Special Chapter

63K 1.2K 207
                                    




Kill's POV

"Mom, bakit dito kayo natutulog?" Tanong ni Aiden pagkatapos nya akong gisingin dito sa sala. Dito ako natulog kagabi dahil kailangan kong pagsisihan ang pagbabaliwala kay Avey kahapon.

"Malikot matulog Mommy mo." Sabi ko na lang baka mag-alala pa sya kapag sinabi kong may kaonting hindi pag-uunawaan kami ni Avey.

Napahalikgik si Aiden sa sinabi ko kaya napangiti ako. Akala nya siguro ay totoo ang sinasabi ko.

"Mom, pwede po ba tayong pumunta sa bahay ni Sandy?" Nagtaka ako. Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nya.

"Sino sya?"

"Friends ko po." Nakangiting sabi nya. Ngayon ko lang napantantong wala akong masyadong alam kay Aiden. Ayoko syang tanungin sa buhay nya noon dahil baka maalala nya ang tunay nyang mga magulang. Nag-aalala ako sa mararamdaman nya.

"Sure. Wala naman akong gagawin ngayon." Sabi ko.

"Yes! Makikita ko ulit sila." Umalis sa sofa si Aiden at tumakbo papunta sa itaas. Napangiti na lang ako ng malungkot.

"Good morning!" Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Sam. Kasama nya si Dom.

"Dyaan ka natulog?" Tanong ni Dom at naupo sa harapan ko.

"Yeah. May ginawa ako na ikainis ni Avey." Sagot ko. Hinagod ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. "Anong ginagawa ninyo dito?"

"Hinatak lang ako ni Sam dito." Sagot nya. Tumingin ako sa likuran ko para tignan si Sam pero wala na sya.

"Nasaan 'yon?" Tanong ko.

"Sa kusina nyo. Ayun ang ipinunta nya dito." Natatawang sabi ni Dom. Napailing ako.

"Bihis lang ako." Sabi ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa kwarto namin ni Avey. Simula nung magkaayos kami ay sa kwarto ko na natutulog si Avey tapos ako pa ang pinalayas nya doon.

Pumasok ako sa kwarto na mahimbing na natutulog si Avey na katabi ni Aiden na nagce-cellphone gamit ang phone ni Avey. Dito pala pumunta ang batang 'to.

"Mom. Nasabihan ko na ang mga kaibigan ko na pupuntahan natin sila." Pag-aanunsyo nya. Kaya siguro hawak nya ang cellphone ni Avey.

"Good. Saan ba sila nakatira?" Tanong ko habang kumukuha ng susuotin ko.

"Kapitbahay lang namin sila." Tumingin ako kay Aiden na nakatingin sa cellphone. "Mom, pwede po bang doon tayo matulog sa bahay namin ngayon?" Tumingin sya sakin. Sa loob ng tatlong buwan, ngayon lang namin mapupuntahan ang bahay nila. Ngayon lang sya nagsabi na puntahan ang bahay nila.

"No problem, kiddo." Sabi ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Kahit kailan ay pwede tayong matulog doon basta maganda ang schedule ko."

"Thank you Mom!" Sabi nya at niyakap ako. Niyakap ko rin sya.

"Sweet naman ng mag-ina ko." Parehas kaming napatingin ni Aiden kay Avey. Gising na pala ito. "Ano meron?" Tanong nya. Si Aiden naman ang nagsabi sa kanya kung ano ang gagawin namin habang tumungo na ako sa banyo para maligo.

Patapos na akong maligo nung pumasok sa banyo si Avey na walang saplot. Napakagat ako ng labi habang papalapit sya sakin. Mapang-akit naman syang nakatingin sakin. Ipinulupot nya ang dalawang kamay nya sa batok ko. Napasinghap ako nang magdikit ang katawan namin.

"Hi sexy." mapang-akit nyang sambit. "Good morning." napangiti ako dahil nagawa nya pa akong batiin. Hinalikan nya ako sa labi pero saglit lang kaya nabitin ako. Natawa naman ng napaka-sexy si Avey.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now