Chapter 2

90.6K 2.1K 1.4K
                                    



Julie's POV

Nagulat ako sa dalawang babaeng nilagpasan ako kanina tapos sa sinabi pa ng isa. So nalaman pala nilang may pinaplano kaming pahirapan sila ngayon. Balak namin na iligaw silang lahat at kung kaya nilang sumunod samin nila Lexie. Tatlo kami na magpapagulo sa kanila. Ako, si Lexie at isang pang player na si Sharm. Ako at si Sharm diretso na sa camp kapag nasundan kami, kapag si Lexie naman ang sinundan nila ay matatagalan pa silang makarating sa camp dahil mapaglaro si Lexie, ililigaw nya ang mga rookies. Kaya hangga na ako sa dalawa kanina, nalaman kagad nila 'yon. Sinabi ni Lexie na sya ang sundan pero ako ang sinundan nila tapos inunahan pa nila ako. Matalino ang dalawang 'yon. Hindi na ako magtataka kung bakit sila ipinasok dito sa training camp.

Mukhang susundan lang nila ang kalsada na tatahakin ng dalawa kaya lumiko ako para mag-short cut. Hahabulin ko ang dalawang 'yon at titignan kung paano sila makakarating ng camp. Binilisan ko ang pag-pedal nang makita ko ang dalawa sa kalsada. Dumaan ako sa ramp para mapunta ako sa kalsada. Nasa likuran ko na ang dalawa ngayon.

"What!" rinig kong sabi ng babaeng nagsalita kanina. Napangisi ako. "Akala mo ah!" napansin kong binibilisan din nya ang pag-pedal para maabutan ako pero hindi ako nagpatalo sa kanya.

Napansin ko rin na yung isa ay bumibilis din. Bigla akong nagkaroon ng plano. Ililigaw ko ang dalawang ito. Mukhang sinusundan naman nila ako dahil ako ang nasa unahan. Mabuti na lang sa isang kilometro ay may dalawang daan. Kaliwa at kanan. Ang kaliwa ang daan papuntang camp habang ang kanan ganon din pero mas mahabang daan naman.

Binilisan ko lalo ang pag-pedal para talagang sundan nila ako. Malapit na ang dalawang palikong daan. Binagalan ko ng konti para saktong makaliko ako tsaka ko binilisan. 

"Bear! Left!" sigaw ng isang babae. Tumingin ako sa likuran ko at napamura na lang na hindi sila sumunod sakin at kumaliwa sila. Nabasa nya ako doon? Mukhang hindi namin maloloko ang isang 'yon.

Tama na nga ang laro. Uunahan ko na lang sila sa camp para maghinayang sila na hindi sumunod sakin dahil nakarating agad ako sa camp. Dumaan ako sa gubat. Diretso lang ito sa camp kaya mauunahan ko ang dalawa.

Nakarating ako sa gate two ng camp. Nandon ang iba pa naming kasamahan na naghihintay samin.

"Katulad ng inaasahan, wala sumunod sayo." sabi ni Ella. Tumingin ako sa paligid. Ayos, wala pa ang dalawa.

"Meron nung una pero inunahan na nila ako dahil nalaman nilang patatagalin namin ang pagsunod sa kanila." sabi ko. Kumuha ako ng tubig. Napagod kaya ako doon.

"Matalino." sabi ni Ella. Ngumiti ako sa kanya.

"Sinabi mo pa." sabi ko.

"Wala pang dumadating dito bukod sayo kaya mukhang hindi nila alam kung paano makarating dito. Kung sinundan ka na lang nila." napailing na sabi ni Joey.

"Alam nila. Kanina hinabol ko pa sila tapos balak ko sanang iligaw ang mga 'yon nung mukhang sinusundan na nila ako dahil pinipilit nilang unahan ako. Sa West and East Road, 'di ba ang West maikling daan papunta rito habang ang East ang mahabang daan. Nag-East ako pero hindi nila ako sinundan, nag-West sila. Since hindi naman nila ako sinusundan, pumunta na ako dito at paghinayangan sila na hindi nila ako sinundan dahil naunahan ko sila dito kahit na nag-short cut lang ako." sabi ko at natawa.

"Nice idea!" sabi ni Nathalie. Nakipahigh-five ako sa kanya. "Ilan ba sila?"

"Dalawa lang." sagot ko.

"Iniisip ko tuloy kung sino ang dalawang 'yon." sabi ni Ella habang nakatingin sa papel kung saan nakalista ang mga rookies na itra-train namin.

"Malalaman din natin kapag dumating na sila." sabi ko at tumingin sa kalsada. May naanigan akong dalawang tao. "At nandito na nga sila." Napatingin sila sa dalawang parating at nag-uunahan.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now