Chapter 24

38.9K 1K 475
                                    



Scarlette's POV

"Nasaan si Avey, Kuya?" tanong ko. Hindi ko kasi makita si Avey.

"Ayan ah." sabay turo kay Abby, natawa ako pati na din si Tairon. "What's funny?"

"Ikaw." sabay na sabi namin ni Tairon. Kumunot ang noo ni Kuya Kyle.

"Hindi sya si Avey. Halatang walang alam." sabi ni Tristan. Hindi na nya ako hinayaang tawagin syang kuya dahil isang taon lang naman ang pagitan at nakasanayan na namin na ganon lang ang tawag ko sa kanya.

"Huh?" naguguluhan na sabi ni Kuya Kyle.

"Hindi ako si Avey. Kakambal nya ako. Ako si Abby." sabi ni Abby. Tumingin ako kay Kill, napangiti ako nang makita ko sa mukha nya ang pagkadismaya. Alam kong may feelings pa rin si Kill kay Avey.

"Oh? Sorry late update." napakamot si Kuya Kyle.

"Puro ka kasi Ate Ali." sabi ni Tairon.

"Ano meron kay Ali?" tanong ko, bakit sya napasama sa usapan?

"Girlfriend nya." sagot nya.

"Weh?!" sabay na sabi namin ni Abby, kaya pala wala palagi sa training, nasa DBB pala. May boyfriend pala na pinupuntahan. Humanda sya samin pagbalik sa camp.

"Oy bakit ganyan kayo maka-react?" tanong ni Kuya Kyle.

"Miski kasi sila hindi naniniwala na may papatol sayo." sagot ni Kuya Techi.

"Grabe kayo!" natawa kaming lahat kay Kuya Kyle pwera kay Kill na umiling lang.

"Abby right? Bakit ang tahimik ng kapatid mo?" tanong ni Ate Michelle. Tumingin naman kami sa kapatid ni Abby.

"Mahiyain po eh. Sya si Allen, bunso namin." sabi ni Abby, ngumiti naman ng kaonti si Allen.

"Walang hiya hiya rito! ang mahiyain pinapalo." sabi ni Kuya Kyle.

"Wag ka makinig dyan loko-loko talaga 'yan. Iniisip ko nga bakit sya pinatulan ni Ate Ali. By the way, I'm Tairon tapos ito ang kakambal kong si Kill at ang bunso namin si Scarlette." sabi ni Tairon.

"Gwapo naman ako 'no, ako naman si Kyle tapos ito si Tristan ang pinakamasungit samin." sabi ni Kuya Kyle.

"Call me Kuya Techi and this is my wife Ate Michelle. Ito ang kambal ko na sina Chichi at Mike." sabi naman ni Kuya Techi.

"Hello po, nice to meet you all, I'm Allen Walker." nahihiyang sabi ni Allen.

"Sya nga pala Abby, pupunta ba si Avey?" tanong ko. Napansin ko naman si Kill na napatigil sa paglalaro ng kutsara. Ngumiti ako.

"Hmm...I don't know, kanina lang sinabi sakin na may family dinner eh. Pupunta ba si Avey, Allen?" tanong ni Abby sa kapatid nya.

"Sabi." sagot lang ni Allen. So may posibilidad na pumunta si Avey ngayon? Eh ang layo kaya ng America pwera na lang kung may private jet sila.

"Where's dad anyway?" tanong Kuya Kyle, napatingin naman kami sa paligid. Hindi namin napansin na umalis pala ang mga magulang namin.

"Umalis sila kasama sila Mom." sagot ni Allen. Tumango kaming lahat.

Nagkwentuhan kami habang hinihintay namin ang parents namin. Lagi namin inaasar si Kuya Kyle tungkol kay Ali. Ano daw ginawa ni Kuya Kyle kung bakit pinatulan sya ni Ali. Miski nga ako nagtataka kung paano naging sila, ang tahimik ni Ali tapos si Kuya Kyle loko-loko. Magkaibang magkaiba sila ng ugali pero bagay naman sila sa isa't isa.

"Baka naman masyado mo sinasagad ang sarili mo kakatrabaho, Avey." napatigil kami sa pagkwe-kwento nang marinig namin sila Dad na papunta rito.

Narinig ko ang pangalan ni Avey, ibigsabihin nandito sya? Tumingin ako kay Kill na nakatingin sa pintuan ng dinning area. May nag-aabang.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now