Chapter 50

3.6K 78 10
                                    

Anchel's pov...


It's Saturday at nandito ako ngayon kina Vougn. Maaga palang ay nagpunta na ko dito para maaga rin kaming makapagsimulang magreview.

"OK,  so the latest surface is shap.. " napahinto ako sa pagsasalita ng biglang kinuha ni Vougn ang eye glasses ko.

"There, sabi ko na mas maganda ka kapag wala kang salamin eh. "Saad nito. Ok, nag-init ang mukha ko doon.

Inirapan ko lang siya saka binawi ang eye glasses ko at sinuot muli.

"Pwede ba, Vougn 'wag mong pakialaman ang eye glasses ko. Ang mabuti mong gawin ay makinig sa lahat ng mga dini-discuss ko at pag-aralan ito.

We already have one week para makapag review para sa darating na exam. Kaya umayos ka kung ayaw mong mabato kita nitong mga librong nandito. "Galit na sabi ko.

Napakamot namn ito sa ulo na para bang pinapagalitan ng kaniyang ina dahil sa pagpapasaway niya.

"Grabe ka naman Miss tutor, daig ka pa ni Mrs. Madrigal sa kasungitan. "Saad nito. Inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-di-discuss.

"Wait, pwede bang mamaya naman ulit tayo mag aral. Sumasakit na kasi ang ulo ko isa pa nagugutom na rin ako. Kumain na muna kaya tayo. "Saad nito. Bumuntong hininga ako saka itinabi na muna ang libro na hawak ko.

"Fine, pero 40 mins lang ang pahinga at pagkain kailangan natin tapusin ang inihanda kong rererview-hin natin. May kailangan pa kasi akong gawin. "Pagsisinungaling ko.

Ang totoo kasi, medyo iniiwasan ko siya. Sa isang buwan naming magkasama, kahit napakakulit niya at nakakainis. Nakakatuwa at masaya siyang kasama.

Minsan kasi natatawa ako sa kalokohan niya at sa kakulitan. Isa pa, nalaman ko ding hindi naman pala talaga masama ang ugali niya.

Gumawa lang siya ng paraan para hindi maging malapit sa ibang Tao maliban sa boys at kina Ella. Hindi niya gustong malaman ng lahat ang tunay na siya, dahil natatakot daw siyang baka marami ang magkagusto sa kaniya at marami ring malapit sa kaniya.

Natatakot daw kasi siyang masaktan at maiwan ulit lalo na kapag napamahal na sa kaniya. Kaya hanggat maaari, umiiwas siya.

Hindi ko man alam kung bakit at kung anong dahilan alam kung may pinagdadaanan siya.

At sa bawat araw na nagdadaan, napapansin kong gumagaan na ang loob sa kaniya at hindi ko gusto iyon. Dahil.... Dahil natatakot ako na baka mahulog ako sa kaniya. At kung mangyari man iyon, hindi ko alam kung magagawa niya kaya akong saluhin.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now