Chapter 12

48.9K 1.2K 252
                                    


Kill's POV

"So wala ka talaga matandaan?" tanong ni Shiela.

"Nakakabobo ang paulit ulit." sabi ko. Kanina pa silang dalawa ni Noimi kaysa daw saan kami nagpunta ni Avey o ano ginawa namin at ilan beses ko na sinabi sa kanila na wala akong matandaan. Ang kukulit lang nila.

"Hindi lahat ng paulit ulit nakakabobo. Paano kung sabihan ka ng paulit ulit na 'I love you' ng mahal mo mabobo ka?" sinamaan ko ng tingin si Noimi, humirit pa eh.

"Inlove si Noimi, Bear." natatawang sabi ni Bear.

"Ulol kayo 'yon hindi ako 'no." sabi ni Noimi.

"Bakit pati ako kasali?"

"Wushu! ano akala mo hindi namin napapansin na lagi kayo magkasama ni Juls?" hindi nakaligtas samin ni Noimi ang pagmumula ng mukha ni Shiela.

"Hindi naman lagi." nahihiyang sabi ni Shiela.

"Deny mo pa." sabat ko. Halata naman ayaw pang umamin.

"Hindi naman kasi eh!" napalakas ang boses nya.

"Bakit ka defensive?" ngumisi ako nung hindi na sumagot si Shiela.

"Si Juls oh!" sabay kami tumingin ni Shiela sa tinuro ni Noimi pero wala naman d'on si Juls. "May namimiss!" natatawang sabi ni Noimi.

"Pinagtri-tripan ninyo ako!" sigaw ni Shiela at umalis. Naiwan kami ni Noimi na nakangiting nakatingin kay Shiela.

"Teka ngumiti ka?!" napatingin ako kay Noimi na nakaturo sakin. Kumunot ang noo ko dahil para syang nakakita ng multo.

"Si Bear ngumiti?" parehas kaming tumingin ni Noimi kay Shiela na bumalik.

"Oo nakangiti sya kanina nung paalis ka. Aba himala ngumingiti ka na, Kill." tinaasan ko sila ng kilay.

"Bawal na bang ngumiti?" tanong ko sa kanila.

"Nakakapanibago lang, ito naman sungit agad." sabi ni Noimi.

"Ano nakain mo na iba na ata ang mood mo ngayon? medyo light na rin 'yang aura mo, hindi katulad dati na sobrang black!" sabi ni Shiela habang nanlalaki pa ang mata.

"Lalo tuloy ako na-curious kung ano talaga nangyari sainyo kagabi ni Avey." sabi ni Noimi.

"O baka inlove ka na Bear?" tanong ni Shiela pero hindi ako umimik.

"Oh may hindi sinasabi!" sabay na sabi nila. Umiling ako sa kanila.

"Wala kaya wag kayong mag-isip ng kung ano r'yan." sabi ko pero mukhang hindi naman sila naniwala sakin dahil panay ang pilit nila sakin.


"Para kang bata." sabi ko at pinunasan ang gilid ng labi ni Scarlette.

"Hindi ako bata sadyang ganito lang ako kumain ng ice cream." sagot nya at kumain ulit ng ice cream. Nadumihan ulit ang gilid ng labi nya, ngumiting umiling na lang ako.

"Wow huh nung una tayong kumain ng ice cream sa camp hindi naman ganyan." sabi ko. Sumimangot naman sya. Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na rin ng ice cream.

"Ikaw nga ang parang batang kumain eh." taka akong lumingon sa kanya at nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pinunasan nya ang gilid ng pisngi ko gamit ang tissue.

"Salamat." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream nya pero hinawakan nya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang.

"Scarlette?" sabay kaming lumingon sa likod namin ni Scarlette nang may tumawag sa kanya.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now