 'yon  ng may tumawag sa cellphone ni kuya Chris." Kuya may tumawag sayo!" Tawag ko kay kuya Chris na nasa banyo noon. Narito kasi ako sa kwarto niya. "Sagutin mo na muna Jade" sagot naman nito kaya itinabi ko muna any librong binabasa ko at nagtungobsa table na nasa kaliwang gilid ng Kama ni kuya Chris. Nang makita ko kung sino ang tumawag ay natigilan ako. Ilang segundo ko pa itong tinitigan bago sagutin." H-hello." Kabadong sagot ko." Hello ito ba si Chris?" Tanong ng nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko." Kapapatid niya po ito." Sagot ko." Ganoon ba? Nandyan ba siya ngayon?" Tanong nito.

"Oo. Kaso naliligi pa siya e. May kailangan bo kayo?" Tanong ko naman dito." Pwede ba--- Shit! Awatin niyo! Miss pwede bang pakisabi sa kuya mo na puntahan niya itong kaibigan niya sa Black Chain's Bar. Kanina pa kasi nagwawala itong kaibigan niya e. Please Miss pakisabi pakibilisan." Natatarantang sabi nito." Sige papunta na ako pakibantay nalang muna." Sabi ko at ibinaba na ang tawag. Nang matapos ang tawag ay nagmadali na akong ng lumabas ng kwarto ni kuya at nagtungo sa aking kwarto upang kunin ang sling bag ko. Nang makuha ko na ito ay dalidali na akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. " Manong sa Black Chain's Bar po tayo." Sabi ko sa driver ng makasakay ako. Tumango lamang ito at pinausad na ang sasakyan.

I'm His TutorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang