Chapter 7

56K 1.6K 280
                                    



Kill's POV

"Since tayo naman ang magka-roommate sa dorm, tayo rin ang magka-roommate rito sa resort." sabi nya at dumeretso sa loob ng kwarto.

"Wala ka bang sariling kwarto rito? 'di ba resort ninyo ito?" tanong ko habang nakatayo pa rin sa harap ng pintuan.

"Actually, ito ang room ko." sabi nya at nahiga sa queen bed sized. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto.

"Hindi ako hibang para matulog katabi mo." sabi ko nang makitang iisa lang ang higaan. Kaya pala queen bed sized ang kama.

"Wala ka magagawa baby dahil naka-pair na ang lahat at tayo ang magka-pair kaya ayusin mo na ang mga gamit mo dahil mamayang lunch mame-meet natin ang head, so be prepared. Pakigising na lang ako kapag eleven na." sabi nya at natulog na ata. Ang bilis naman nitong makatulog. 

Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas otso y media na. May kaonting oras na lang kami para magpahinga galing byahe. Huminga ako ng malalim bago pumasok ng kwarto nya. Nilapag ko ang gamit ko sa couch at nilibot ang paligid. Malaki at malinis ang kwarto nya, may mini kitchen at mini sala na rin. Naglakad ako papunta sa balcony. Napapikit ako sa lakas ng hampas ng hangin sakin. 

Ngayon ko lang ulit ito naramdaman simula nung nagpunta sila Mom sa America para doon manirahan. Naiwan na lang kami ng mga kuya ko rito sa pilipinas pero umalis din ang dalawa kong kuya para mag-training sa camp. Tatlo na lang kami kaya hindi kami nakakaalis na magkakapatid. Madalas man magplano si Tairon ay palagi naman nadra-drawing dahil wala kami sa mood ni Tristan. Kung kasama siguro namin si Kuya Kyle baka natuloy ang outing namin. Kailangan lang ng tagapilit para matuloy kami.

Nag-stay pa ako ng ilang minuto para tignan ang view. Napakaganda at nakakapangsisi rin dahil hindi ko man lang nadala ang sketch pad ko para idrawing ang magandang view. Bukod kasi sa bike ay mahilig din ako magdrawing. Tumingin ako sa langit, medyo may ulap ngayon pero sikat pa rin ang araw. Napangiti ako nang may maalala ako. Nung bata pa kami nila kuya ay lagi kaming naghuhulaan kung ano ang shape ng mga ulap. Nakakamiss rin na maka-bonding ang mga kuya ko.

Nakarinig ako ng tunog ng camera kaya naman tumingin agad ako kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon. Kumunot ang noo ko kay Avey dahil nakita kong hawak nya ang cellphone nya at nakatapat sakin.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya.

"Taking you a picture? well, first time in the history, you smiled." sabi nya at pinakita pa sakin yung picture ko na nakatingin sa langit at nakangiti. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Idelete mo 'yan." utos kor rito habang naglakad ako palapit sa kanya. Nararamdaman ko kasing hindi nya ako susundin.

"Na-ah! ayoko nga." ngising sagot nya at tumakbo palayo sakin. Agad ko naman sya hinabol. Nagpaikot ikot kami sa couch nya, sa kusina nya at kung saang parte ng kwarto nya.

"Idelete mo 'yan Avey!" sigaw ko habang hinahabol pa rin sya. Bwisit. Ang bilis nya talagang tumakbo.

"Kiss mo muna ako!" natatawang sabi nya.

"In your dreams!"

"Edi hindi ko ito idedelete, bleh!" at nagawa nya pa akong belatan huh? nakakasura talaga sya.

"Patay ka sakin kapag nahabol kita!"

"Kung mahahabol mo? slow ka pa naman." nang-aasar nyang sabi. Sa inis ko ay binilisan ko ang paghabol sa kanya. Nung patalon na sya pababa sa kama nya, agad ako tumalon para pigilan sya. Dumagan ako sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang kamay.

"Sinong slow?" ngumisi ako at tumingin sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa pero hindi ko man lang magawang lumayo dahil tila nag-magnet ang mga mata ko sa kanya at hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Tumingin sya sa mga labi ko at napalunok. Ngumisi naman ako sa ginawa nya.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now