Chapter 4

64.6K 1.6K 794
                                    




Kill's POV

Dalawang linggo na kaming nandito sa camp. Puro training ang ginawa namin. Tuwing Wednesday and weekends ang rest day namin. Sa isang araw para kaming binugbog pagkatapos ng araw dahil sa sobrang pahirap nilang magtraining. Lunch break at five minutes break lang ang break namin. Minsan sa isang araw, dalawang beses lang kami pinagbre-break ng five minutes break kaya talagang pagod na pagod kami.

Hindi nila kami pinahawak ng bola sa loob ng dalawang linggong 'yon. Puro kami takbo at basic exercise. Puro reklamo na rin ang mga kasamahan ko sa nangyayari samin pero hindi naman pinaparinig sa mga seniors dahil baka dagdag pa ang ipagawa samin. Habang tumatakbo kaming mga rookies, ang ilang seniors naman nagpra-practice. Si Avey ang madalas na nagbabantay samin at ni minsan, hindi namin sya nakitang mag-practice kasama sila Juls.

At tungkol sa nangyari samin ni Avey sa banyo namin. Hindi namin pinag-usapan ni Avey 'yon. Hindi ko alam kung ayaw nya lang bang pag-usapan o ano. Pero simula rin n'on, panay na ang lapit nya sakin. Mga pasimpleng akit nya sakin kapag walang nakatingin sa kanya lalo na kapag kaming dalawa lang sa kwarto. Madalas nya akong halikan pero dahil ayoko nang maulit ang nangyari, lumalayo ako sa kanya. Kaya madalas din nasa sala ako nakatambay kapag nasa kwarto sya kahit pagod na pagod ako sa training. Hinihintay ko rin syang makatulog bago ako matulog dahil last time na nauna akong natulog sa kanya, nasa tabi ko na sya at hinahalikan ako sa leeg. Sobrang clingy nya kapag kaming dalawa lang pero ang galing nyang mang-akit kapag may kasama kaming iba dahil hindi sya nahuhuli.

Tumatakbo na naman kaming pito ngayon pero nakaupo naman sa bench ang mga seniors namin na nagkwe-kwentuhan. Ang chill lang nila habang kami panay ang takbo. Tumingin na ako sa harapan nang makitang nakatingin samin si Avey. Binilisan ko ang takbo ko nang ikarinig ko ng reklamo kanila Ashley pero binilisan din naman nila. Fifty laps ang gagawin namin ngayon paikot sa dalawang outdoor court. Nakaka-twenty pa lang kami at nakakaramdam na ako ng pagod.

"Sila Warren!" sigaw ni Maybelle. Napatingin naman kami kung saan ang mga seniors namin. May kasama silang tatlong lalaki.

"Girls! tama na muna 'yan, dito muna kayo!" sigaw ni Sharm kaya naman natuwa sila Shiela at tumakbo papunta sa kanila. Naglakad lang ako papunta sa kanila.

Pagkalapit ko sa kanila, nagpakilala sila Shiela sa tatlo. Tuwang tuwa rin sila nang makilala ang dumating parang nung dumating lang sila Scarlette nung nakaraan.

"Hi." bati sakin ni Warren. Tumango ako sa kanya tapos tumingin ako kay Kuya na nakatingin din sakin.

Kasama ko sila Kuya Tristan at ang kakambal ko na nakapasa rito sa training camp. Natuwa si Kuya Kyle sa nalaman nilang balita dahil lahat kaming magkakapatid nakapasa rito sa camp pero ang panganay namin ay umalis na ng camp at nagpamilya na.

"Hello." nakangiting bati ni Killua na nakaakbay kay Kuya Tristan. "May kamukha ka." hinawakan nya ang baba nya at tila nag-isip. "Si Tairon, tama yung rookies din namin." sabi nya. "Kapatid nito ni Tristan." turo nya kay Kuya.

"Malamang, kapatid ko rin 'yan." masungit na sabi ni Kuya Tristan na ikagulat nilang lahat bukod sa nakakalaam na magkapatid kami, si Shiela at si Noimi.

"Kaya pala parehas kayong masungit!" sabi ni Killua na ikatawa naman ng lahat bukod samin ni Kuya.

"Kamusta ang training ninyo rito?" tanong ni Warren. Nag-umpisa na magsabi sila Maybelle sa mga pinagdaanan namin dito. Nagsimula na rin silang magreklamo na hindi naman pinapansin ng mga seniors namin.

Maya-maya hindi na nakisali si Warren sa pakikipagkwentuhan at nilapitan si Avey. Pasimple itong hinahawakan ang kamay ni Avey habang kung ano-ano ang sinasabi na ikinangingiti ni Avey.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now