Chapter 29

37.4K 956 118
                                    



Jul's POV

Nasa sala kaming lahat. Wala kaming maisip na puntahan at tinatamad din ang karamihan sa kanilang lumabas ng bahay. Nagsu-suggest sila ng gagawin pero may ilan naman natutol sa mga sinusuggest kaya hindi sila makapagdesisyon ng gagawin. Ayaw rin nilang maglaro ng basketball dahil gusto nilang sulitin ang bakasyon nilang isang buwan.

Natatawa na lang ako sa tuwing sinasabi nila 'yon. Dapat lang na sulitin nila 'yon dahil napagdesisyunan namin nila Ella sa pagbalik namin sa camp ay pahihirapan namin sila. Inabuso nila kami sa isang buwan nilang bakasyon kaya ang kapalit n'on ay dagdag pahirap sa training nila. Isasama namin ang ibang seniors na ayaw rin magpractice sa tuwing niyayaya namin sila ni Ella. Ni hindi nga sila nagparegister sa basketball mini tourament na gaganapin malapit dito. Tanging kami lang ni Ella, Gail, Abby at Joey ang maglalaro. Kaya humanda talaga sila sa pag-uwi.

"Magpractice na lang kaya tayo?" bulong sakin ni Abby. Magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng sala. "Hayaan na natin sila."

"Pwede rin." sabi ko at nilingon si Ella na nagce-cellphone sa tabi ni Joey at Hans.

"Tawagin ko si Gail. Punta na lang kayo sa court." sabi nya at umalis para puntahan si Gail. Lumapit naman ako sa dalawa. Hinawakan ko ang balikat nila.

"Practice na lang tayo." sabi ko sa kanila.

"Sakto. Naboboringan na ako." sabi ni Joey at tumayo. "Tayo na d'yan." sabi nya kay Ella. Parang bata naman na nagtaas ng kamay si Ella para hilain nya patayo. Napailing ako. Naglambing pa.

"Saan kayo?" nagulat ako sa biglang sulpot ni Shiela. Natawa sya ng bahagya. Jeez, nakakagulat naman kasi sya.

"Practice. Gusto mong manood?" tanong ko. Napaisip naman sya.

"Gusto kong maglaro." sabi nya at ngumuso. "Sali ako." napangiti ako sa kacute-an nya.

"Sure. Kailangan din namin ng isa." sabi ko. Napa-yes naman sya ng mahina. Natawa ako ng bahagya.

Sabay kaming pumunta sa court dahil iniwan ako ng dalawa. Sinadya talaga nila 'yon dahil kausap ko si Shiela. Alam nilang may feelings ako kay Shiela at alam nilang pinagseselosan ko ang ex nya na nagbibigay ng bulaklak, chocolate at kung ano pang pwedeng ibigay. Hindi ko mabigyan ng ganon si Shiela dahil nasa camp kami. Tanging pag-aalaga lang ang pwede kong gawin. Pero nasagad na ako, nasasaktan din naman ako dahil feeling ko wala naman gusto sakin si Shiela dahil straight sya kaya naman nung nanligaw sakin si Killua ay pinagbigyan ko ito. Bisexual ako kaya pinagbigyan ko si Killua tsaka nakakaaliw na kasama si Killua.

Simula rin n'on ay lumayo na ang loob namin ni Shiela. Alam ko rin na umiiwas sya sakin bago pa kami pumunta rito. Bihira kami mag-usap na dalawa. Nasasaktan din ako sa ginagawa nyang 'yon pero doon ko napatunayan na talagang walang feelings sakin si Shiela kaya naman hiyaan ko na lang ito kahit na nasasaktan ako. Pero nung nag-bar kami pagkarating namin dito, hindi ko aakalain na iinom sya ng madami. Nagpakalasing sya kahit na inaawat na sya ng iba. Nasabi sakin ni Noimi nung medyo lasing na kung bakit ganon si Shiela ay dahil 'yon sakin. Simula raw na dumating si Killua ay lumayo na raw ako kay Shiela. Sinabi nya na dapat magtatapat na sakin si Shiela noon pero dahil sa ginawa ko ay hindi natuloy at nagpagdesisyunan na layuan na ako sa pagpili ko kay Killua.

Hindi ko alam ang lahat ng 'yon. Akala ko walang nararamdaman sakin si Shiela kaya sumuko na ako sa kanya. Akala ko babalikan na nya ang ex nya. Akala ko lang pala. Nasaktan ko tuloy si Shiela. Parehas kaming nasaktan dahil sa ginawa kong pagbigyan si Killua. Kaya simula nung gabi na 'yon, inalagaan ko sya. Alam kong nagtataka sya sa kinikilos ko n'on, bigla ba naman akong lumapit sa kanya at inalagaan sya katulad ng ginagawa ko noon nung wala pang ex nya at Killua. Sinabi ko sa kanya na gusto ko pa din sya hanggang ngayon at gusto ko syang ligawan ulit kung pagbibigyan nya ako. Humingi ako ng tawad sa kanya at inexplain ang side ko na mabuti na lang ay nakinig sya. 

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon