Chapter 47

42.4K 1.1K 299
                                    



Third Person's POV

"Parating na si Avey!" sigaw ni Rei at nagmadaling nagsikilos ang lahat at pinatay ang mga ilaw pero naiwang nakabukas ang ilaw na nasa gitna.

"Ano ito? Ang lambot." sabi ni Ashley habang pinipiga ang hawak nyang malambot. Sa sobrang dilim sa pwesto nila ay hindi makita ni Ashley kung ano hinahawak nya, hindi nya alam dibdib na ni Erin ang hinahawakan nya.

"Ashley!" sigaw ni Erin at binigyan ng batok si Ashley. Napaaray naman si Ashley dahil don.

"Shhh!" saway ni Dom sa dalawa.

"Sakit naman non Erin." mahinang sabi ni Ashley.

"Ikaw naman kasi!" sabi ni Erin mabuti na lang madilim sa pwesto nila kaya hindi makikita ang pulang pulang mukha ni Erin.

Tumahimik ang lahat nang bumukas ang pinto ng gym. Nakita nilang pumasok si Avey na may pagtataka sa mukha.

'Bakit ang dilim?' tanong ni Avey sa sarili nya. Nakatayo lang sya sa tabi ng pinto habang tumitingin sa paligid.

"Guys nasaan kayo?" tanong ni Avey pero walang sumagot sa kanya. Naglakad sya sa gitna ng gym kung saan may ilaw.

"Start na!" bulong ni Rei kay Lexie. Nag-go signal sya sa mga kasama nila kaya ang ibang Dragon Empire at Miracles na naka-assign sa spotlight ay itinutok sa mga kasamahan nilang nakasakay sa bike sa likuran ni Avey. Napalingon si Avey sa kanila. Nakita nya ang mga ka-batchmate nya sa camp.

Tumugtog ang speaker na may hype na kanta. Sinimulan ni Ella at Juls ang pag-andar ng bike kasunod ng iba na sinusundan ng spotlight. Nagulat ang karamihan na mag-stunt si Lexie at V. Hindi nila inaasahan na magaling mag-stunt sa bike ang dalawa. Namatay ang spotlight pero binuksan naman ng mga nakasakay sa bike ang LED light nila na may kulay na red, blue, green at yellow. Pumaikot ang mga nakasakay sa bike kay Avey. Namangha ang lahat sa nakikita nila. Parang mga fireflies ang umiikot kay Avey. Naghiwalay hiwalay ang mga nakasakay bike. Nag-iba ang kulay ng LED light nila. Naging dilaw lahat. Itinaas ng mga nakasakay sa bike ang isang kamay nila na may hawak na LED light na dilaw ang kulay. Para na itong fireflies na lumilipad sa dilim. Ilang sandali lang ay pumaikot ulit sila kay Avey. Bumukas ang spotlight at sinundan ang mga nakasakay sa bike. Nagsaboy ng rose petal ang mga nakasakay sa paligid ni Avey.

Namangha si Avey sa nakikita. Hindi nya maiwasan matuwa at humuhuli pa ito ng petals na bumabagsak. Napapangiti naman ang mga kasamahan nya dahil nakikita nila na masaya si Avey sa ginawa nila. Pagkatapos ng bike play ay itinapat nila ang spotlight sa stage ng gym. 

Nakita nila na nakatalikod sina Sam, Maki, Anya at Zeke. Nagsimulan tumugtog ang Twerk it like Miley. Naghiyawan naman ang iba pagkarinig ng kanta. Nagulat si Avey dahil sa narinig nya. Napalingon sya sa paligid. May naanigan sya na tao sa dilim.

Hey, girl, this your song, let's see that badonkadonk
I'm a try to do the things that you don't
Baby, it's your party, I just wanna play
What's that sound? What's that thang that's got me like wow?
I'm tryna beat beat it up twelve rounds
Girl, look at that body, I just gotta say

Halos tawa ng ibang Dragon Empire at Miracles na nonood pati ang parents nila Kill ang naririnig sa gym dahil nung humarap ang apat ay nakamaskara sila na mukha ni Kill lalo na nung nagsimula silang sumayaw.

When you back back back back back it up
And you drop it down low
And you pick pick pick pick pick it up
Girl, I'm ready to blow
I'm a stack stack stack stack stack it up
And I'm spending it all
When I throw throw throw throw throw it up

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now