Chapter 21

37.4K 1K 202
                                    



Shiela's POV

Pagkaalis ni Kill, nakatingin lang kami sa pintuan ng nilabasan nya. Ayoko talaga nakikitang nagagalit si Kill, nakakatakot sya. Sa tagal naming magkasama ni Kill, tatlong beses ko pa lang sya nakikitang ganon at alam kong hindi pa sya totally galit, dahil kapag galit na talaga sya hindi nya na mapigilan sarili nya magsalita ng masakit o manakit na rin physically.

"Beast mode si Kill, asahan nyo bukas okay na 'yan. Just give her time to cool down." sabi ni Noims.

"Mas nakakatakot pala si Kill kaysa kay Avey." sabi ni Ali, nakakatakot talaga.

"Hindi, mas nakakatakot pa rin si Avey." sabi ni Ella. "May kasabihan nga na wag galitin ang taong masayahin." hindi na kami tumutol pa. Si Ella ang mas kilala kay Avey.

"Siguro naman nadala na kayong dalawa." nakangising sabi ni Rachel. Napayuko si Abby pero si Dani nakasimangot lang.

Bakit kasi ang haba ng hair ni Shiela? Sarap putulan eh.

"Shiela oh tubig." tumingin ako kay Juls, nginitian ko sya at iinumin na yung baso na may tubig habang hawak nya. Nakakamay kasi akong kumain ngayon at parehas madumi kaya tinutulungan ako ni Juls na uminom ng tubig pero nagulat ako nang halikan nya ako sa noo kaya namula ang mukha ko.

"Nakita ko 'yon!" sigaw ni Zeke, nag-init ang mukha ko nang mapatingin ang lahat saming dalawa.

"Galawang Juls." asar ni Lexie at natawa lang si Juls kaya sumimangot ako at hinampas sya.

"Lakas makadamoves ni Juls grabe." sabi ni Rei.

"Binata na eh." sabi naman ni V.

"Magsitigil nga kayo." sabi ni Juls at bumaling sakin "May dumi." hahawakan ko sana pisngi ko pero pinigilan nya ako at sya na nagpunas ng dumi ko sa pisngi.

"Shete ang langgam naman." natawa silang lahat kaya napayuko ako dahil sobrang pula ng mukha ko tapos si Juls nakangiti lang at nagpatuloy sa pagkain.

Bakit kasi sobrang sweet nya? Oh gosh hindi ko alam ano nararamdaman ko, feeling ko nahuhulog na ako sa kanya pero natatakot ako na baka masaktan ulit ako. What to do?

Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa lamesa dahil may biglang tumawag. Nakita ko naman kung sino ang tumatawag. Isa pa ito eh, bakit ba kung sino pa ang may ginawang kasalanan ay sya rin ang gusto makipagbalikan?

"Ralph huh." sabi ni Noimi nang makita rin kung sino ang tumatawag.

"Kakausapin ko ba?" tanong ko sa kanya.

"Mahal mo pa ba?" hindi ako sumagot. "Silent means yes." sabi nya.

"I don't know, masakit pa rin eh." sagot ko, bumuntong hininga sya.

"Kapag handa ka na d'on mo na lang sya kausapin, mukhang hindi ka pa handa eh. At please isigurado mo 'yang feelings mo, may naghihintay rin sayo." sabi nya at tumingin kay Juls, tumingin din ako rito. Napansin nya ata na nakatingin kami sa kanya kaya lumingon sya samin at ngumiti.

Bakit ang ganda nyang ngumiti? Hay Juls hindi ko alam kung ano gagawin ko sayo.

"Matanong ka nga Dani, may gusto ka ba kay Kill?" tanong ni Ella. Nakatingin kaming lahat sa kanya miski si Abby nakatingin din. Matagal na naming alam na may gusto si Dani kay Kill. Nakilala namin silang dalawa ni Rachel nung elementary kami. Naging kaibigan namin sila pero katulad ni Noimi, umalis din sila ng bansa na paminsan-minsan umuuwi rin ng pilipinas kaya kami lang ni Kill ang laging magkasama.

"Yes." nakangiting sagot nya at tumingin kay Abby. "How about you Abby? Do you like Kill?" ngayon kay Abby kami nakatingin.

"Putulin natin buhok ni Kill, ano?" natawa ako at hinampas si Noims, puro kalokohan talaga.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now