Chapter 16

43.3K 1.2K 436
                                    



Kill's POV

Nakauwi na kami galing Boracay. Mabuti na lang ay hindi kaagad kami nagtraining pagkauwi namin nung nakaraang araw pero ngayon ay nagtra-training na kami. Tinotoo ni Avey ang pagpapahirap samin nung nasa Boracay kami. Grabe lahat ang mga pinaggagawa namin. Pagod na pagod kami pagkatapos. Sinusumpa na nga sya nila Juls dahil sa mga thrill nyang kakaiba at pahirap. Pero mabuti na lang nagbigay sya ng tatlong araw na pahinga bago kami umuwi rito sa camp. Nagfireworks kami sa gabing bago kami umuwi at natulog sa beach. 

Maraming memories ang nangyari sa Boracay sa dami na nangyari. Isa na d'on ang pagsabi namin ni Scarlette na magkapatid kami. Madaming nagulat pero naunawaan naman nila. Nagsabi kami na wag muna ipaalam sa mga kuya namin dahil gusto namin na kami ang magsasabi sa kanila. Nangyari din ang pag-amin ni Scarlette kay Jacey at sinabing liligawan ito pero mukhang nasaktan si Jacey dahil sa ginawang pagseselos sa kanya ni Scarlette kaya pinapahirapan ito at sinabi pang ako ang gusto nya. Kinausap ko si Jacey kung totoong gusto nya ba talaga ako pero sinabi nya lang 'yon para badtripin si Scarlette dahil sya nabadtrip nung ginamit ako ni Scarlette. Ewan ko ba sa dalawang' yon. Pinapahirapan pa ang sarili.

"Excuse me!" tumingin ako sa likuran at umiwas nang makita si Avey na nagmamadaling tumakbo. Napakunot ang noo ko dahil may kakaiba kay Avey ngayon. Hindi kasi 'yon tumatakbo kapag nagmamadali sya. Sa loob lang ng court 'yon tumatakbo.

Hinayaan ko na lang sya at naglakad papuntang gym. May ia-announce daw ngayon si Avey kaya pinatawag nila kaming lahat pagkatapos ng training namin. Pagkarating ko sa gym, halos lahat sila nakaupo sa sahig. Naupo ako sa tabi ni Noimi.

"Ang tagal mo ah." sabi nya. Sasagot pa sana ako kaso nagsalita na si Avey gamit ang mic kaya napatigil lahat sa kwentuhan. Kumunot ang noo ko dahil iba ang suot nya ngayon kaysa kanina.

"So Avey, ano ang sasabihin mo? good news ba 'yan?" tanong ni Ella. Nakatayo ito sa tabi ni Avey. Silang dalawa na lang ngayon ang nakatayo sa harap namin.

"I guess, it's a bad news." tila nagdadalawang isip na sabi ni Avey. Nagtaka naman kami at hinintay sya magsalita ulit. "Si Ella na ang bago ninyong team captain ng Lady Dragon." sabi nya na ipagtaka namin.

"What? bakit ako?" takang tanong ni Ella.

"Hindi naman bad news 'yon eh." sabi ng Sharm.

"Bakit biglaan ata yan Avey?" tanong ni Juls.

"Sorry girls." sabi ni Avey at bumuntong hininga. "Ayoko sanang gawin ito pero kailangan ako ng kompanya namin sa America. Ang dami ng problemang kinakaharap ngayon ng kompanya namin kaya kailangan kong pumunta doon para asikasuhin iyon." sabi nya.

"No.." rinig kong sabi ng iba.

Pinagmasdan ko si Avey. Nakangiti ito ng malungkot at mahahalata sa mukha nya ang pagod at puyat. Sabi ko na nga ba may hindi tama noon. Kaya madalas syang nakaharap sa laptop dahil sa problema ng kompanya nila. Alam nya na rin na mangyayari ito. Ang pag-alis nya kaya siguro humingi sya ng time para makasama kami bago man lang sya umalis.

Napayukom ako ng palad ko.

"Kailan ka naman babalik?" malungkot na tanong ni Gail.

"I'm not sure. May eighty percent na hindi na ako makabalik pa." sagot ni Avey.

"Hindi pwede! kaonting panahon pa lang tayo magkakasama aalis ka na agad." naluluhang sabi ni Krystal. Pati ang iba ay naluluha na.

"No, hindi pwede." naluluhang sabi ni Nathalie.

"Sabi mo ikaw ang magiging coach ng Dragon Empire, bakit biglang ganon?" naiiyak na sabi ni Juls kaya yung iba napaiyak na rin. Tahimik lang akong nakatingin kay Avey. Nasasaktan din ako dahil aalis sya kung kailan na alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya tapos aalis pa sya. Kamusta naman 'yon 'di ba?

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now