Chapter 3

81.8K 1.8K 1.3K
                                    


Kill's POV

Pumwesto na kami ni Avey sa court. Half court lang ginamit namin dahil kaming dalawa lang naman ang maglalaban. Ibinigay nya sakin ang bola at sinabing ako na ang mauna.

"Let's enjoy this game, okay?" sabi nya at kinindatan na naman ako. Hindi ko sya pinansin. "Ang cold naman. Anyway, let's have a deal para naman maseryoso mo ang laro natin." tinignan ko na sya. "Kapag nanalo ka, exempted ka sa training bukas pero kapag nanalo ako, double ang training na gagawin mo bukas. Deal?"

"Wala naman akong choice hindi ba?" sabi ko.

"Well..." inirapan ko ito. 

Pinasa ko sa kanya ang bola at pinasa nya sakin pabalik. Drinibble ko ang bola, malayo sya sakin kaya tumakbo ako papunta sa ring pero mabilis nya akong hinarangan. Binalak nyang tapikin ang bola kaya pinasa ko mula sa likod ang bola papunta sa kaliwa kong kamay. Umatras ako at pa-V kong pinasa ang bola papunta sa kanan ko at papunta ulit sa kaliwa tsaka ko sinubukan makalagpas sa kanya. Nagawa kong makalagpas pero nahawakan nya ang bola kaya nag-bounce ito sa ibang direction na mabilis nyang kinuha. Hinarangan ko agad sya. Nayayamot ako sa nakangiti nyang mukha kaya binigla ko syang tapikin ang bola pero mabilis ang reflection nya dahil naipasa nya sa kabilang kamay ang bola. Umatras sya at tumalon, napatalon din agad ako pero hindi ko na nagawa pang iblock ang bola. Tumingin ako sa ring. Pasok.

"1-0." ngising sabi nya at pinasa sakin ang bola, drinibble ko 'yon. "Siguro kapag may kasama tayong iba, naipasa mo agad sa kanila 'yan. Ang bilis mo kasing magpasa ng bola." sabi nya.

Tinignan ko lang sya at tinantsa ang layo ng agwat namin. Nginitian na naman nya ako. Tumalon ako at itinira ang bola. Hindi nya ata 'yon inaasahan dahil hindi nya ako napigilan pero ang makitang nakangiti pa din sya ay para akong nainsulto. Hinayaan nya ba akong makatira?

"Bear magaling ka pala magtres!" sigaw ni Bear.

"Dapat ginawa mo kanina 'yan!" sigaw ni Krystal.

"Nice one, hindi ko ine-expect 'yon ah." sabi ni Avey. Tinignan ko sya ng mabuti kung totoo ba ang sinasabi nya pero nakangiti lang sya palagi kaya hindi ko sya mabasa.

Nag-dribble sya at akmang ititira ang bola. Hindi sya tumalon kaya alam kong hindi nya 'yon ititira pero itinaas ko pa rin ang kamay ko kung sakaling itira nya nga. Agad nya ibinaba ang mga kamay nya at nilagpasan ako, mabilis ko syang sinundan. Tumalon sya para maglay-up pero malakas kong hinampas ang bola.

"Woah!!" sigaw nila.

"Supalpal si Avey!" sigaw ni Juls.

Tinignan ko lang si Avey na para bang wala lang sa kanya ang pag-block ko sa kanya. Kinuha nya ang bola at pumunta sa three points line. Nakangiti pa rin sya. Drinibble nya ang bola kaya hinarangan ko na sya. Mahigpit ang bantay ko sa kanya na kahit saan sya pumunta ay nahaharangan ko hanggang sa maubos ang oras nya. Kung ano-ano ang komento nila Juls kay Avey pero nakakitbitbalikat lang ito habang nakangiti.

Ibinigay nya sakin ang bola. Tinignan ko muna ito bago idribble ang bola. Pumunta ako sa kaliwa nya kasabay ng pagpasa ko ng bola papunta sa kanan ko mula sa likod. Mukhang nakita ni Avey 'yon kaya hinarangan nya agad ang kamay nya sa kanan. Pinadaloy ko sa pagitan ng hita nya ang bola tsaka ako lumagpas sa kanya. Hinabol ko ang bola at naglay-up ako nang biglang tumalon si Avey at hinarang ang kamay sa ring pero ibinaba ko yung kamay ko at sa likod ng braso nya ako naglay-up. Pumasok ang bola sa ring.

"Nice lay-up Kill!" rinig kong sigaw ni Noimi.

"Wow. Sinasabi ko na nga ba may tinatago kang galing." sabi ni Avey pero hindi ko ito pinansin. Binigay ko sa kanya ang bola at lumapit sa kanya ng kaonti. Natawa naman sya. "Ang seryoso mo naman." tinignan ko ito.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now