Epilogue

64.1K 1.3K 374
                                    




Avey's POV

"Hindi pa rin ba sya okay?" hindi ako lumingon kay Tristan at nakatingin lang kay Kill na nakatingin sa kawalan.

Napabuntong hininga ako. Isang linggo na nakakaraan simula nung nangyari sa kanila ni Warren. Katulad nung nangyari sa mga magulang ni Aiden ay lagi sya nakakulong sa kwarto o hindi kaya nandito sa garden at nakatanaw sa malayo. Mas malala lang ngayon dahil hindi namin sya makausap. Tango o iling lang ang sagot nya.

Nag-aalala na ako sa kanya dahil minsan binabangungot sya. Kahit hindi nya sabihin ay alam kong tungkol sa pagkamatay ni Warren ang napapaniginipan nya. Sinisisi nya na naman ang sarili nya dahil may namatay na naman.

Nung nagising sya sa hospital, umiyak sya nang umiyak at sinisi ang sarili nya dahil pinatay nya raw si Warren. Inexplain nya sakin ang nangyari, dapat sya ang mababaril pero pinilit nyang itutok sa iba ang baril para hindi tumama sa kanya ang bala at hindi inaasahang pangyayari ay sa dibdib ni Warren tumama ang bala.

Iniisip nya na binaril nya si Warren pero ilang beses ko na inexplain na self defense ang nangyari pero mas pinapaniwalaan nya ang ginawa nya.

Hindi pa sya nakakamove on sa aksidente ng mga magulang ni Aiden, ngayon lalo sya mahihirapan magmove on dahil sa pagkamatay ni Warren.

"Wag mo ipakita kay Kill na nahihirapan ka ng intindihin sya. She need you, Avey" sa pagkakataing ito ay lumingon na ako kay Tristan.

"Nasasaktan ako tuwing nagkakaganyan sya, Tristan. Ayaw nya akong kausapin, paano ko sya matutulungan? Nahihirapan na ako sa pakikitungo nya satin." malungkot kong sabi at muling tumingin kay Kill. 

"Sabi mo nagkaganyan din sya nung naaksidente ang mga magulang ni Aiden. Alam mo ba kung bakit sya nagkakaganyan sa tuwing nakakakita sya na may namamatay sa harapan nya? at sisisihin nya sarili nya dahil wala man lang sya nagawa para maligtas ang taong 'yon" tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya kay Kill.

"Bakit? May nangyari ba sa nakaraan nya?"

"Ten years old si Kill nung mamatay ang alaga nyang aso na si Ray. Sabay silang lumaki noon kaya napamahal sa kanya si Ray. Lagi sila sabay maligo, kumain at matulog. Halos sya na nga ang bestfriend ni Kill kaya malaki ang tampo ni Shiela noon"

"Ano bang nangyari kay Ray?"

"May nagtakang kidnapin si Kill noon at si Ray ang nagtanggol kay Kill sa oras na 'yon. Hindi ko alam ang nangyari dahil hindi kwinento ni Kill samin ang nangyari. Ang alam lang namin ay namatay si Ray dahil binaril sya ng kidnapper. Syempre masakit para kay Kill ang nangyari kay Ray dahil sa mismong harapan nya pinatay si Ray. Ang alaga nyang aso na mahal na mahal nya"

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam na may ganong nakaraan si Kill.

"Pagkatapos noon ay ilang linggo syang nakakulong sa kwarto. Minsan hindi pa sya kumakain kung hindi pa pipilitin ni Kuya Kyle. Takot syang magalit sa kanya si Kuya Kyle kaya sinusunod nya ang mga sinasabi ni Kuya Kyle"

"Bakit si Kyle? bakit hindi si Kuya Techi?"

"Masayahing tao si Kuya Kyle 'di ba? Nakakatakot magalit ang mga taong ganon." tumango ako "Sinubukan namin syang pasayahin pero ayaw talaga. Bumili rin kami ng bago nyang alaga pero nagalit sya. Ayaw nya na daw mag-alaga ng kahit anong hayop dahil naaalala nya lang si Ray. After ten years, sabi ni Kuya Techi ay may dinalang aso si Kill sa bahay at ayun ay si Killer."

Nagulat ako, akala ko bumalik na si Killer sa totoong amo nito dahil hindi ko na sya nakikita pero nasa bahay lang pala nila si Killer.

"Sabi ni Kuya Techi ay dinala raw ni Kill si Killer sa bahay para sila na ang mag-alaga nito dahil mukhang hindi pa rin sya nakakamove on kay Ray. Pero napansin ni Kuya Techi kay Kill na ayaw nya ito maiwan kanila Kuya Techi. Mukhang napamahal na kay Kill si Killer pero pinili nya pa rin na iwanan ito kanila Kuya Techi. Balak nga naming dalhin na rito si Killer dahil allergic si Baby Chichi sa balahibo ni Killer pero dahil nagkakaganito si Kill ay sa camp na muna namin sya dinala." sabi nya.

Melting Ice PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora