Chapter 32

35.1K 1K 173
                                    



Dom's POV

"Kill!!" tawag ko sa kanya at lumingon naman sya. Napangiwi ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na ganon talaga syang tumingin. Yung tingin na walang kabuhay buhay. Hanggang kailan ba sya ganyan? Hindi ba uso sa kanya ang past is past?

Tinalikuran nya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Paano kaya kami makakabuo ng team kung puro sya ganyan? Isang taon na pero kaming dalawa pa rin ang magka-team. Napabuntong hininga na lang ako.

Nakilala ko si Kill nung nakita ko sya na naglalaro mag-isa ng basketball. Nung una natatakot akong lapitan sya dahil grabe naman kasi ang aura nya. Titignan ka lang nya ay parang nakakamatay na at tipid pa syang magsalita. Yung pangalawa namin pagkikita, nagulat ako nung lapitan nya ako at sinabi na sumali raw ako sa team nya. Akala ko may team na sya, ayun pala ay gagawa palang sya. Dahil gusto ko ang paglalaro ng basketball, pumayag ako at naghanap kami ng iba pang makaka-team but sad to say, walang kaming makita dahil puro pabebe ang mga tao rito.

"Alam mo, sa sobrang cold mo ay wala tayong makukuhang ka-team nyan eh." sabi ko pero as usual ay hindi na naman ako pinansin. Bakit kaya nagtagal ako sa kanya 'no? Hindi makausap ng matino tapos dedma ako palagi.

"Let's play one-on-one." malamig na sabi nya. Nag-pout ako, naghahamon pa sya eh hindi ko nga sya matalo talo. Nang-aasar din ito eh.

"May naglalaro na pala oh, tara uwi na tayo." hinila ko agad si Kill pagkakita ko sa court na may naglalaro na. Ayoko talagang makipaglaban ulit kay Kill, napapahiya ako eh! Kahit kailan hindi pa ako nanalo sa kanya.

"No, wait. Mga babae ang naglalaro. Let's watch them." sabi nya at iniwanan ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa kanya!

"Oh yeah~!" sabi nung babaeng na naka-jersey number double zero.

"Naknang Sam! Wag ka ngang gumanon!" sabi ng isa na naka-jersey rin at number eleven ang nakaligay sa likuran nya. Hindi magkaparehas na jersy ang suot nila.

"What?" natatawang sabi ni Sam ayon sa babaeng tumawag sa kanya.

"Kadiri ka." natawa na lang si Sam sa babae.

"Game na!" tumingin ako sa isa pang babae na naka-tshirt lang na white. Bali apat silang naglalaro. Yung isa ay nakasando lang na red.

Pinanood namin ni Kill ang laro nila. Yung dalawang naka-jersey ang magka-team habang yung naka-tshirt at sando naman ang magka-team. Hawak ng naka-white shirt ang bola tapos ay pinasa nya sa nakasando. Binantayan naman ni Sam ang nakasando. Habang drinidribble ang bola, humahanap din ng pagkakataong makalagpas ang nakasando kay Sam pero mahigpit ang bantay ni Sam kaya wala ng choice ang nakasando at pinasa na lang sa naka-white shirt ang bola. Nakapagtres naman agad ang naka-white shirt dahil malayo rin ang isang babae sa kanya. 

"All three." nang-aasar na sabi ng nakasando.

"Wag masyadong hot, Erin baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na painitan ka lalo." sabi ni Sam kay Erin daw na nakasando. Medyo hindi kagad pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sam. Para kasing double meaning lalo na ang way ng pagkasabi nito.

"Yuck! Bwisit ka talaga Sam! Dinudumihan mo utak namin!" sabi ng kakampi ni Sam. Mukhang parehas kami ng naisip.

Natawa si Sam. "Ano ba kasing iniisip nyo? Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko, baka painitin ko ang laro ni Erin. Ikaw huh Cyril, kung ano-ano iniisip mo huh." sabi ni Sam.

Sumabay sa tawa ni Sam ang naka-white shirt. "Ayus ayusin mo kasi 'yang sinasabi mo. Alam naman nating apat na ikaw ang madalas manood ng porn dito kaya yung mga sinasabi mo laging may double meaning." sabi ng naka-white.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now