Chapter 27

38.3K 1K 645
                                    



Kill's POV

Dumilat ako pero napapikit din dahil kumirot ng kaonti ang ulo ko. Kaonti lang ang ininom ko kagabi pero sumakit pa rin ang ulo ko. Tumingin ako sa katabi ko na ang himbing ng tulog. Hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti. Bumaba ang tingin ko sa katawan nya. Exposed ang dibdib nya kaya agad akong napaiwas ng tingin at inangat ang kumot.

Inabot ko ang tshirt sa ibaba ng higaan at isinuot. Bumaba ako ng higaan at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, tulog pa rin sya. Nagbihis ako ng simpleng damit. Lumapit ulit ako kay Avey pagkatapos kong magbihis. Naupo ako sa higaan at tinignan sya.

"Siguradong sasakit din ang ulo mo pagkagising mo." sabi ko. Pagkatapos ng make-out namin kagabi, ang dami nyang nainom dahil sinabayan nya sila Scarlette na nagwalwal talaga kagabi. Anong oras na rin kaming nakauwing lahat. Halos lahat sila tumba, tanging kami lang nila Ella at Juls ang hindi uminom ng madami kaya kaming tatlo ang naghirap para isakay sila sa sasakyan at ipasok sa mga kwarto nila katulong ng mga kasambahay nila Avey.

Si Avey nagising pagkarating sa bahay. Imbis na dumiretso sya sa kwarto nya, sa kwarto ko sya pumunta. Mabuti na lang walang nakakita sa kanyang pumasok sa kwarto ko dahil busy kaming lahat. At ang akala ko, matutulog na kaming dalawa dahil nakainom sya at pagod na rin ako pero si Avey 'yan, gagawin nya kung ano ang gusto nya.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa kusina nila. Si Anya pa lang ang naabutan ko kasama si Sasha na binigyan sya ng kape.

"Ano? walwal pa?" tanong ko sa kanya at naupo sa tapat nya.

"Ang sakit ng ulo." sabi nya at hinawakan ang ulo nya gamit ang dalawang kamay nya. "Hindi na ako iinom." parehas kaming natawa ni Sasha sa sinabi nya.

"Hindi ako naniniwala." sabi ko at bumaling na ng tingin kay Sasha. "Pwedeng pahingi ako ng gamot at tubig?"

"Sige po. Kape po ayaw ninyo?" umiling ako tsaka sya umalis. Bumaling ako ng tingin kay Anya.

"Sigurado yung iba sasakit din ang ulo. Mas madaming nainom ang mga 'yon sakin eh." sabi nya habang hinihilot ang sentido nya.

"Lahat naman kayo." sabi ko.

"Shete. Ayoko na talaga." sabi nya pero umiling lang ako dahil hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi nya.

Dumating si Sasha dala ang hinihingi ko. Nagpasalamat ako sa kanya at tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Anya.

"Babalik sa kwarto, ayoko marinig ang mga reklamo nila at baka masapak ko lang sila." sabi ko. Ayoko sabihin na nasa kwarto ko si Avey at totoo rin ang sinabi ko. Iinom inom sila tapos magrereklamo sila na masakit ang ulo.

"Iready mo na ang mga gamot, Sasha. Lahat sila kailangan n'on." sabi ko kay Sasha na ikangiti nya.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay nakaupo si Avey habang hawak ang ulo nya. Napailing ako at isinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at naupo sa higaan.

"Oh. Inumin mo nang mawala 'yang sakit ng ulo mo." sabi ko. Kinuha nya naman 'yon at ininom. Pagkatapos nyang inumin, ibinalik nya ang baso sakin. Iniligay ko naman sa ibabaw ng drawer ang baso. Nagulat ako nang hilain nya ako pahiga kaya pumaibabaw ako sa kanya pero half body lang.

"Tulog pa tayo." mahinang sabi nya pero narinig ko pa rin. Lumayo ako sa kanya at humiga sa tabi nya. Agad naman syang sumiksik sakin. Hindi ko pinansin ang hubad nyang katawan na idikit nya sakin dahil baka kung saan na naman kami umabot.

Kinuha ko ang phone ko at nagcheck ng twitter. Unang bungad sakin ang kakapost lang ni Ella na picture na silang dalawa ni Joey. Si Ella humihikab tapos si Joey nakahawak sa ulo. May picture rin na pinost kagabi si Juls na puro taob ang buong team, halatang lasing na lasing. Iniisip ko kung okay lang na ipost nila 'yon dahil sikat sila sa pilipinas at kung ano pa ang masabi sa kanila.

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon