Chapter 43

51.4K 1K 312
                                    




Kill's POV

Pagkatapos ng game ay dumiretso kami sa pinakamalapit ng restaurant para kumain. Kami ang nanalo sa score na 109-98 at naka-thirty five points ako. Hindi na ako nag-score nung naka-thirty five points na ako, hinayaan ko na sila Ashley ang umiscore.

"Bear! alam mo ba si Nicolo nililigawan si Noims." sabi ni Shiela. Tumingin ako kay Noimi na hinampas si Shiela sa braso.

"Pinagsasabi mo d'yan? napakabarbers mo." sabi ni Noimi.

"Bakit ka namumula?" tanong ko sa kanya. Natawa si Shiela at napaiwas naman ng tingin si Noimi. "Wala naman issue sakin kung nililigawan ka ni Nicolo, beside we're okay now."

"At may Avey na sya." dagdag ni Shiela.

"He is still your ex." sabi ni Noimi.

"Ikaw na nagsabi. Ex. Past is past. Wag mo na ako alahanin, okay lang sakin na maging kayo ni Nicolo. Pero sa oras na lokohin ka nya, hindi ko na alam ang gagawin sa kanya." sabi ko. Ngumiti si Noimi at niyakap ako.

"Thank you." bulong nya.

"Sali naman ako d'yan!" sabi ni Shiela at nakigroup hug.

"That's unfair! hindi kayo nagsasali." naghiwalay kaming tatlo at tinignan si Daniella at Rachel.

"Kung ako sayo, simulan mo na magsuyo." sabi ni Rachel. Tumingin ako kay Daniella na ngayon ay masamang nakatingin sakin habang naka-cross arms.

"Pangalawa. Pangalawang beses mo na hindi sinasabi sakin na may nililigawan ka na pala. Ano 'to lagi mo na lang ako sinusurpresa? bestfriend mo ba ako?" inis na sabi ni Daniella. Tinapik ako sa balikat ni Shiela tsaka sila naunang pumasok ng VIP room.

"Sorry okay? kaya hindi ko nasabi sayo dahil nung nakaraang araw lang naman ako nag-umpisang manligaw. And of course you're my bestfriend. My brat bestfriend." sabi ko at hinampas ako sa braso.

"Brat mo mukha mo!" sabi nya at iniwan ako. Iniisip ko kung nagagalit ba sya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang panliligaw ko o nasasaktan sya. How I wish, naka-move on na sya dahil hanggang kaibigan lang ang pwede kong ibigay sa kanya. Ayoko naman sya masaktan dahil parang kapatid ko na rin sya. 

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang lalim n'on ah." tumingin ako sa nagsalita. Tila nawala ang problema ko nang makita ko sya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nya at hinawakan ang mukha ko. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko.

"Makita ka lang, ayos na ako." sabi ko na nakangiti. Nginitian nya ako.

"Hey lovers! nandito na ang mga pagkain." sabay kami napatingin ni Avey kay Juls.

"Okay." sabi ni Avey tapos tumingin sakin. "Let's go? gutom na ako at baka iba ang makain ko." sabi nya na mapang-akit at tumingin sa katawan ko. Napangisi ako at sinandal ko sya sa pader. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at napapikit sya dahil doon. Pinilit kong wag matawa.

"Kung inaantok ka na, sabihin mo lang para makauwi  na tayo." sabi ko at napadilat sya. Yung kanina ko pa pinipigilan na wag matawa ay hindi ko na napigilan. Nakakatawa tignan ng mukha nya, ang epic na cute. Sayang at hindi ko nakuhaan, gandang pang wallpaper pa naman 'yon.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansin kong nakangisi sakin si Avey. Kumunot ang noo ko at lalayo sana sa kanya pero nahawakan nya ako sa braso at pinagpalit ang pwesto namin.

"Masama sa gutom ang binibitin." sabi nya at marahan akong hinalikan. Nakangiting tumugon ako sa kanya. Mahirap pala kapag binibitin ang isang 'to, nagiging wild.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now