Chapter 53

37.8K 850 69
                                    



Kill's POV

Tumigil ako sa pagjogging nang makaramdam ako ng pagod. Twenty minutes pa lang akong tumatakbo ay pagod na kagad ako lamang dati ay mahigit isang oras bago ako mapagod. Sa tagal kong hindi tumatakbo ay hindi sanay ang katawan ko.

Pinakiramdaman ko ang kaliwang paa ko. After three months ay nakakalakad na rin ako na walang gamit na saklay. Hindi ko alam kung mabilis pa akong kumilos sa laro dahil ngayon pa lang ay napapagod na ako. Hindi muna ako pinaglaro ni Avey simula nung hindi na ako gumamit ng saklay. Pinasanay nya muna ang paa ko kaya pinagjo-jogging nya.

Nagsimula na rin ang Summer Cup kaya may pagkakataon na akong makalaban ang Dragon Empire at Shakers. Sisiguruduhin kong kami ang mananalo sa finals kaya pinagbubutihan ko ang training ko bawat araw.

May malalambot na braso na pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako nung makita ko ang babaeng nagpapatibok ng puso kahit sa panaginip.

"Hindi mo man lang ako ginising." sabi nya na naka-pout. "Kamusta paa mo?"

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

"Good." at hinalikan ko sya sa labi nya. The best ever breakfast.

Kumawala kami at ngumiti sa isa't isa. Napatingin ako sa likod nya at kumunot ang noo.

"Iniwan mo si Aiden?" tinignan ko si Aiden na hingal na tumatakbo papunta samin.

"Nope, nagkarerahan kami and I won."

"Mukhang kailangan mo ng premyo." sabi ko at hinalikan muli sya. Damn. Hindi talaga ako magsasawang halikan ang mga labi ni Avey. Nakakaadik.

"Mommy! Mom! ang aga aga eh." tumigil kami at tumingin kay Aiden. Nginisian ko lang.

"Binigay ko lang ang prize nya dahil nanalo sya sayo." nag-pout si Aiden.

"Madaya si Mommy agad syang tumakbo wala pang-go." napatingin ako kay Avey.

"Madaya ka pala, ibalik mo ang premyo." sabi ko. Ngumiti sya at hinalikan ako. Nakangiting tumugon ako sa kanya at hinapit sya palapit sakin.

"Waah!" napatigil na naman kami dahil kay Aiden. Tumingin kami sa kanya at nakita syang nakatalikod samin at nakatakpan ang mga mata. Natawa na lang kami ni Avey.

"Kasalanan mo kapag naging playboy 'tong anak natin." sabi ni Avey. Humarap na samin si Aiden.

"Never! magiging honest ako sa magiging girlfriend ko katulad ni Mom." sabi ni Aiden, nakipag-apir ako sa kanya.

"So gagayahin mo rin ang Mom mo mahilig manghalik?"

"Of course!" natawa kami ni Aiden. That's my boy.

"Ewan ko sa inyo." sabi na lang ni Avey.

Nag-jogging na kaming tatlo at hindi lang jogging ang nangyari, naglaro pa kami ng mata mataya. Pagkatapos din mag-jogging ay bumalik na kami sa bahay at nag-almusal. Wala pang pasok si Aiden dahil bakasyon na kaya nakikisali na lang sya sa Miracle mag-practice pero tuwing pumupunta rito sila Rei ay naglalaro sila ni Prince ng video games o naglalaro sila sa labas. Magkasing edad lang naman sila.

"Maglalaro ka na?" tanong sakin ni Sam. Tumango ako at kinuha sa kanya ang bola. Tatakbo sana ako papuntang court pero hinarangan nya ako.

Napa-smirk ako. Nag-dribble ako at sinubukang makalusot sa kanya pero hindi ako makalusot. Mabagal pa ako. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin samin si Blue kaya agad kong pinasa sa kanya ang bola gamit ang misdirection. Nagulat sya kaya hindi nya nasalo.

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon