Chapter 52

37.7K 937 106
                                    



Avey's POV

Pumasok ako ng kwarto namin at nakita kong malalim na naman ang iniisip ni Kill. Napabuntong hininga ako na nakatingin sa kanya. Three days na nakakaraan simula nung nangyari ang aksidente ay laging tulala o malalim ang iniisip ni Kill. Naghihinayang pa rin sya sa buhay ng mga magulang ni Aiden, ayaw nya nakakakita na namamatay sa harapan nya kaya sya nagkakaganyan.

Si Aiden ay nasa hospital pa pero uuwi na rin bukas. Inampon na sya ni Kill at pumayag naman si Aiden na si Kill na ang bago nyang magulang. Medyo nahirapan pa maampon ni Kill si Aiden dahil single sya pero nung sinabi nyang engaged na sya sakin ay doon na pumayag ang DSWD, at mayaman naman si Kill kaya talagang papayag sila.

Binigyan namin ng maayos na libing ang parents ni Aiden. Lumabas saglit ng hospital si Aiden nung nilibing ang parents nya para sa huling sandali ay nakapagpaalam sya. Yung araw rin 'yon ay buong araw umiyak si Aiden sa room nya sa hospital. Hinayaan namin sya pero hindi namin sya iniwanan.

Sa three days na 'yon ay hindi dumalaw si Kill kay Aiden. Lagi lang syang nakakulong sa kwarto. Naawa daw sya kay Aiden dahil wala na syang mga magulang sa murang edad ni Aiden at nahihiya sya dahil hinayaan nyang mamatay ang mga magulang ni Aiden. Sinabihan na sya ni Aiden na hindi nya kasalanan ang nangyari, ginusto ng papa nya na makasama ang mama nya kaya naiintindihan nya 'yon. Nagpapasalamat pa nga si Aiden sa kanya dahil niligtas nya ito at inampon pa. Kaya walang dapat na ikabahala ni Kill.

Siguro hindi pa nakakamove on si Kill sa nangyari kaya hanggang ngayon apektado sya.

Lumapit ako sa kanya. Hindi nya ata ako napansin dahil hindi nya ako nilingon. Tumabi ako sa kanya sa kama at niyakap sya. Doon lang sya tumingin sakin.

"Hindi ka pa rin ba nakakamove on sa nangyari?" tanong ko sa kanya. Nagbuntong hininga sya at niyakap ako.

"Sorry, iniisip ko lang si Aiden." sabi nya at hinalikan ako sa noo. Tumingin ako sa kanya.

"Kung ikaw iniisip mo sya, sya naman ay iniisip ka. Tatlong araw mo na syang hindi dinadalaw, nagtatampo na sayo ang bata. Iniisip nya tuloy kung galit ka ba sa kanya dahil hindi mo sya dinadalaw." 

"Again sorry."

"Hindi ka dapat sakin magsorry, doon sa anak mo." diniin ko ang salitang anak para naman maisip nya na may isa pa syang responsibilidad.

"Nah. Anak natin." sabi nya at ngumiti. Ngumiti ako sa kanya, after three days ay nakita ko ulit syang ngumiti, lagi kasing nakabuntong hininga.

"So dadalawin mo na ang anak natin?" sabi ko na nakangiti. Sarap lang pakinggan na may anak kami kahit hindi namin kadugo. Alam naming hindi kami magkakaanak pwera na lang kung gagamitin ng IVF pero siguro tsaka na muna 'yan, itutuon muna namin ang attention kay Aiden.

"Bukas na kapag susunduin na sya. Sayo muna ako baby." sabi nya at sumubsob sa leeg ko. Nagulat ako nung hinalikan nya ako sa leeg kaya naitulak ko sya. Nginisian nya ako.

"Baby naman." sabi ko at nag-pout, bigla nya naman ako hinalikan pero smack lang.

"May joke ko." 

"Ano?"

"Ang panget mo." sumimangot ako. "What? sabi ko may joke ako ah." she giggled. Hinampas ko sya sa braso. Tinawanan nya lang ako at niyakap.

"Pagkain ka ba?" tanong nya pero mukhang banat.

"Hindi." sagot ko, napapoker face sya kaya natawa ako. Asar talo talaga.

"Baby." banta nya. Hinalikan ko ilong nya.

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon