Chapter 5

55.3K 1.5K 610
                                    




Kill's POV

Tatlong buwan na simula nung huling hinalikan ako ni Avey ay umiiwas na ako sa kanya. Ayoko ng gulo kaya ako na mismo ang umiiwas. Alam kong napapansin nya 'yon lalo na mas lalong lumamig ang pakikitungo ko sa kanya. Madalang na lang kaming mag-usapan at puro sa training lang ang napag-uusapan namin. Madalas ko na rin sila nakikita ni Warren na magkasama kaya mas okay na 'yon, napagtutuunan nya si Warren kaysa sa paglandi sakin.

Si Scarlette, kahit anong sabihin ko sa kanya na tigilan ako hindi nya ako tinatantanan hanggang sa ako na ang sumuko at hinayaan na sya. Mas malala ang kakulitan ni Scarlette kaysa kay Avey. Mabuti na lang madalang na rin kami magkita dahil lagi sila may laban. Pero lagi nya pa rin ako kinakamusta kahit na sa ibang bansa sya. Hindi ako manhid para hindi mapansin na may gusto sya sakin pero dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya at ayoko syang masaktan, umiiwas din ako sa kanya. Pareho kaming babae at mali makipagrelasyon sa kapwa babae, mali 'yon sa mata ng mga tao at sa diyos.

"Kaboring ngayon!" tumingin ako kay Noimi na sumigaw, rest day namin ngayon dahil halos lahat ng players ay nasa laban. Semi Final na ng Asian Cup kaya kailangan pagbutihan. Sina Juls, Ella, Lexie at Sun lang ang natira rito.

"Pwede kaya tayong lumabas ng camp? miss ko na kasi mag-shopping." sabi naman ni Krytal.

"Ako, miss ko na boyfie ko." malungkot na sabi ni Gail.

"May boyfriend ka?" takang tanong ni Ashley, nahihiyang tumango naman si Gail.

"Hindi nagkwe-kwento!" at binato nilang lahat si Gail ng unan. Hindi pa sila nakutento at pinaghahampas nila si Gail ng unan.

"Waah! tama na! aray!" nagtatawanan sila habang pinaghahampas pa rin si Gail. Wala naman magawa si Gail dahil hindi sya makapalag.

"Ayan ang nangyayari sa hindi nakwe-kwento." natatawang sabi ni Noimi, tumigil na sila sa paghampas kay Gail pero si Gail parang ni-rape dahil sa itsura nya.

"Wow huh? para naman kayo nagkwe-kwento, eh hindi nga natin masyado kilala ang isa't isa." inis na sabi ni Gail habang inaayos ang sarili nya.

"Oo nga 'no? puro kasi tayo practice kaya hindi na natin nakilala ang lubusan." sabi ni Shiela. "Para may magawa tayo, magkwentuhan na lang tayo tungkol sa buhay natin, ano game?" sumang-ayon silang lahat kay Shiela. 

"Ako mauuna!" biglang sigaw ni Maybelle. "May kaya ang pamilya ko tapos ang dalawang kuya ko naman ang nagpapaaral sakin bago napadpad dito. Kilala ang mga kuya kong 'yon dahil panget sila, sina Kuya Mike at Kuya Miko, the ugly duo."

"Oh my gosh! kuya mo sila?!" sigaw ni Gail.

"Kaya pala parang may kamukha ka, kuya mo pala yung kambal na basketbolista ng Thunder Gato." sabi ni Ashley. 

"Sira, ikaw yung panget hindi ang mga kuya mo." komento ni Krystal kaya natawa sila.

"Gago." lalo silang natawa sa sinabi ni Maybelle.

"Lovelife?" tanong ni Noimi, napaisip muna saglit si Maybelle bago sumagot.

"Nagkaboyfriend ako, naging kami ng two years pero nawala rin nung nalaman ko na gay sya. Masakit nung una pero tinanggap ko na wala na talaga kami dahil parehas pala kami ng hanap, lalaki." natawa ng bahagya si Maybelle. Napangiti na lang din sila Noimi ng makitang okay lang kay Maybelle yung nangyari. Naramdaman kong tumingin sakin si Shiela kaya tumingin ako sa kanya. Nginitian nya lang ako at tumingin ulit kanila Noimi. 

"Ako guys may aaminin ako sa inyo." napatingin kaming lahat kay Krystal. "Lesbian ako." nagulat kami sa sinabi nya. Hindi kasi halata sa kanya na isa syang lesbian, babaeng babae syang kumilos kaya nagulat kami sa nalaman namin.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now