Chapter 40

4.7K 96 4
                                    

Anchel's pov.

"Hoy Vougn! Pwede ba umayos ka! Kanina pa ako dada ng dada dito hindi ka naman nakikinig. At ipapaalala ko lang sayo, tutor mo  ako.. TUTOR at hindi baby sitter. Tsk! Hindi ka na nga pala baby, impaktong damulag ka nga pala. "Naiinis kong sabi. Paano tatlong session na ang nagagawa namin pero wala paring pagbabago. Kahapon nagquiz kami sa A. P. aba ang loko sinagot lang naman ay puro kalokohan kaya ang ending ayon zero. Subject pa naman 'yon ni miss Madrigal the super strict at mainitin ang ulo naming teacher. Dahil sa sobrang inis sa kanya ni Miss Madrigal detention ang inabot nya. Ewan ko ba dito sa lalaking 'to, may sayad na yata to eh. Hindi yata tutor ang kailangan nito kundi psychiatrist.

"Haist! Pwede ba manang, 'wag kang sigaw ng sigaw nakakairita nadadamage na ang mga ear drums ko. "Pagrereklamo pa nito saka padapang humilata sa mahabang sofa dito sa kanilang library. Inis

Inis na napamewang ako sa sarap nito. "Hoy ikaw na bwisit na impakto ka!  Ang galing mo rin naman talaga ano? Ikaw pa talaga itong may lakas ng loob na magreklamo? Ikaw na nga itong tinutulungan para mapabuti ikaw pa 'tong puro reklamo. Hindi mo ba alam na maraming mga kabataan ang gustong matutu at makapag-aral? Maraming mga kabataan ang nangangarap na sana balang araw ay makatira sila sa isang bahay na maraming pagkain 'yong hindi butas ang bubong,  'yong makakatulog sila ng mahimbing na hindi iniisip kung paano sila kakain bukas. Iyong may malambot na higaan at  may electrifan. Alam mo na sayo na lahat eh. Bahay na magara, malambot na higaan, masasarap na pagkain at kakayahang makapag-aral. At pasalamat ka nga may ina ka na handang gawin ang lahat maging maayos lang buhay mo. 'Yong may ina kang pinapagalitan ka sa tuwing nagmamatigas ka, 'yong inang magpapatahan sayo sa tuwing iiyak ka, 'yong yayakap sayo at magpapagaan ng loob mo sa tuwing nasasaktan ka at nahihirapan. Iyong tutulong sayong bumangon sa tuwing nadadapa ka, at isang inang handa kang tanggapin at mahalin kahit ano ka at kahit gaano ka pa kapasaway at katigas ang ulo. Naiisip mo ba 'yon? Maraming mga kabataan o kahit pa may edad na na lumaking walang ina ang naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang ina. Tapos ikaw? Hindi mo man lang kayang pahalagahan ang mga bagay na meron ka lalo na ang mga ginagawa ng mommy mo sayo. Anong klaseng tao ka? Anong klaseng anak ka? '' Saad ko at hindi ko na namalayang napaluha na ako. Siguro dahil nabanggit ko ang tungkol sa pangungulila sa isang ina. Agad kong pinahid ang aking pisngi na nabahiran ng luha saka nagtungo sa table at sinimulang ayusin ang ilang librong ginamit namin. Kailangan ko munang umuwi para makapagrelax, baka atakihin pa ako nakalimutan ko pa namang dalhin ang gamot ko. Bwisit kasi 'tong impaktong damuho na 'to eh. Matapos kong maayos ang libro ay binitbit ko na ang shoulder bag na dala ko at handa na sanang umalis ng paglingon ko ay nakatayo na si Vougn at nakatitig sa 'kin. Bahagya itong napaiwas ng tingin ng tumitig din ako sa kanya.

"Ahm ano.. S-sorry kung napasama ko ang loob mo. Hindi ko sinasadya." Malumanay na saad nya at napayuko,nahihiya siguro. Tsk! May hiya pa pala sa katawan ang damukal na 'to. "Tsk!  Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko,  isipin mo nalang wala akong sinabi sayo. Uuwi na muna ako magkita nalang tayo sa susunod na session. "Sabi ko at nagsimula ng humakbang ng hawakan nito ang kamay ko para pigiligan ako na agad nya namang binitawan ng tiningnan ko sya. "Sorry na.. Hindi ko gustong sumama ang loob mo. And look, hindi ko naman binabaliwala ang kung ano man ang meron ako lalo na ang mga efforts ni mommy para sa 'kin, kaya nga kahit hindi ko gusto itong pagtututor mo, sinubukan ko paring gawin. Pero kasi hindi ko kasi talaga maiwasang maging pasaway at inaamin ko hindi talaga ako mabait na anak. Ito kasi ang tunay na ako, kapag pinilit kong maging mabait at hindi na magpasaway hindi na ako 'yon.. Isa na 'yong pagkukunwari. At ayokong magkunwari lalo na ang baguhin ang kung ano man ang pagkatao ko ngayon. Itong pagkatao kong ito, dito ako nakilala at minahal ng mga kaibigan ko, ng lolo,  ng daddy ko at ni mommy. Kaya sorry.. If nahihirapan ka sa 'kin. Pwede ka namang umayaw kung hindi mo na talaga kaya o kung hindi mo naman talaga gustong magtutor sa 'kin. And this time, I promise  I will do everything I can para ayusin na ang pag-aaral ko. At ng hindi mo na nasasabing sinasayang ko ang mga bagay na meron ako. "Litanya nya. Tsk! Damukol talaga. Nangangako daw e parang labag naman sa loob. Napabuntong hininga nalang ako.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon