Chapter 49

41.1K 929 105
                                    




Kill's POV

"Wow astig pala rito parang amusement park lang. Ang daming naka-stall ng pagkain at games." manghang sabi ni Ashley. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang Mini Basketball Tournament. Naunang pumunta sila Sam na sumali rin na kasama sila Erin, Maki, Blue at Sasha. Pati si Avey maagang umalis dahil magwa-warm up daw sila. Kaya kaming natira ay sumunod na lang.

"Cyril!" napatingin kami sa tumawag kay Cyril, isang babae na naka-jersey, siguro isa sa maglalaro.

"Babe!" pabalik tawag ni Cyril. Napatingin naman kaming anim kay Cyril at mukhang napansin nya naman ang pagtataka namin. "Wag kayong ano. She's my cousin, babe lang ang tawag ko sa kanya."

"So Sam ka pa din?" pilyong tanong ni White, nagtaka naman kami. Anong meron kay Sam?

"What? wag mo akong pagtripan puti ah." sabi ni Cyril. Hindi na nagsalita pa si White dahil dumating na ang pinsan ni Cyril.

"Babe maglalaro ka mamaya?" tanong ni Cyril.

"Oo kaso kulang kami ng isa pwede ka ba? please Babe." pagmamakaawa ng pinsan ni Cyril, tumingin naman sakin si Cyril.

"Hindi mo kailangan na magpaalam sakin. Para sa lahat ang event na ito kaya sumali ka lang kung gusto mo." sabi ko. Ngumiti sya at humarap sa pinsan nya.

"Sige kaso wala akong gamit." sabai ni Cyril.

"No problem! May extra si Kingkong. Tara na, malapit na ang laro natin." sabi ng pinsan nya at hinila si Cyril, kumaway na lang samin si Cyril dahil tinangay na sya ng pinsan nya.

"Makahila naman 'yon wagas." sabi ni Dom. Tumingin ako sa kanya.

"Parang hindi ka ganon." sabi ko at ngumuso lang sya.

"Gusto ko ng cotton candy."

"Waah!!" nagulat kami sa pagsulpot ni Eli na nakamaskarang monster.

"Eli!" sigaw nila nung mapagtantong si Eli ang nagsalita. Napatingin tuloy samin ang ibang tao. Agaw attention na naman sila.

"Sorry." sabi ni Eli at tinanggal ang maskara nya.

"Saan mo nabili 'yan? Ang aga mong manakot ah." tanong ni White.

"Doon." tumingin naman kami sa tinuro nya. Maraming maskara ang naka-display sa stall na tinuro nya.

"Anyway, tara bumili tayo ng cotton candy. Na-crave rin ako nung makakita ako kanina." sabi ni White.

"Sama ako!" sabi ni Ashley.

"Wag na." asar ni White, nahahawa na sya sa pangbabara nila Ashley. "Kita na lang tayo sa laban nila Sam, lilibot na rin kami ni Eli." sabi ni White sakin, tumango ako.

"Sama ako." nagmamakaawang sabi ni Ashley. Nailing ako sa kanya dahil para syang batang gustong sumama sa nanay.

"Tara na, Eli." hindi pinansin ni White si Ashley tsaka sila naglakad palayo ni Eli. Nagmamaktol naman itong si Ashley kaya pinagtitinginan sya ng iba na tila sinasabi na baliw. Baliw naman talaga.

"Maggagala ako mag-isa." sabi ni Ashley at iniwan kami ni Dom. Nakatingin lang kami ni Dom kay Ashley na nagpapadyak na umalis. May sayad na sa utak.

"So? ano balak natin?" tanong ni Dom nung hindi na namin makita ang tatlo. Nakakitbitbalikat ako.

"Puntahan na lang natin sila Sam." sabi ko. Tumango ito tsaka kami pumunta sa court. 

Hindi kagad namin nakita sila Sam dahil ang daming tao at players. Miski nga sila Shiela at Avey ay hindi namin makita tapos ang init pa. Outdoor ang mga court na nandito kaya tirik na tirik ang araw pero mapuno naman sa parteng walang court. Masarap mag-picnic sa ilalim ng puno.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now