Chapter 25

37.6K 999 445
                                    



Kill's POV

"Ugh! Abby wag kang makulit." hinabol ko si Abby dahil kinuha nya ang ipit ko sa buhok.

"Come and get me!" inirapan ko sya at binilisan ko ang pagtakbo. Kapag nahuli ko talaga ito makakatikim ito sakin ng hampas.

"Ayiee!! ang sweet nila oh!" rinig kong katyaw ni Juls.

Hindi ko sila pinansin, may dapat pa akong habulin. Hindi purkit nililigawan ko sya ay pagbibigyan ko na sya. Ano sya sinuswerte? Yes, nililigawan ko na si Abby, napaamin kasi ako wala sa oras dahil kay Rachel. Nakakainis kasi sya kung makalapit kay Abby halatang pinagseselosan ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil nadala ako sa nararamdaman ko. Hindi sana ako aamin n'on kung hindi lang sumobra si Rachel. Hinalikan nya si Abby sa harapan naming team. Sa sobrang inis ko umalis ako ng lugar na 'yon at hindi ko alam na sumunod pala sakin si Abby, nasigawan ko pa sya n'on na ikinagalit nya sakin.

"Ara!! sandali!"

"What?!" nakita kong nagulat sya pero wala akong paki, naiinis ako dahil kay Rachel. Okay lang na lapitan nya si Abby eh kaso ang halikan nya? mamumura ko 'yon eh. Pero mas nainis ako sa sarili ko, hindi naman kami ni Abby pero kung maka-react naman ako wagas. Sigurado pinagtatawanan na ako ni Shiela sa inasal ko ngayon. Ugh! bwisit talaga.

"Bakit ka ba nagagalit?" may inis na tanong nya at hinawakan ang braso ko, winasik ko 'yon at naglakad palayo. "Ara! ano ba!"

"Pwede ba wag mo akong sundan, nakakairita ka eh." sabi ko na ikakunot nya ng noo. Bwisit. Bakit kasi ganito ako mag-react kada nagseselos ako? bwisit talaga.

"What the? matagal na kitang kinukulit tapos ngayon mo lang 'yan sasabihin? at tsaka bakit ka ba kasi bigla-bigla nagagalit? dahil ba sa halik ni Rachel?" natawa ako sa sinabi nya.

"Nagpapatawa ka?" kumunot ang noo nya. "Wala akong pakialam kung hinalikan ka ni Rachel, gusto mo 'yon 'di ba? ang saya mo nga kapag kasama mo si Rachel, paano pa kaya kung hinalikan ka 'di ba?" napangisi ako sa kanya. "Wag mo na akong lapitan, napaghahalataan kang malandi, ay hindi malandi ka na pala." hindi sinasadyang masabi ko 'yon sa sobrang inis ko. Alam kong masasaktan ko sya sa sinabi ko.

Nagulat ako na mabilis nya akong nasampal. Parang akong nabingin sa sobrang lakas ng pagkasampal sakin ni Abby. Siguradong bakat ang kamay nya sa pisngi ko sa lakas. Tinignan ko sya ng masama pero nawala rin 'yon nang makita kong umiiyak sya. Nanlambot ako sa nakita ko.

"Ano bang problema mo? hindi ikaw si Ara na nakilala ko...Ang Ara na nakilala ko kahit na sobra sobra na ang ginawa ko...hindi nya ako pagsasalitaan ng masama...at yung kay Rachel? hindi ko naman gusto na nalalapit sya sakin eh.. Kung alam mo lang na pilit kong lumayo sa kanya dahil natatakot akong magalit ka...pero bakit ka nga naman magagalit?..wala namang tayo...yung halik nya? nagulat din ako sa ginawa nya...kung hindi ka umalis n'on sana nakita mo kung paano ko sya sinampal sa ginawa nya...kaya wag mong sabihin na malandi ako dahil hindi naman." napakagat ko ng labi ko. Fuck. Ang tanga ko. Sobra akong nadala sa selos ko kaya nasabihan ko sya ng masama.

"I'm sorry...hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yon. Nadala lang ako sa init ng ulo kaya nasabi ko 'yon. Sorry." sabi ko sa kanya. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero baka ayaw nya dahil sa nasabi ko.

"Ano ba kasing problema? bigla-bigla ka na lang magagalit." bumuntong hininga ako at nilapitan na sya. Pinunasan ko ang luha nya.

"Sorry." sabi ko at nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. "Nagseselos kasi ako." pero sa huli ay sinabi ko pa rin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hinintay ko na magsalita sya pero wala akong narinig kaya tinignan ko sya. "Wala ka man lang bang sasabihin?"

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now