Chapter 37

36.9K 1K 236
                                    



Kill's POV 

"Oh she's here, come here iha." tumingin ako sa babaeng tinawag ni Lolo, tila nandilim ang paningin ko nang makita ko muli sya. Muling nagbalik na naman ang sakit na naramadaman ko simula nang nalaman kong sya ang nagplanong saktan ako gamit si Abby. Talagang nagpakita pa sya sakin.

"Kailangan ko pa bang ipakilala ang taong ito?" nakangiting tanong ni lolo Thai. "Well, girls ang assistant coach ninyo. Avey Walker." napakamao ako ng palad, bakit sya pa ang kinuha ni Lolo? sa dinamiraming tao sa pilipinas, sya pa talaga. Ano bang ginagawa nya rito? 'di ba nasa america sya? 

"Hello girls." nakangiting bati nya. 

Nang tumingin sya sakin, binigyan ko lang sya na malamig ng tingin tsaka ako naglakad paalis. Kinuha ko ang mga gamit ko sa bench tsaka ako dumiretso sa shower room, nang nasa tapat na ako ng shower room ay tsaka ko lang napansin na nakasunod pala sakin si Killer. Tumingin ako sa kanya.

"Stay here." mukhang naintindihan nya ang sinabi ko dahil umupo sya sa tapat ng pintuan. Pumasok na ako ng shower room, mabuti na nasa labas si Killer para hindi pumasok si Avey kung sakaling sundan nya ako. Naghubad ako at pumasok ako sa isang cubicle. Binuksan ko ang shower at hinayaang umagos yung tubig sa katawan ko.

Pumikit ako at mukha ni Avey ang nakita ko kaya dinilat ko na lang ang mga mata ko. Bakit Avey? bakit mo ako sinaktan? ginamit mo pa talaga si Abby para lang masaktan ako. Ano bang ginawa ko na kailan mo pa akong saktan? madaming akong tanong na gusto kong malaman pero impossible ng masagot 'yon dahil sarado na ang puso't isipan ko. Wala ng makakasakit pa sakin lalo na ikaw Avey, hindi ko nahahayaan pang saktan mo ako ulit dahil ibabalik ko sayo ang sakit na naramdaman ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng shower room habang pinupunasan ko ang buhok ko. Napatingin ako sa gilid, sana pala hindi na ako tumingin. 

"Baby." tinignan ko sya ng malamig, napaatras sya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Don't call me baby." sabi ko at naglakad palabas ng gym. Hindi ko na nakita sila Ashley, baka umuwi na ang mga ito.

Naglakad ako pauwi sa bahay. Nakita ko si Lolo sa sala nagkakape. Nilapitan ko ito.

"Bakit mo sya kinuha?" tanong ko sa kanya. Alam nya ang nangyari pero kinuha nya pa rin si Avey para maging assistant coach namin.

"Naisip ko kasi na magkaroon tayo ng assistant coach para sa oras na wala ako ay nandyan sya." sagot nya pero hindi nya naman nasagot ang tanong ko. Tinignan ko lang sya at mukhang napansin nya na hindi iyon ang sagot sa tanong ko. "Sya ang nirikomenda ni Trisha sa team nyo." napakunot ang noo ko, si Mom? bakit?

Mukhang wala ng balak pang magsalita si Lolo kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mom. Ilang ring pa nung sinagot nya.

"Hello baby girl!"

"Mom, 'di ba sinabi ko na wag ninyong papakialaman ang team ko? bakit mo sinabi kay Lolo na kunin si Avey maging assistant coach namin?" wala akong paki kung Mom ko pa sya, naiinis ako dahil parang minamaliit nya ang team ko. Sa tingin nya hindi ko kayang ihandle ang team ko?

"Oh sinabi ko lang sa Lolo mo na pwede si Avey maging assistant coach ninyo pero hindi ko naman alam na gagawin nya pala 'yon at madami akong nabanggit na pangalan, hindi lang si Avey. Galit ka ba baby girl?" bumuntong hininga ako.

"Hindi pero Mom, wag mong isipin ang team ko. May sarili kayong team kaya please lang wag ninyong pakialaman kung ano gusto ko sa team ko." sabi ko at binaba ang tawag. Hinagis ko sa higaan ang cellphone ko at nahiga ako sa kama.

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon