Chapter 42

3.9K 68 0
                                    

                              (Part 2)

Third pernson's pov.

"Hay buti naman at nakatulog na ulit sya. Grabe ang sakit ng katawan ko kakasipa at kasusuntok nya kanina. "Saad ni Jio. Yakyak nya kasi ito kanina para hindi mahila ang dextrose nito dahil nagpipilit itong tumayo at hinahanap sya. "Pasensya kana Jio ha?  Ayaw nya kasi talagang wala ako sa tabi nya tuwing nagigising sya. "Saad nya habang hinahaplos ang buhok ng batang si Archie. Mabuti nalang at agad nya itong napatulog kanina matapos nitong magwala.

"Ok lang, gwapong bata naman kaya ok lang kahit saktan nya ko. "Saad ng kaibigan kaya napailing nalang sya. "Wait speaking of gwapo, sino 'yong hot na papang kasama nyo?  Siya na ba ang ama nila Archie? "Tanong nito. Tumango sya. "Ay kaloka ka bakla! Kaya naman pala ng gagwapo ng mga bata may pinagmanahan naman pala. Oh my God! Napapaligiran ako ng mga handsome goddesses. Kaya naman pala pareho kayong  natuhog ng Adonis na 'yon"saad nito kaya umiling nalang sya. ''Sige na,  kausapin mo na, ako na munang bahala kay Archie. "Sabi nito. "Sige salamat. Tawagin mo nalang ako kapag bigla syang nagising. "Bilin nya." Sige. Gora na bakla ng lumigaya ka naman at bumalik ang alindog mo. Hindi 'yong puro ka nalang stress, ang lagay tuloy mas nagiging babae pa ako sayo. "Kantsaw pa nito. "Gaga!  Kahit mukha pa akong stress, mas maganda pa ako sayo kahit wala akong make up. "Sakay nya sa biro nito. "Ay ang hangin. Sige na lumabas kana baka magbago pa ang isip ko at ako ang kakausap sa Adonis  na 'yon. Sige ka, wala pa namang nakakatanggi sa alindog ko. "Saad pa nito kaya umiling nalang sya at nagpasyang lumabas.

Paglabas nya, nadatnan nyang nagtititigan ang dalawa na para bang tinitimbang kung sino ang unang magsasalita. Lumapit sya kay Vien. "Vien anak, pumasok kana muna sa loob mag-uusap lang kami. "Saad niya anak. Tumayo ito sa pagkakaupo at tumingin sa kanya. "Mommy, pwede po ba akong magtanong? "Tanong nito sa kanya. Lumuhod sya para makapantay ito. "Pwede naman anak, pero pwede bang mamaya nalang pagkatapos naming mag-usap?  Ok lang ba anak? "Masuyong tanong nya. Tumango naman ito. "Ok po mommy. "Saad nito bago binalingan si Archie. "Mr. Don't make my mommy cry ok?  Kapag pinaiyak nyo po sya hate ko na po kayo. "Bilin pa nito. Ngumiti naman ito at bahagyang ginulo ang buhok nito. "I won't big boy. "Saad nya. Tumango ang bata at muli syang binalingan. "Pasok na po ako mommy. "Saad nito saka sya hinalikan sa pisngi at iniwan sila.

Bumuntong hininga sya bago hinarap si Archie. "A-ahm, k-kamusta kana? "Nahihiyang tanong niya. "Bakit ka umalis? Bakit kailangan mo akong iwan?  May nagawa ba ako para basta ka nalang umalis at iwanan ako? 'Yong bata kaninang kasama mo, a-anak ko ba sya? Kung anak ko sya bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangan mong itago sakin ang lahat? Bakit Kristine? "May hinanakit na saad nito.Gusto siyang yakapin ni Kristine ngunit pinigilan niya ang sarili. Napayuko sya, at bubuntong hininga para mapigilan ang luhang nagbabadyang mumagsak mula sa mga mata niya at muling nag-angat ng tingin sa binata..

"I-I'm sorry Vincent, hindi ko naman ginustong iwan ka at itago sayo ang lahat. Gulong gulo lang talaga ako ng mga panahon na 'yon kaya hindi ko alam kung paano ka haharapin at kung paano sasabihin sayo. I'm really sorry. "Garalgal ang boses na sabi niya. "Kaya umalis ka nalang ng walang sabi at iniwan ako ganun ba? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo kaya akala mo hindi kita kayang intindihin? Kaya akala mo hindi kita kayang pakinggan ganun ba ha Kristine?! "May hinanakit at galit na sabi nito kaya hindi na napigilan ni Kristine ang mapaluha. "Akala mo ba ganun kadali para sa 'kin yun?! Akala mo ba hindi ako nasaktan?! Kung nasaktan at nahirapan ka,  mas nasaktan at nahirapan ako?! Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko dahil palagi ka namang wala! Sa tuwing kailangan kita hindi ka dumarating! Sa tuwing kailangan ko ang tulong mo lagi kang wala! Hindi ka nagrereply sa texts ko sa tawag ko at minsan pa hindi ka halos makontak. Kaya wala kang karapatan na ipamuka sa 'kin na para bang inapikita! Wala kang alam! "May sama ng loob niyang sabi at tuluyan ng napahagulhol.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon