Chapter 23

34.9K 1K 164
                                    



Kill's POV

"Tita Iran!!" napangiti ako at sinalubong si baby Chichi. Kinalong ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Hey baby, do you miss Tita Iran?" tanong ko at sunod-sunod syang tumango.

"I missed you so much!" ngumiti ako at inayos ang buhok nya.

"Tita Iran missed you too." ngumiti sya at niyakap ako.

"How about me Tita Iran?" napatingin ako kay baby Mike na nakasimangot, hindi ko sya napansin na lumapit samin. Binaba ko si baby Chichi.

"Of course, Tita Iran missed you too, baby Mike." sabi ko at ginulo buhok nya, agad nya ako niyakap. Ang sweet talaga ng kambal na ito. Five years old na ang dalawa. Kung ang ibang bata ayaw na tinatawag na baby, ang dalawang ito, hindi pwede walang baby sa itatawag sa kanila.

"Nasaan daddy ninyo?" tanong ko sa dalawa.

"I'm here princess." umangat ang tingin ko. Napangisi ako.

"Baka naman nasundan na yung kambal tapos kambal ulit." ngising sabi ko. Nakita kong namula si Ate Michelle habang si Kuya Techi ay nakangiti lang. Parehas kasing gusot ang damit nila. Halatang may ginawa bago bumaba.

"Hoy Kuya Techi, princess!" tumingin kami kanila Kuya Kyle kasama si Kuya Tristan at Tairon. Kakadating lang nila. Hindi kami sabay na pumunta rito dahil may sasakyan naman ako at sila.

"Mga Tito's!" sigaw ng kambal at tumakbo papunta kanila Kuya.

"Mga baby ko!" sabi ni Kuya Kyle at kinalong ang kambal.

"Anak nila Kuya Techi 'yan kaya hindi mo sila baby wala ka pa ngang girlfriend eh." asar na sabi ni Tairon.

"For your information, may girlfriend kaya ako." napataas ang kilay namin. May pumatol pa kay Kuya Kyle? Loko-loko kaya ito.

"Ang malas naman ng babaeng 'yon." sabi ni Kuya Tristan.

"Ang malas? Ang swerte kaya nya dahil may gwapong boyfriend sya." sabi ni Kuya, nailing na lang kami.

"Sino ba yung girlfrined mo, Kuya Kyle?" tanong ni Tairon.

"Si Ali." sagot nya at hinalikan ang kambal sa pisngi. Natuwa naman ang dalawa at hinalikan din si Kuya.

"Ali ng Dragon Empire?" tanong ni Kuya Tristan. Tumango si Kuya Kyle. Girlfriend ni Kuya si Ali? Wow, hindi ko inaasahan na si Ali ang girlfriend ni Kuya.

"Nasaan sila Dad?" tanong ko kay Kuya Techi.

"Nasa kusina si Mom tapos si Dad nasa garden." tumango ako at nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko si Mom.

Nakita ko si Mom na nagluluto mag-isa. Ang dami na nyang nailuto pero nagtataka ako kung bakit sya lang nagluluto.

"Hi Mom." bati ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Nandito ka na pala baby girl. Nandito na rin ba sila Kyle?" tanong nya habang nagluluto. "Paabot." sabi nya. Kinuha ko naman ang pinapaabot nyang mangkok.

"Opo." sagot ko. Kumuha ako ng isang piraso ng manok at isinubo.

"Si baby Scarlette?" tanong nya. Muntik ko na mabuga ang kinakain ko dahil sa tawag nya kay Scarlette.

"Dumiretso sa banyo. Kanina pa sumasakit tiyan nya sa byahe." sabi ko. Nagpunta ako sa ref. para kumuha ng tubig pero nakakita ako ng juice kaya ayun ang kinuha ko. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice. "May family dinner tayo kasama ang Walker, Mom?" tanong ko. Pagsisigurado ko.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now