Chapter 50

41.3K 890 116
                                    



Kill's POV

"You may kiss your wife." sabi ng pare at hinalikan ni Hans si Nathalie. Nagpalakpakan kami. After five years nilang pagsasama ay ngayon lang sila nagpakasal. Ang tibay nila, sa loob ng limang taon ay dalawang beses lang daw sila nag-break pero nagkabalikan din naman. Iniisip ko nga na hindi talaga break 'yon kundi away lang. Nung araw na nagbreak sila ay ayun din ang araw na nagkabalikan sila, kaya hindi talaga break matatawag 'yon. 

Iniisip ko kung sino naman kaya ang sunod na magpapakasal sa mga seniors.

Tumingin ako kay Avey sa tabi ko. Kami ni Avey kailan? hinihintay ko lang na iopen nya ang topic na 'yon tsaka ko lang sya tatanungin kung kailan nya na gusto maging Mrs. Lou. Alam ko naman na ine-ejoy nya pa ang pagiging Avey Walker nya at hindi rin naman ako nagmamadali na makasal kami dahil halos ngayon pa lang kami nagkakaroon ng oras sa isa't isa. Gusto ko lang na kahit papaano ay nakakapagplano na kami sa kasal namin. Hindi biro ang pagplano ng kasal.

"Shakers naman!" sigaw ni Buffy, ang captain nila tsaka sila lumapit sa mag-asawa at nagpapicture kasama ang bagong kasal.

"Kayo Ella kailan ninyo balak magpakasal? kayo ang matagal na magkarelasyon satin pero mas nauna pa namin kayo magpakasal." sabi ni Lexie kanila Ella.

"Kapag natanggap na kami ni Joey ng parents nya." may bahid na lungkot na sabi ni Ella. Akala ko wala silang problema sa relasyon nila dahil halatang masaya ang relasyon nila. Ayun pala ay meron at ayun ay hindi sila tanggap ng parents ni Joey. Mahirap talaga na matanggap sa isang pamilya na may gay silang anak, isang kahihiyan 'yon para sa kanila. Swerte na lang kung nakakaintindi ang mga magulang. Sa pilipinas kasi mga homophobic sila dahil kasalanan daw sa diyos ang magkagusto sa kapwa babae o lalaki. Hindi ba nila naiisip na pareparehas lang tayo ginawa ng diyos at sa mundong ito hindi lang ang babae at lalaki ang pwedeng mag-ibigan. Walang thrill kung puro babae at lalaki lang.

"Matatanggap din kayo nyan. So cheer up." pagpapalakas loob ni Juls.

"Eh kayo Avey? 'di ba engaged na kayo?" tanong ni V. Tumingin naman ako kay Avey.

"Sa ngayon ay hindi pa namin 'yan iniisip. Ine-enjoy pa namin na mag-girlfriends kami." sagot nya. Napangiti ako, hindi pa nga sya ready pero handa naman ako maghintay basta ang mahalaga ay akin na sya.

"Mga seniors!" tawag ni Hans.

"Maka-seniors ka naman." sabi Rei tsaka sila naglakad papunta sa bagong kasal. Napatingin ako kay Irene na lumapit sakin.

"Hello." nakangiting sabi nya, tinignan ko lang sya tapos tumingin ako kay Avey na kasama nila Rei. "Sorry." napatingin ako sa kanya. "Sorry doon sa ginawa ko."

"Sa tingin mo ganon lang kita kadaling patawarin?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay matagal ko na sya pinatawad simula nung nagkabati kami ni Avey. Tapos na rin naman 'yon, ayoko lang na napapalapit sya sakin dahil baka kung ano pa isipin ni Avey.

"Alam ko pero makapag-sorry lang ako sayo sa ginawa ko kahit hindi mo ako patawarin ay ayos lang." tinignan ko lang sya saglit at binalik ang tingin kay Avey.

"Bakit mo ba 'yon ginawa?" tanong ko sa kanya na hindi sya nililingon.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong gusto ko si Avey?" agad akong napatingin sa kanya. May gusto sya kay Avey? pero bakit ako ang nilalandi nito? takang tumingin ako sa kanya pero sya ay tumingin kay Avey "Remember the first time we met? nabalita ko na ikaw ang dahilan kaya nag-break sila ni Warren dahil may gusto sayo si Avey at ganon ka rin sa kanya. Kaya tinignan ko kung ano bang nagustuhan sayo ni Avey. Parehas naman tayo ng ugali pero mas cold ka nga lang. Nung nagkita tayo, 'di ba kinindatan kita? ginawa ko lang 'yon para malaman ko kung isa ka sa mga ganda lang ang hanap. At doon sa tagaytay? ayun din ang dahilan."

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now