Chapter 8

50.4K 1.5K 301
                                    



Third Person's POV

Kakalabas lang ni Kill sa restroom ng airport at lumingon sya sa kinaroroonan ni Avey na nakasuot ng panlalaki. Nagtaka sya kung bakit nag-disguise si Avey ng ganon kaya madaming mata ng mga babae ang nakatingin sa kanya. Napansin nya na pabagsak bagsak ang ulo ni Avey. Siguro inaantok pa, naalala nya nung nagising sya na madaling araw ay nakita nya itong may inaasikaso sa laptop nya kaya baka kulang sa tulog si Avey dahil maaga rin sila umalis ng resort para sundiin ang team kaya hindi na sya nagtaka bakit kung puyat ang dalaga.

Naghanap sya na mabibilhan ng kape para mawala ang antok ni Avey. Pagkabili ay lumapit sya kay Avey at tinapat sa pisngi nya. Nagulat naman si Avey ng makaramdam sya ng init sa pisngi nya kaya lumayo sya. Tumingin sya sa kape na nasa harapan nya tapos sa taong may hawak nito. Napangiti naman sya na matantong si Kill ang taong 'yon.

"Nakakangalay." malamig na tugon ni Kill. Napangiti naman si Avey at kinuha ang kape kay Kill. 

"Sweet mo naman." malambing na sabi ni Avey kay Kill. Napa-tsk na lang si Kill at naupo sa tabi ni Avey. 

Onti-onti rin tutunaw ang yelong Kill. Sa isip ni Avey at humihigop ng kape habang nakatingin kay Kill. Napansin naman 'yon ni Kill kaya tumingin sya kay Avey. Kahit naka-sunglasses si Avey ay pansin nya pa rin na nakatitig sa kanya ang dalaga. Hindi sya nagpatalo at nakipagtitigan din kay Avey nang may biglang syang naisip na kalokohan at bigla na lang nya kinindatan si Avey at ngumiti. Sa gulat ni Avey napaso ang dila nya sa init ng kape nya.

"Waaah! ang init!" sabi ni Avey habang pinapaypayan nya dila nya gamit ang kamay nya. Dahil sa paso ay maluha luha na si Avey sa init ng dila nya.

Natawa ng malakas si Kill na ikatigil ni Avey at napatulala habang tinitignan si Kill. First time nyang makitang tumawa si Kill ng ganon kasaya kaya hindi nyo sya masisisi.

So sa tuwing nasasaktan ako don sya tumatawa?  sa isip ni Avey. Bago pa matapos si Kill kakatawa ay agad kinuhaan ng picture ni Avey si Kill habang nakatawa. Tinignan nya ang cellphone nya at natawa ng bahagya, nakapikit si Kill habang nakanganga na nakaside view sa kanya but she find it cute.

Nang mapansin ni Avey na patapos ng tumawa si Kill ay agad nyang tinago ang cellphone nya sa bulsa at inosenteng tumingin kay Kill pero nung maalala nya ang ginawa nya umacting syang naiinis kay Kill.

"Bwisit ka! napaso dila ko dahil sayo!" hinampas nya ng malakas si Kill kaya medyo na out-of-balance si Kill pero agad naman sya umayos ng upo.

"Hindi ko nakasalan kung naakit ka sakin." ngising sabi ni Kill at ngumiting nakakaloko kay Avey. Namula naman agad ang mukha ni Avey at tumingin sa iba. 

Lakas mang-akit sakin pero taob din pala kapag inakit ko na sya. Sa isip ni Kill.

Panong hindi magugulat sa ginawa nya eh isang Kill na ang cold magagawa ang ganon? She's really unbelievable that's why I like her. Sa isip ni Avey at ngumiti.

"Dito ka lang, ako napupunta para abangan sila." malamig na sabi ni Kill at hindi na hinitay na sumagot si Avey. Napailing si Avey sa malamig na pakikitungo ulit ni Kill at sinundan na lang ng tingin ang paalis na si Kill.

Sa kabilang banda, sila Juls ay palinga linga dahil kanina pa nila hinahanap ang dalawang magsusundo sa kanila. Kanina pa sila nakababa sa private jet ni Ella at gusto na nilang makaalis sa airport dahil padami nang padami ang mga babaeng nakapaligid sa kanilang lahat. Mga fans kung tawagin.

"Damn nasaan na ba ang dalawa na 'yon?" inis na tanong ni Ella.

"Kalma lang Ella baka naman na-late lang sila ng dating, maaga kasi tayo umalis eh. Baka tulog pa sila nung nasa ere na tayo." sabi ni Lexie sa kanya habang nakahawak sa kamay ni Sun.

Melting Ice PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora