Chapter 26

41.1K 1.1K 466
                                    


Kill's POV

"Grabe Abby ang laki ng bahay ninyo. Mag-isa lang dito si Avey?" tanong ni Ashley. Ang laki nga na bahay nila na mukhang mansion pa ata sa laki. Hindi kaya sila naliligaw dito?

"Hindi naman, may mga kasamang bahay kami rito." sagot ni Abby at naunang pumasok sa loob. Sumunod na lang kami sa kanya.

"Ma'am Abby!" may isang kaedad namin na tumawag kay Abby.

"Sasha!" sigaw ni Abby at niyakap yung Sasha daw.

"Wow, ang ganda nya." napatingin kami kay PJ.

"Laway mo tumutulo na." asar ni Zeke.  Agad naman pinunasan ni PJ ang bibig nya na wala namang laway.

"Wala naman ah!" natawa na lang sila kay PJ. Napaghahalataan.

"Sige po." sabi nung Sasha tsaka umalis.

"Abby, pakilala mo raw si PJ kay Sasha." sabi ni Lexie.

"Oy wala akong sinasabi ah!" natawa sila dahil namumula ang mukha ni PJ.

"Tara sa dining area kumain muna tayo bago magpahinga." sumunod ulit kami sa kanya papunta sa dinning area nila.

Madami pasikot-sikot bago kami nakarating sa dinning area nila. Talaga ngang napakalaki at napakalawak ng bahay nila.

"Wow! Daming pagkain!" sigaw ni Lexie, kinurot sya sa tagiliran ni Sun.

"PG ka talaga." sabi ni Rei.

"Weh parang sya hindi." asar ni Hans.

"Pare-pareho lang kayo. Maupo na kayo para makakain na tayo." sabi ni Ella kaya naupo na sila. Nilapitan ko si Abby.

"Abby, saan yung banyo?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-ihi ko.

"Samahan na kitang pumunta doon, baka maligaw ka pa." sabi nya pero pinigilan ko sya.

"Hindi na, kailangan ka ng mga 'yan tsaka hindi naman ako madaling maligaw." sabi ko.

"Okay, labas ka lang ng dinning area tapos kaliwa ka at diretsohin mo 'yon. Sa pangalawang kanto, kumanan ka at makikita mo doon ang puting pinto, 'yon ang banyo" sabi nya. Tumango ako at umalis.

Sinundan ko ang sinabi ni Abby. Kahit dalawang kanto lang bago lumiko, ang haba ng lalakarin. Napapatingin ako sa mga paintings sa pader. Sobrang daming paintings at ang gaganda ng pagkakagawa. Tinignan ko ang pirma ng painters.

YEVA. Isang tao agad ang naisip ko rito.

Naglakad ulit ako at tumungo sa banyo. May lumabas na babae kaya nagtanong ako kung banyo ba talaga 'yon.

"Ate d'yan po ba ang banyo?" tanong ko sa babae.

"Ah filipino ka rin?" nagtaka ako kung bakit sya nagulat tsaka ko lang naalala na nasa America pala kami. Mabuti na lang isang filipino rin ito. "Ah yung banyo sira po ngayon ito." sabi nya.

"Ganon po ba? Eh saan po ba pwedeng magbanyo?" tanong ko dahil kanina ko pa talagang gustong magbanyo.

"Ah sa taas, tara samahan kita." tumango ako at sumunod sa kanya.

Umakyat kami sa pangalawang palapag pero mahaba pa rin ang nilakad namin. Bakit ang laki ng bahay nila tapos hindi naman masyadong matao?

"Dito na ang banyo." sabi nya. Nagpasalamat ako sa kanya bago sya umalis. Pumasok ako sa loob ng banyo.

Tumingin ako sa buong banyo. Hinanap ko ang toilet tsaka ko ginamit. Naghugas ako ng kamay pagkatapos umihi. Biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako sa salamin, nagulat ako miski sya nagulat pero nawala rin agad at ngumiti. Pinunasan ko ang kamay ko bago humarap sa kanya.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now