Chapter 10

46.4K 1.3K 147
                                    


Third Person's POV

"Kyaah!"

"Ang gwapo nila!"

"Waaahh! abs!"

"What's happening here?" tanong ni Avey sa ilang team nya. Nilingon nya ang ibang team nya na nagkakagulo sa bandang dagat kung saan may nagkakasayahan.

"Tsk..may mga pasikat kaya nagkakagulo sila." sagot ni Joey na may halong asar sa boses.

"Feeling gwapo eh paa ko lang naman sila." gayun din si Lexie.

"May abs din ako 'no." sabi din ni Hans.

"Letche may mga asungot." sabi ni Juls.

"Mas hot naman ako sa kanila 'no." sabi ni V.

"Bwisit unfair! hindi na nga ako tumitingin sa iba pero sya naman itong feeling high school kung kiligin." inis na sabi ni Rei.

"Yung panget na 'yon napapansin nya pero ako hindi?" hugot ni PJ.

"Malaki nga katawan, hangin naman ang utak." sabat din ni Krystal.

"Waahh! si Zeke ko." sabi ni Jhoana na taga Blue team.

Hindi alam ni Avey kung matatawa ba sya sa mga ka-team nya dahil halata sa kanila na nagseselos sila sa limang lalaki na nagpapasikat sa mga babaeng pinagkakaguluhan sila. Kung iisipin na mas lamang sila kaysa sa mga lalaking 'yon dahil sila ang mahal ng mga girlfriend nila at siguro nagwa-gwapuhan lang ang mga girlfriend nila kaya nakikisali sila. Hindi nya alam na selosa pala ang mga ka-team nya.

"Eh ikaw Jacey?" tanong nya kay Jacey na nakatingin din sa nagkakagulo.

"I don't care, nandito naman si Kill." sagot nya pero may halong pagkainis. Lumingon sya sa paligid kung nasaan si Kill. Nakita nya ito sa cottage na naglalaro ng cellphone nya kaya nilapitan nya ito.

"Hey, bakit hindi ka nakisali sa mga 'yon?" tanong nya nito at naupo sa tabi ni Kill.

"Bakit ko naman kailangan sagutin 'yan?" walang lingon na tanong ni Kill.

"Selos ka rin?" biro nya. Naalala nya yung narinig nya kahapon. Isa si Scarlette na nagkikigulo kasama ang iba pang team.

"Bakit ako magseselos?" walang lingon pa rin nyang tanong.

"You like Scarlette right?" tanong nya pa ulit.

"Who told you that?" tanong na sagot naman ni Kill na wala pa ring lingon-lingon sa katabi.

"Wait nga, kanina ko pa napapansin eh tinatanong kita pero ang sagot mo tanong din. Yung totoo?" nakataas ang kilay na tanong nya. Lumingon din sa wakas si Kill kay Avey.

"None of your business." at binalik nya ulit ang tingin nya sa cellphone nya. 

Ang sungit talaga nito.

Kinuha ni Avey ang cellphone nya at binuksan ang camera app. Itinaas nya ang cellphone at itinapat sa kanilang dalawa ang camera.

"Baby." tawag nya kay Kill pero sa camera nakatingin, saktong lumingon sa kanya si Kill at nakuhaan sila ng picture na nakatingin si Kill kay Avey.

"Parang kang inlove rito, baby." pinakita nya ang picture nilang dalawa kay Kill.

"Whatever." ayun lang at binalik ulit ang tingin sa cellphone. Nailing si Avey tsaka pinatong ang ulo nya sa balikat ni Kill. Hindi naman umangal si Kill dahil busy ito sa paglalaro sa cellphone nya. Naramdaman nya na lang na bumigat ang paghinga ni Avey kaya nilingon nya ito, tulog na pala.

"Bakit lagi kang nagpupuyat?" napansin nya tuwing nagigising sya ng madaling araw ay lagi nya nakikita si Avey na may inaasikaso sa laptop nya. Gustuhin nya man itong itanong kung bakit hindi pa sya natutulog, nakikita nyang mukhang seryoso sa ginagawa nya si Avey kaya hinayaan nya na lang ito.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now