Chapter26

5K 89 0
                                    

Anchel's pov.

Kinabukasan araw ng sabado.

Kinabukasan medyo late akong nagising masama na naman kasi ang pakiramdam ko pero kahit na ganon at pinilit kung bumangon dahil especial ang araw na 'to kaya hindi pwedeng hindi ito matuloy dahil lang masama ang pakiramdam ko. Matapos kong maligo nagbihis ako ng jeans at long sleeve pagkatapos ay  naglinis muna ako ng kwarto ko bago lumabas ng kwarto. Ng mapadaan ako sa sala nakita kong naroon si kuya Ice gumagawa yata ng project niya seryoso kasi ang mukha niya habang may ginagawa sa laptop niya." Good morning kuya Ice! Pumasok na ba si kuya Arch?" Bati at tanong ko rito. Nag-angat naman ito ng tingin." Good morning din sayo lil sis. Oo pumasok na si kuya. Mag-almusal kana nagluto si kuya ng bacon at sinangag initin mo nalang sa microwave." Mahinahong sabi nito tumango na lamang ako saka ng paalam na para magtungo sa hapag.

Gaya nga ng sinabi ni kuya Ice, ininit ko muna ang bacon at pride rice bago kinain. Matapos kong kumain at hugasan ang pinagkainan ko at bumalik ako sa sala para magpaalam kay kuya na aalis ako." Ahm.. Kuya Ice?" Tawag pansin ko dito." Hhhhmm?" Tanong nito habang nakatingin parin sa laptop niya." Magpapaalam po sana ako, may project po kasi kaming gagawin ng mga kaklase ko. 'Wag kang mag-alala kuya hindi naman po ako magpapagabi mga 5 nandito na ko." Patawad lord kung nagsinungaling ako. ". Ganon ba? Sige pero kailangan 5 nandito kana at'wag kang masyadong magpapgod. Kumain ka ng lunch at inumin mo ang mga vitamins at gamot mo."  Bilin pa nito." Opo kuya." Sagot ko." O siya sige pwede ka nang umalis." Sabi nito." Salmat po kuya. Alis na po ako." Pagpapaalam ko at tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.

" Sandali lang Anchel!" Tawag nito sa 'kin kaya liningon ko ito." Ano po kuya?" Tanong ko dito. Kinuha nito ang wallet niya sa bulsa saka kumuha ng limangdaan doon at iniabot sa 'kin." Here. Kunin mo para may pang bili ka ng pagkain mo basta 'yong mga gamot mo 'wag mong kalilimutan inumin." Bilin pa into. Inabot ko na ang pera sayang naman kung tatanggihan ko pa minsan lang maging mabait si kuya kuripot 'yan." Opo kuya. Salamat. Sige alis na ako." Sabi ko sabay takbo na paalis. Pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin ang sling bag ko at syempre inilagay ko muna ang mga gamot ko doon saka lumabas na ng bahay. Nang makalabas ako ng bahay sakto naman ang dating ni Sean kaya dali dali akong sumakay sa kotse niya." Alam mo na ba kung saan tayo pupunta? Tanong ko dito pagkasay na pagkasay ko." Yes best friend. Tumawag sa 'kin si Ruzzel kanina, nirentahan niya ang maliit na coffé ng Tita niya. Mga isa't kalahati oras lang ang byahe papunta roon." Sabi ni Sean." Malayolayo rin pala 'yon dito." Sabi ko nalang." Yeah." Sagot nito. Hindi na ako ngtanong pa at itinuon nalang ang tingin ko sa labas ng pintana ng kotse.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now