Chapter 33

4.3K 71 1
                                    

Anchel's pov.

"Ano ba sugpo 'wag mo ngang lantakan yan! For your information niluto ko yan para kay Anchel at hindi para sayo! " napakamot nalang ako sa kilay. Nagbabangayan na namn kasi ang dalawa kong kaibigan na aso't pusa. Andito sila ngayon sa bahay. Gusto daw nila akong dalawin dahil hindi na daw sila nakadalaw sa 'kin nung nasaospital pa ko. Saka di naman ako nagtagal dun buti  na nga lang at tatlong araw kaming walang pasok. May seminar daw kasi  ang mga teacher namin ng tatlong araw .
Kasi kung hindi baka hndi ko masunod ang 4-5 days na pahingang binilin ng doctor sa 'kin. Saka ok na 'yong tatlong araw na pahinga. Nakakabagot kaya dito sa bahay, may trabaho si kuya Arch tapos si kuya Ice namn may pasok. Ayaw naman ako isama ni papa sa trabaho nya kasi mas kailangan ko daw magpahinga saka mababagot lang daw ako dun. " So kamusta ok na ba pakiramdam mo best friend? " malumanay na tanong ni Sean. Nanibago nga ako kasi medyo naging tahimik sya. Parang hindi sya yung Sean na nakilala kong puno ng kayabangan at kahanginan. Parang ang bait at ang amo nya ngayon.

" Ah ooOk na ko, maayos na run ang pakiramdam ko. Sya nga pala asan yong ibaBakit kayong tatlo lang ang nagpunta dito? "Takang tanong ko kay Sean. Siya, si Mikee at Drake lang kasi ang nagpunta dito. "Si Ella at si Chris, dinalaw sila tita at tita birthday kasi ni tito na syang death anniversary namn ni tita. "Paliwanag ni Sean. Medyo nalungkot ako para kina Ella at Chris. "Si Kyle, Alexander, Ruzzel at Viel ayon sumali sa car racing sa Tagaytay dadalawin ka nalng daw nila pagnakabalik na sila. Sinasama nga itong si Drake kaya lang umayaw kasi wala namn daw pagkain dun at gugutumin lang daw syaKaya ayan bwisit na bwisit si Mikee ng makita niyang kasama ko si Drake. Si Carl at Lucas namn ay makikipag-usap daw kay Ace. " mahabang salad ni Sean. Napatango-tango namn ako. Napabaling namn ako sa dalawa na nagbabangayan parin. Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa at walng sabi-sabing pinagbabatukan ang nga ito.

"Ouch! "Drake. "Aray! "Mikee. "Hoy!  Kung nagpunta lang kayong dalawa dito para magbangayan ay pwede na kayong umalis. "Sermon ko sa mga ito at namaywang sa harap nila. Napakamot namn si Drake sa ulo habang napairap namn sa kanya si Mikee. "E kasi namn Anchel eh! Kanina pa niya kinakain ang pagkaing pinaghirapan ko pang lutuin para sayo. Ginawa ko yan para sayo at hindi para sa sugpong katulad nyan. "Sabi ni Mikee at umirap kay Drake. "Aba, hoy amazonang babae, pasalamat ka nga at kinakain ko ang luto mong walang kalasa lasa. Kung hindi lang ako gutom hindi ko pagtyatyagaan yang luto mo. Kung makapagmalaki ng luto nya kala mo kay sarap sarap. "Sabi namn ni Drake na ikinausok ng ilong ni Mikee sa inis. Matalim na binalinga ni Mikee si Drake. "Hoy!  Ikaw na sugpong hipon kaPara sabihin ko sayo marunong at masarap akong magluto. Kaya wala kang karapatang sabihin na hindi masarap ang luto ko! Halos maubos mo na tapos sasabihin mo pang hindi masarap! Ang kapal din namn ng apog mo eh ano? Hindi na ako magugulat kapag nagng balyena ka, grabe ba namn kung kumain kala mo mauubusa lagi ng pagkain. Kaya walng pumapatol sayo kasi kahit gaano ka pa kagwapo kung ganyan ka namn kumain aba, kahit sinong babae matuturn off sayo"Pang-aasar ni Mikee dito. Kaya si Drake namn ang masama ang tingin kay Mikee.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now