Chapter 14

44.1K 1.3K 262
                                    



Kill's POV

"Ang sakit ng lalamunan ko." napatingin ako kay Ella na umupo sa tabi ko. Nasa isang kainan kaming lahat ngayon para kumain pagkatapos naming maligo. Kaonti pa lang kami rito at lahat sila ay mga nakasubsob sa lamesa.

"Sumigaw sigaw ka ba naman at magmura ng malutong." sabi ni Ate Kiwi habang nakasubsob sa lamesa. Katabi nya si Ate Rita na kalong-kalong si baby Rico. Katapat namin sila ni Ella.

"Eh paano naman kasi..." reklamo ni Ella. "Mabuti na lang talaga nakaganti ako kay Avey. Muntik na ako maihi sa short ko sa sobrang takot." natawa ang mag-asawa.

"Pero masyado ninyong sinaktan si Avey. Lahat kayo gumanti sa kanya." sabi ko. Umangat ng tingin si Ate Kiwi na may ngisi sa mukha. Hindi ko gusto ang ngising nyang 'yon.

"Concern." sabay na sabi nilang tatlo. Inirapan ko sila at nagsitawanan naman sila.

"Puyat yung tao, hindi ninyo dapat sinaktan." sabi ko. Tinignan ko si Ate Kiwi na humalumbaba sa lamesa.

"Bagay kayo ni Avey." sabi nya na nakangiti. Inirapan ko ulit sya. "Seryoso."

"Tigilan ninyo 'yan." saway ko.

"K!" sabi nya pero nakangiti pa rin.

Hindi ko na lang sya pinansin. Kung ano-ano ang mga napapansin nila.

"Speaking of the devil." napatingin kami ni Ella sa likuran namin.

"Hey." nakangiting bati ni Avey. Hinawakan nya ang balikat ko. "Sinabi ni Tito na bigyan ka na lang ng dinner date mamaya. Good for two. Hanap ka na ng ka-date mo at yung isang gift mo pa, to follow na lang." tumango ako sa kanya, bumaling sya ng tingin kay Ella. "Ikaw na bahala rito at bukas. Tapusin ko lang yung ginagawa ko." sabi nya.

"Anong ginagawa mo, Avey?" tanong ni Ate Rita. "Pansin ko na kulang ka sa tulog. Kanina hindi ka man lang nagising nung ginigising namin kayo."

"Nagkaroon ng problema sa company namin sa America. Since ako ang nakakaalam patakbuhin 'yon, ako ang umaasikaso." sabi ni Avey. Kaya ba lagi syang nakaharap sa laptop nya.

"Mabuti napagsasabay mo ang basketball at 'yan." sabi ni Ate Kiwi. "Kaya nga ako tumigil sa pagba-basketball dahil hindi ko na mapagsabay eh."

Hindi sumagot si Avey pero ngumiti sya.

"Sige, balik na ako." sabi ni Avey. Pinisil nya muna ang balikat ko bago sya umalis.

"Bakit feeling ko..." mahinang sabi ni Ella pero hindi nya naman tinuloy.

Dumating na ang iba namin kasamahan at panay ang kwento nila sa nangyari sa bahay. Ang iingay na nila at inaacting pa nila Ashley yung mga nangyari. Mabuti na lang naka-reserve ang restaurant samin kaya okay lang na mag-ingay sila.

"Sino ang ida-date mo mamaya?" nakangising tanong ni Ate Rita. "Si Scarlette? Hindi available si Avey eh." natawa ang mga taong nasa table namin. Sila Juls, Joey at Ate Mikmik ang dumagdag sa pwesto namin.

"Pwede rin. Gusto ko pang makilala si Scarlette." sabi ko. Nagtilian silang lahat tapos si Ate Mikmik niyugyog pa ako.

"Oh my gosh Kill!" kinikilig na sabi ni Ate Mikmik.

"Pag-ibig na itech." sabi ni Juls. Nailing na lang ako sa kanila. 

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay bumalik ako sa kwarto para magpahinga. Hindi ko na tinanong pa ang iba kung saan sila pupunta. Niyaya ko na rin si Scarlette na kakakain kami mamaya. Tuwang tuwa naman sya dahil magkakaroon kami ng time.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now