Chapter 34

37.1K 1K 393
                                    



Dom's POV

"Makaka-teammates kaya natin sya?" tanong ni Cyril. Nandito kami sa sala ng bahay nila Kill. Naghihintay na dumati ang pagkain. Nasa garden naman si Kill at si Ashley.

"Sana, para may pang sub tayo kapag hindi maglalaro na naman si Kill." sabi ni Sam habang nilalatak ang ubas na nasa coffee table.

"Sige Sam, ubusin mo na 'yan. Nakakahiya naman eh." sabi ko.

"Kahit saang bahay talaga wala kang hiya." sabi ni White. Natawa kami, isa sa maganda sa barkada yung may isa walanghiya.

"Ako na naman napagdistahan nyo." sabi nya tapos may tumalsik sa bibig nya.

"Eww!" sabay-sabay na sabi namin ng apat.

"Kadiri ka talaga Sam!" sabi ni Cyril.

"Hoy! Para namang hindi nangyayari sa inyo 'yon. Walang taong perpekto!" sabi ni Sam. Aba humuhugot.

Tumingin ako kanila Kill na nasa garden. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.



Ashley's POV

"Nasabi na samin ni Abby ang nangyari." sabi ko. Naramdaman kong tumingin sya sakin kaya tumingin ako sa kanya. "Hindi kita masisisi kung umalis ka n'on. Masakit talaga ang lokohin." dagdag ko.

"Kailan nya sinabi?"

"Three days after you left." tumango sya ng isang beses at tumingin ulit sa kawalan. Ang tahimik nya lalo kaysa nung una sa camp. "Alam mo ba, sila Shiela at Noimi ang unang nagalit kay Abby. Si Rachel tahimik lang pero si Dani, kung nakakamatay lang ang tingin for sure patay na si Abby. Ang OA pala magalit nila Shiela at Noimi. May tumatalsik at ang daming pinagsasabi." natatawang kwento ko. "Pero yung pinagsasabi nila ay sapul kahit hindi para samin ay tinatamaan kami. Lalo na kanila Scarlette at Jacey, tinamaan daw sila ng sobra." pagkwe-kwento ko.

"Kamusta naman sila ni Gail?" tumingin ako sa kanya. Ang layo ng tanong nya sa sinabi ko.

"Going strong sila." sabi ko. Hindi sya sumagot. Tahimik lang sya na nakatingin sa kawalan.

"Sino-sino ang umalis?" bigla nyang tanong. Ngumiti ako.

"Madami, miski ang ibang mga seniors umalis din." tumingin sya sakin na nagtataka. "Yung mga nandoon na lang na seniors ay sila Ella, Joey, V, Sharm, Ali, Juls, Abby tapos ang rookies satin ay sina Shiela, Noimi, Anya, Zeke, Gail, Maybelle, Bea, Krystal at Rachel"

"Satin red team, ikaw lang at ako ang umalis." sabi nya.

"Yup. Alam mo ang daming nangyari samin. Maniniwala ka ba na nililigawan ni Krystal si Sharm?" tanong ko. Napatingin sya sakin na nagtataka.

"Break na sila ni V?" tanong nya.

"Oo, lagi na kasi sila nag-aaway na dalawa. Isang buwan silang hindi nag-uusap na dalawa hanggang sa sinet-up sila nila Ella para magkaayos. Kahit hindi na magkabalikan, magkaayos lang sila. Hindi pwedeng patatagalin nila ang ayaw nila dahil magka-team sila."

"Naging okay naman sila?"

"Yup. Isang buwan nung magkaayos sila. Sinimulan na ligawan ni V si Maybelle." napatingin ulit sya sakin. Natawa ako. "Hindi ka makapaniwala 'no? kami rin! Nagulat kami dahil naging sweet si V kay Maybelle."

"Pambihira." sabi nya na ikatawa ko lalo.

"Tapos kinuha ni Krystal ang pagkakataon na umamin kay Sharm at ligawan ito. Ewan ko lang kung sinagot na sya ni Sharm ngayon. Wala na rin akong balita sa kanila pagkalabas ko ng camp eh." sabi ko habang nakatingin sa ulap. "Isang buwan na rin pala."

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now