Chapter 39

37.6K 1K 128
                                    



Avey's POV

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay Lolo na mawawala ako ng ilang araw, hindi sya nagtanong kung bakit basta pinayagan nya lang ako. Ngumiti ako sa kanya bago ako lumabas ng bahay. Niligay ko sa backseat ang mga gamit ko na good for three days, wala naman akong balak na magtagal na lumayo sa kanya. I just gave her time to think.

Tumingin ako sa bintana nya at nakita ko sya doon na nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanya at pumasok na ng sasakyan. Inistart ko ang engine at nagsimulang paandarin ang sasakyan papunta sa camp. 

Hindi ko maisip na magagawang lokohin ni Abby si Kill. She's kind and charming, bakit nagawang nyang saktan si Kill at sinabing inutos kong saktan nya si Kill? hindi ko alam kung ano ang iniisip nya pero alam kong may rason sya kung bakit nya ito ginawa at kailangan kong alamin kung ano ito.

"Shoot! wala pala sila ngayon sa camp." bigla ko naalala na tuwing Cup tournament ay nasa isang bahay pala tumitira ang Dragon Empire para madali lang makarating sa arena. Nag-u-turn ako at dumiretso sa bahay ng Dragon Empire. Mabilis akong nakarating doon dahil malapit lang naman 'yon sa bahay nila Kill.

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa gate. Magdo-doorbell sana ako pero bumukas ang gate at lumabas doon si Ella na may bitbit na basura.

"Avey!" agad nyang binitawan ang basurang dala nya at niyakap ako. "Waaahh! namiss kita!" sabi nya.

Natawa ako. "Halata nga eh" sabi ko, bumitaw sya sa pagyakap sakin.

"Kailan ka pa umuwi?" tanong nya at kinuha ang basura tapos tinapon na ito.

"Nung last month lang." tumango tango sya. "Si Abby ba nandyan?" tanong ko tapos bigla syang sumeryoso.

"Mukhang alam ko na ang pinuntahan mo rito. Nagkita na kayo ni Kill 'no?" tanong nya, kumunot ang noo ko at tumango. 

"What do you mean na alam mo na? may alam ka ba sa nangyari?"

"Basta makinig ka muna sa kanya. May dahilan sya kung bakit nya ginawa iyon kay Kill at nadamay ka. May prinoprotektahan lang syang tao kaya nagawa nya iyon." sabi nya. Tumango ako sa kanya, alam ko naman na hindi basta-basta gagawa ng isang bagay si Abby kung walang dahilan.

Pumasok kami sa loob at nadatnan namin silang nanonood ng movie kaya hindi nila kami napansin. Tumingin ako sa gawi ni Abby, napataas kilay ko nang makita kong nakaakbay sya kay Gail at si Gail naman ay nakapatong ang ulo kay Abby. Sila ba?

"Ano ba 'yan! nanonood kami!"

"Naknang! nandoon na eh! malapit na sila magkita!"

  "Wahh! Sino nagpatay ng TV?!" 

Sabay-sabay nilang sabi. Mga napasabunot pa ang ilan sa kanila ng ulo at pumadyak sa sobrang badtrip sa ginawa ni Ella. Sakto pang pinatay ni Ella sa kaabang abang na scene kaya sila nabadtrip lahat.

"Ako, bakit aangal kayo?" maangas na sabi ni Ella sa kanila.

"Oo bakit?" mataray na tanong ni Joey at nakapamewang pa. 

"Peace lang hon 'to naman. Si Avey kasi nandito oh." sabi ni Ella. Natawa naman ako, hanggang ngayon under pa rin sya kay Joey.

"Avey!!" sigaw ni Juls at agad akong niyakap. Sumunod naman ang iba.

"Girls! I can't breath!" sabi ko kaya humiwalay silang lahat sakin. "Jeez..papatayin ninyo na ba ako?"

"Kung pwede lang matagal na eh." sabi ni V.

"What's your problem V-cat?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi kasi sinasagot ng isa dy'an kaya ganyan." sabi ni Krystal.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now